Part 28: Wear it or Not

759 78 29
                                    

Edward's POV

Lumabas ako sa bahay nila Khenly Marcus at malayo ang aking tingin habang nag-iisip .

Sumunod sa akin si Patrick ,pero nilagpasan niya ako at tumayo ito sa gilid ng pool .

Lumapit ako sa kanyang tabi at parehong nasa tubig ang aming tingin .

" Nililigawan mo ba si Maymay ? " Pagbubukas ko ng usapan . Kunot noo siyang tumingin sa akin .

" Bakit ? " pabalik niyang tanong at ibinalik sa tubig ang kanyang tingin .

B-bakit nga ba ?

" Well ...napapansin ko lang ang pagiging close niyo lately at iba ang tingin mo sa bestfriend ko . "

Diniinan ko ang salitang bestfriend na parang may pag angkin .

" Hindi naman siguro bawal kong ligawan ko siya ? " matabang niyang tanong sa akin .

" Siguraduhin mo lang na hindi mo siya sasaktan kung ayaw mong baliin ko lahat ng buto sa katawan mo ! " pagbabanta ko sa kanya .

Tumalikod siya sa akin at hinawakan ako sa aking balikat .

" Bakit hindi mo simulan yan sa sarili mo ? " nakangisi niyang sabi at iniwan akong mag-isang nakatayo sa pool .

******


While driving home ay hindi parin maalis sa aking isipan ang kanyang sinabi .

I've waited him to say " joke " after he said those words .

It's definitely affect all my senses .

And here i am bothered .

Hayyyy...

Pakiramdam ko tuloy ay may mas mabigat na dahilan si Maymay kung bakit niya ako iniiwasan.

H-hindi kaya...

Dahil sa pag-iisip , hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng bahay ko .

Kaagad akong pumasok sa loob .Dahan dahan akong umakyat sa taas at pumasok sa loob ng aking kwarto .

Pabagsak akong umupo sa kama ko. Napatingin ako sa aking relo . Alas dos na pero gising parin ang aking diwa .

Ayaw akong patulogin ng mga iniisip ko.

Hindi ko alam kung totoo ba lahat ng nararamdaman ko .

Nakakatawa kasing isipin . Five years ago nang makilala ko siya at never kong naramdaman lahat ng to sa kanya .

I was to damn thankful dahil may isang Maymay na laging nandyan para sa akin but i was too blind and too stupid para maghanap pa ako ng iba.

Ganun na ba talaga ako kamanhid?

Napabuntong hininga nalang ako sa aking mga iniisip .

Lucky Inlove With My Bestfriend ( BOOK ONE ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon