Maymay's POV
Pagmulat ko ng aking mga mata ay nagulat ako dahil ang daming tao na nakapaligid sa akin .
May lalaking nagpakilala sa akin na siya daw ang aking bestfriend.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kamay .
" Maymay a-ako to si Edward " sabi niya. Binawi ko ang aking kamay at Nagugulohan na tumingin sa kanya .
" May ako nakikilala mo? " tanong naman sa akin nang isang babae. Umiling ako sa kanya .
" P-patricia May ..pinsan mo ako " pakilala niya .
Bakit hindi ko sila kilala?
May dalawang lalaki sa kanilang likuran pero hindi ko alam kung sino sila .
Ni hindi ko din alam kung sino ako ..kung ano ang pangalan ko .
Ilang minuto pa ang lumipas at bumukas ang pinto . Mula sa pintuan ay may bumungad sa akin na isang babae na mas may edad kaysa sa mga kasama ko ngayon . May kasama din siyang dalawang lalaki .
Lumapit sa kanya ang lalaking nagpakilala sa akin na bestfriend ko siya may sinabi siya dito pero hindi ko ito narinig .
Nagugulohan akong tumingin sa kanilang lahat .
" S-sino ba kayo ? " nalilitong tanong ko .
" D-doc bakit ganun ? Bakit parang walang maalala yung anak ko ? " kita sa kanyang mukha ang lungkot at pag-aalala habang tinatanong niya ito .
Linapitan ako nang Doctor pagkatapos ay sinuri niya ako . Tapos binalikan niya ang babae at kinausap.
" Okay naman siya .. " panimula niya .
" Ang heart rate at blood pressure niya ay normal . Pero kailangan pa natin ng ibang test para makasiguro na talagang okay na siya " sabi ng Doktor sa kanya .
" P-pero Dok wala siyang maalala .. " nag-aalala paring tanong niya .
" Nangyayari talaga yan sa mga pasyente na nag su-suffer ng head trauma " paliwanag sa kanya ng Doktor .
" Pero hanggang kailan Doc ? " muli niyang tanong .
" Kung kailan o kung gaanu katagal ay hindi pa natin masasabi " pagpapaliwanag ng Doktor.
Lumapit siya sa akin at umupo sa aking tabi.
" Anak .. a-ako nga pala yung ..nanay mo . Mama ang tawag mo sa akin at siya naman yung Daddy mo " pakilala niya.
Tumango lang ako ng tipid sa kanila at binaling ang aking tingin sa ibang direksyon .
Nalungkot sila sa aking naging reaksyon .
Rinig ko ang pag iyak niya sa aking tabi habang yakap yakap ang kanyang asawa.
******
Edward's POV
Malungkot kong pinagmamasdan si Maymay habang natutulog.
Bakit kailangan mo pang pagdaanan yan May .
Sana noon palang pinaramdam ko na sayo kung gaanu kita kamahal.
Sana hindi ako naduwag.
Sana pinaglaban nalang kita kay Patrick.
Nakita kasi kita kung gaanu ka kasaya sa kanya noon kaya hinayaan nalang kita sa kanya .
Pero ngayon ipaglalaban na kita .
Ipaglalaban ko ang pagmamahal na meron ako sayo .
******
Maymay's POV
Nagising ako sa marahan na haplos ng isang lalaki sa aking pisngi .
Tumingin ako sa kanya.
" Sorry May .. " sabi niya at biglang tumayo.
Bakit ganun ..iba yung pakiramdam ko nung tinawag niya ang aking pangalan . Sa pagkakabanggit niya ng pangalan ko parang matagal na kaming magkakilala.
" May gusto ka bang kainin? " tarantang tanong niya sa akin .
Umiling ako sa kanya .
" Nasaan si mama ? " tanong ko sa kanya.
" Nasa labas kausap niya si Doc " nakangiting sagot niya .
Ang cute niya kapag nakangiti siya .
Nalipat ang aking atensyon sa napaawang na pinto at may pumasok dito na isang lalaki .
Napatingin kami pareho sa kanya.
Lalong gumugulo ang aking isipan dahil maraming taong nagsisidatingan pero hindi ko naman sila kilala .
" S-sino siya ? " tanong ko sa kasama kong lalaki .
" Edward bakit parang hindi niya ako kilala ? tanong niya .
Lumapit sa kanya ang lalaki .
" May amnesia si Maymay " rinig kong sabi niya .
Nakita ko sa kanyang mga mata ang lungkot .
Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa aking kamay .
" I'm sorry Maymay " biglang may tumulong tubig mula sa kanyang mga mata .
Nagugulohan ako .
Bakit siya nagsosorry sa akin ?
" S-sino ka ba ? Bakit ka nag sosorry sa akin ? " tanong ko .
" Boyfrie.." putol niyang nasabi.
" Kaibigan din natin siya May " siya ang sumagot sa tanong ko .
Tumango nalang ako .
" Pwede bang umalis muna kayo ? " pakiusap ko sa kanila .
" Sige May , aalis na kami " paalam nila .
Sinundan ko sila pareho ng tingin habang papalabas ng aking silid.
*******
Patrick's POVNakaramdam ako ng kirot sa aking puso kanina . Dahil sa akin kaya siya na amnesia.
Gusto kong humingi ng tawad sa kanya pero hindi ko kayang simulan.
Gusto kong sabihin ang totoo na ako talaga ang may kasalanan ng lahat . Pero parang may pumipigil sa akin .Siguro dahil ayoko na kamuhian niya ako .
Bahala na !
Basta ang alam ko lang ngayon ay mahal ko siya at hindi ko siya bibitawan.
******
A/N
Utak lang ang nakakalimot pero ang puso kailan man ay hindi .
BINABASA MO ANG
Lucky Inlove With My Bestfriend ( BOOK ONE )
FanfictionMeet MaryDale Entrata , a Nerd who fell in love with his BestFriend , Edward Barber . ( COMPLETED BOOK )