Part 12: Why she's nerd

1.1K 75 23
                                    

Maymay's POV

Hinintay ko munang makalayo si Edward bago ako pumasok sa aming bahay .

Umakyat ako ng hagdan at tinungo ang aking kwarto .

Umupo muna ako sa aking kama at inayos ang aking unan.

Humiga ako ng nakatihaya ng bigla kong naisip si Edward.

Parang nag-iba si Edward sa akin .

Dati kasi pag may tampohan kami sa text at tawag lang siya hihingi ng sorry .

Tapos ung mga kinikilos niya kanina .

Hindi kaya'y nagseselos siya sa amin ?

Naputol ang aking iniisip ng may bumusenang sasakyan sa labas ng aming bahay.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at sinilip ko ito sa aking bintana .

Si Daddy ....nakauwi na pala sila ni Mama .

Patay .... Nakalimutan kong e text si mama .

Hindi kasi ako nag paalam sa kanya na mauuna na akong umuwi .

Lumabas na rin ako ng aking kwarto at bumaba ng hagdan papuntang sala .

Lumabas ako ng aming bahay at pinagbuksan ko sila ng gate.

Sinara ko muna 'yung gate at sinabayan silang pumasok sa loob ng aming bahay.

" Hi Daddy ..Mama ! " bati ko sa kanila .

Hindi ako pinansin ni Daddy .

For sure galit nanaman siya sa akin .

Aakyat sana ulit ako sa aking kwarto ng magsalita si Daddy.

"Let's talk MaryDale." seryoso ang kanyang tono .

Umupo ako sa aming sofa .

Napayuko ako .

"Bakit hindi ka nagpaalam sa Mommy mo ? ,Pinag-alala mo siya ! "galit na ang kanyang tono .

Nakita ko si Mommy na pababa sa hagdanan .

"Panay ang tawag niya sayo pero hindi mo ito sinasagot ! "

Lumapit sa amin si Mama .

"Tama na Ricky! Ako na kakausap sa kanya . "Pigil niya kay Daddy

Tahimik lang ako na nakikinig sa kanilang dalawa .

"Ayan ka nanaman eh kaya lumalaki yang ulo ng anak mo lagi mo kasing kinokonsente !
"

Napaangat ako ng tingin sa kanila .

Tumayo ako at hindi napigilang sagutin si Daddy .

"Kailan ba ako naging tama sa paningin niyo ,kailan ba ako naging anak sa inyo ? " Nangingilid na ang aking mga luha .

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Lucky Inlove With My Bestfriend ( BOOK ONE ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon