Part 31: Confession

702 69 37
                                    


" Congrats !!! " sabi ng isang boses malamig na boses . Napadilat ako ng aking mga mata . And I saw his gaze . His cold gaze .

Nakatayo ito habang pinapanuod kaming magkayakap ni Patrick.

Unti unting lumuwag ang pagkakayakap sa akin ni Patrick at pareho kaming humarap sa kanya.

Hinawakan niya ang aking kamay at pinagsalikop ang aming daliri.

" Thank's bru .. " sabi niya .

" Hi babe ! ..Kanina pa kita hinahanap . " sabi ng babae mula sa aking likod .

Lumapit ito kay Edward at hinalikan sa kanyang pisngi.

Hinawakan naman ni Edward ang kanyang likod at inilapit ang kanyang katawan sa kanya .

" A-anong meron ? " tanong ni Jenny nang makita niyang magkahawak kami ni Patrick ng kamay .

" Girlfriend ko na si Maymay .. " masayang balita niya .

Nagulat si Jenny sa kanyang narinig .

Nakita kong humigpit ang hawak ni Edward kay Jenny ..

" Congrats " sabi niya at tumingin siya sa akin .

" You look good tonight ha. Bagay pala sayo pag naaayusan eh. "

Plastik talaga ...

Binigyan ko siya ng tipid na ngiti .

" Thank you . "

Nilapit ni Patrick ang kanyang labi sa aking tenga at may ibinulong siya sa akin .

" Tara kila Mommy at Daddy . ? " patanong niyang sabi .

Nilapit ko din ang aking bibig sa kanyang tenga at sinagot ko ito .

" Excuse us guys .. Pupuntahan lang namin si Daddy at Mommy sa kabilang table .. " paalam niya at naiwan silang nakasunod ang kanilang tingin sa amin .

******

Edward's POV

Nang makalayo sa amin si Patrick at Maymay ay kaagad kong inalis ang aking kamay sa kanyang beywang .

Lumayo ako sa kanya pero sumunod siya sa akin .

" So ano yung kanina ? A-akala ko ba .. " nagtataka niyang tanong .

" Akala mo makikipagbalikan ako sayo ganun ? " tuloy ko sa sasabihin niya .

Hindi siya nakasagot sa aking sinabi .

" Huwag ka ng umasang makikipagbalikan pa ako sayo Jenny , dahil tapos na tayo ! " sabi ko sabay walk out at naiwan si Jenny na nakatulala .


Kumuha ako ng isang wine glass at umupo sa isang tabi . Nakita ko si Maymay na masayang nakikipag-usap sa mga kamag-anak ni Patrick at paminsan minsan ay nagbubulongan silang dalawa .

Bigla akong napainom sa wine glass na hawak ko at matalim ko silang pinapanuod . Mula sa pagkakaupo ay tumayo ako , hinanap ko si Jelo Marco at Marcus . Niyaya ko silang uminom sa bar .

Agad naman silang pumayag sa akin . Hindi na kami nagpaalam kay Patrick dahil abala ito sa kanyang mga bisita at sa kanyang girlfriend ! .

*******

At last , nakarating din kami ng bar .

" Bakit ka pa nagyayang uminom dito sa bar , may mga hard drinks din naman dun kila Patrick .. " nagngingitngit ako sa galit kapag naririnig ko ang kanyang pangalan .

" Wala .. lang mas malamig kasi dito . " pagdadahilan ko .

" Alam mo bru .. okay lang naman na aminin sa amin kung may iba ka pang rason bukod sa hangin . " sabi ni Marco

Tumingin ako sa kanila bago sumagot .

" Nasasaktan ako sa nakikita ko " pag-amin ko sa kanila .

" Kanino ? Kay Jenny ? " tanong ni Marcus .

Umiling ako sa kanya .

" Kay Maymay at Patrick " sagot ko at uminom ng alak

Kumunot ang noo niya .

" Paanong nasasaktan ka sa kanila ? I-i mean bakit ? " nagtataka niyang tanong .

Nagkibit balikat ako .

" Baka mahal ko na siya " sagot ko .

Tumawa si Marcus .

" Baka ? Hindi ka pala sigurado sa nararamdaman mo , bakit ka nag iinarte ng ganyan ngayon ? " tanong niya .

" Oo nga , ngayon kung mag inarte ka akala mo inagawan ka ... Diba wala lang siya sayo Dati ? " sabat ni Marco .

" Oo , pero simula nung mas malapit na sila sa isa't isa doon na ako nakakaramdam ng selos .. Hindi ko nga alam bru eh .. Minsan mas malala pa sa selos . Hindi ko naman naramdaman to kay Jenny ...kay Maymay lang . " Paliwanag ko

Tumango sila habang tahimik na nakikinig .

" Edward sa tingin ko mahal mo siya . Hindi ka masasaktan kung hindi mo siya mahal . Ang magagawa mo lang sa ngayon ay hayaan siya sa taong nagpapasaya sa kanya . Ganun talaga kapag nagmamahal bru , minsan...
kinakailangan mong magsacrifice para sa taong mahal mo . " Payo sa akin ni Marco .

******

Maymay's POV

" Sige po Daddy " sabi ko sabay baba ng kanyang tawag .

" Ahmm Patrick gusto ko pa sanang mag stay kaso kailangan ko ng umuwi " paalam ko sa kanya .

" Sige babe , ihahatid na kita sa labas . "

" Babe .. Ang sarap namang pakinggan . "

Hinatid niya ako sa labas ng kanilang gate .

" Thank you ulit , napasaya mo ako ngayong gabi . " sabi niya at hinalikan ako sa aking pisngi .

Nagulat ako sa kanyang ginawa pero agad ko naman itong nabawi at palihim akong kinilig .

" You're welcome , ako din naman masaya ako sa aking naging disisyon . " nakangiti kong sabi .

Hinaplos niya ang aking pisngi at inayos ang ilang hibla ng aking buhok .

" Mahal kita Maymay.. " mahina niyang sabi .

" Mahal din kita Patrick.. "

Naputol ang mga sandaling yun ng may humintong sasakyan mula sa aming harapan .

" I love you .. " bulong niya sa hangin .
pahabol niya ng nasa loob na ako ng sasakyan .

" I love you too .. " sagot ko din sa kanya na tila hangin lang ang nakakarinig sa akin .

A/N

Tama ka dyan marco .. Kailangan mo ding magsacrifice kung talagang mahal mo siya ..

Lucky Inlove With My Bestfriend ( BOOK ONE ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon