Part 23: Break up

842 70 28
                                    

Edward's POV

MAINIT ang ulo ko nang pababa ako sa  kotse . Pagkababa ko ay padabog ko itong isinara at nakita ito nila Marcus at Marco .

Lumapit sila sa akin .

" Chill Bro ! Ang aga-aga mainit nanaman 'yang ulo mo . " bunga na sabi ni Marco sa akin .

" Si Jenny nanaman ba ? " dagdag pa niya.

Isa pa yan sa nagpapainit sa aking ulo ngayon . Siya ang dahilan kung bakit nagkagulo ang lahat . Tapos ito namang si Patrick may nalalaman pang pasundo sundo kay Maymay .

" Ahas talaga ! . " Pabulong kong sabi pero narinig ito ni Marco.

" Ahas ? " pag-uulit niya .

" Oo ahas ! Ahas si Patrick . May pasundo sundo pang nalalaman si Gago. " sabi ko habang nakataas ang paa ko sa gilid ng sasakyan at malayo ang tingin ko sa kanila.

Narinig ko ang pagtawa nila ng malakas ni Marcus na parang nang-aasar kaya inis akong napatingin sa kanilang dalawa.

" May ahas palang lalaki bro ! " sabi ni Marco kay Marcus at pigil ang kanilang tawa sa akin .

" Paano mabubuntis ang isang babaeng ahas kung walang lalaking ahas , aber ! " inis kong sagot sa kanila .

" Wait bruh .  Tao pa ba pinag-uusapan natin o yung totoong ahas ? " natatawang sabat ni Marcus .

Tinignan ko siya ng masama .

Naputol lang ang aming usapan nang napukaw ang pansin ko sa papalapit na si Jenny .

" Sige Edward , alis muna kami . " paalam sa akin ni Marco at naiwan kaming dalawa ni Jenny dito .

******

" Get inside the car , Jenny ! " seryoso kong utos sa kanya.

Pagkaupo niya sa front sit ay agad siyang tumingin sa akin .

" Okay look I-im really sorry about what happened last night , h-hindi ko ito sinasa---"

" What did you say ? Hindi mo sinasadya ? " putol ko sa kanyang sasabihin at nagsalubong ang kilay ko sa kanya.

Bago ko binalik ang tingin ko sa harap at natatawa akong napailing sa kanya .

" So paanu yun , Jenny ? Kusang natabig ng paa mo si Maymay tapos nagkusa din ang kamay mo na buhusan siya ng malamig na tubig para mapahiya siya sa maraming tao ? " tanong ko na may halong galit sa tono ko.

Hindi kaagad nakaimik si Jenny kaya ako muli ang nagsalita .

" Ano nalunok mo na 'yang dila mo ? " sabi ko at galit akong tumingin sa kanya . Hindi niya kayang salubongin ang mga titig ko sa kanya kaya ibinaling niya sa ibang direksyon ang kanyang mga paningin. Sa labas ng bintana.

Ayokong makasakit ng damdamin ng babae pero mas lalo lang kaming mahihirapan kapag pinagpatuloy pa namin ang aming relasyon.

"Siguro mas mabuti pa kung -- "

Napahinga ako ng malalim at napabuga muna ako ng hangin bago ko tinuloy ang sasabihin ko sa kanya .

" Maghiwalay nalang tayo Jenny "

Nabigla siya sa mga sinabi ko at unti-unti siyang napaangat ng kanyang tingin sa akin .

Tumingin siya sa akin ng naguguluhan at parang hindi siya makapaniwala sa kanyang mga narinig .

" W-what . . ! A-ano kamo ang sabi mo ? Maghi--- "

Hindi niya kayang ulitin ito at napaiyak nalang siya habang pilit na niyayakap ako .

" Huwag please ! H-hindi ko kaya Edward . You know how much i love you diba ? K-kaya ko lang naman nagawa yun kay Maymay eh.  " humihikbi niyang sabi sa akin.

" I think this relationship won't last long Jenny . I-im sorry . " malungkot kong sabi sa kanya . Tsaka ko tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin .

" Edward please , baka nabibigla ka lang sa mga sinasabi mo . "

Umiling ako sa kanya at yumuko.

" I-im sorry . " sabi ko at tinignan ko siya ng malungkot .

Pagkatapos ay binuksan ko ang pinto ng aking sasakyan .

Pababa na ako nang muli siyang magsalita sa aking tabi .

" Yan ba talaga ang dahilan mo Ed ? O may mahal ka ng iba ? "tanong niya at biglang huminto ang mga luha niya sa pag-agos.

Napatigil ako sa kanyang sinabi at muli ko itong hinarap.

" Y-yes Jenny , may mahal na akong iba . " mahina kong sabi sa kanya .

" S-sino ? Si Maymay ba ? " muli niyang tanong sa akin .

Hindi ako sumagot  . Bumaba na ako at iniwan ko siyang umiiyak sa loob ng sasakyan .

* * * * * *

Lucky Inlove With My Bestfriend ( BOOK ONE ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon