EVERY sunday ay may gig sila Edward , dahil wala akong alam sa mga nangyayari sa kanila tuwing may gig sila ay tinanong ko siya tungkol sa kakantahin nila.
Sabi niya sa akin na they play what the customers want pero madalas ay naghahanda sila ng kantang gusto nilang kantahin sa mga gigs nila.
Nang may lalaking sumalubong sa amin , malaki ang kanyang ngiting lumapit sa amin .
" Siya siguro ang may-ari ng resto bar . " bulong ko sa isip ko.
Lumapit siya kay Edward at inakbayan niya ito habang kami ay naglalakad papasok sa loob ng restaurant.
Nagpaalam siya sa akin , kailangan na daw niyang pumunta sa backstage kaya umupo muna ako sa isang table na malapit sa stage para kita ko sila .
" Lalo na si Edward . "
Nakita kong pumasok sa backstage ang may-ari ng restaurant .
Tinawag na niya ang mga ito .
Puno ang restaurant ng lumabas sila .
Agad silang nagsipuntahan sa kani-kanilang mga pwesto.Hinawakan ni Edward ang kanyang mic.
" Good evening guys ! I'm glad to see a full of millennium customers again . " masayang sabi ni Edward.
Nagpalakpakan ang lahat ng tao at ang ibang kababaihan ay napasigaw sa kanila .
Pagkatapos ay nagsimula na silang tumugtog. Tumapat ang spot light sa kanya , parang ibang Edward ang nakita ko . Malayo sa Edward na maloko , ngayon ay seryoso ito .
Nagsimula siyang kumanta ng nakapikit .
Ang sarap niyang pagmasdan , mas lalong lumitaw ang kagwapuhan niya sa suot nitong jacket .
Nasa pangalawang stanza na siya ng muli niyang imulat ang mga mata niya.
Habang kinakanta niya ang pangatlong stanza ay napatingin siya sa akin na parang sa akin niya ito inaalay .
When you said you looked a mess
I whispered underneath my breath
But you heard it,
Darling, you look perfect tonight.Noong mga sandaling iyon ay tila may biglang kumiliti sa kaibuturan ng aking puso.
Parang tumigil ang mundo ko at kaming dalawa lang ang tao dito .
Nang matauhan ako ay inalis ko ang tingin ko sa kanya .
Naibaling ito sa mga babaeng kadarating lang sa kabilang table .
Napayuko ako nang makitang masama syang nakatingin sa akin.
Tumayo siya at lumipat sa table ko.
Sumunod ang dalawang babaeng kasama niya.
Sakto namang tapos na sila Edward kaya bumaba na ang mga ito sa stage at lumapit sa amin .
Umupo sila at tinawag ang waiter .
Napuno ang table namin ng sandamakmak na pagkain , pulutan at mga inumin .
Magkatabi si Edward at Jenny .
Habang kami naman ni Patrick ang magkatabi.
" Uy guys , bawal ang kj ha ? " sabi ni Jenny pero sa akin siya nakatingin.
Alam kasi nilang hindi ako sanay sa mga ganitong gawain.
" Maymay wag ka mag inom , hindi mo kaya yan. " napatingin ako kay Edward nang magsalita siya sa tabi ni Jenny.
BINABASA MO ANG
Lucky Inlove With My Bestfriend ( BOOK ONE )
FanfictionMeet MaryDale Entrata , a Nerd who fell in love with his BestFriend , Edward Barber . ( COMPLETED BOOK )