Chapter 3

2.3K 86 10
                                    

Alam ko naman. Alam kong mahirap mag move on. Yung isipin pa lamang na wala nang kami at hinding hindi na sya babalik ay sobrang sakit ng isipin ano pa kaya yung ipinamukha nya pa sa akin yun bago nya ako lisanin.
Alam ko rin na nangako akong di na muli akong iiyak para sa kanya kaso habang lumalaki yung bata sa sinapupunan ko hindi ko maiwasang maisip. What if hindi kami naghiwalay? What if pinaalam ko sa kanya yung tungkol sa anak namin? What if masaya kami ngayon? Magiging masaya kaya sya pag nalaman nyang magiging tatay na sya? Matagal na naming pinangarap ang bumuo ng sarili naming pamilya at magpakasal kaya lang hindi ko rin alam bakit biglang ngayon ako na lang ata mag isa ang nag iisip ng ganun.

Napag alaman ko rin na may bago na sya at mukhang buntis din yung babae. Ibig bang sabihin nun matagal nya na akong niloloko? Siya ba ang tatay ng batang iyon? Malamang! Baka kaya nya ako ipinagpalit dahil nabuntis nya yung kabit nya.

Napakasama nya. Simula ngayon totoo na to mag momove on na ako na sa kanya. Huli na... Huling bes ko ng iiyakan ang hayon na yun.

Makalipas ang 4 na buwan

Kabuwanan ko na!! Mula nga ng araw na yon wala na akong inatupag kung hindi itong pagbubuntis ko. Naging maingat ako sa lahat. Dineactivate ko na ang lahat ng social media account ko tanda ng pagsisimula ko ng wala sya.

Siyam na buwan na rin ang nakararaan pero parang nabawasan naman na ang sakit at ok na ako. My child...my love mommy is so excited to see you.  Alam ko na any moment of this month ay manganganak na ako at pinaghandaan ko na ito. Nag leave muna ako sa trabaho ko which is net working lang naman gusto ko kasi sa bahay lang para din di ako matunton ng basta basta. Wala muna akong client dahil nga ay pinayuhan ako na wag muna maiistress para maging maalwan ang pagbubuntis ko.

Sya nga pala kasama ko sa bahay ngayon ang mayordoma ng bahay namin dito. Siya yung umaaalalay at nagbabantay sa akin ngayon. Ang totoo kasi niyan ay hindi ko pa talaga sure kung anong gender ng baby ko hindi kasi ako nagpaultrasound para suspense hihihi.

Wait lang nagkecrave ako ng manggang hilaw na may asukal at alamang tapos isasaw saw sa suka. Sobrang sarap kamo nun. Nakakailang beses nga ako ng kain ng ganun sa isang araw e. Yun yata ang hilig ng baby ko...

"Aray!"

"ahhhhhhhh ang...sa.........kiiiiiiiiit"

"riri!!!!!!" pinilit kong sumigaw para tawagin c riri kahit sobrang sakit na.

"Nico?! Nico ayos ka lang?!"

"riri,, riri...manganganak na akoooooooooooooohh" inhale, exhale.

"oh my geeh jusko nico... Anong gagawin ko? Ahh..eh...ahmmm..."

"riri tumawag ka ng sasakyan dalhin mo ako sa hospitaaaaaaaaal !!!" sigaw ko sa kanya natataranta na kasi ang bruha akala mo siya yung manganganak e.

"Nico naman e. Ayos ba akting ko? Pwede na bang pang best aktress mala Maine Mendoza na ba?"

"sige riri dumaldal kapa kung ako lang makaayos dito sasapakin talaga kita tawagin mo na c tata"

"ok..cge...cge...hintayin mo ako dyan ah"....

Noong Ako'y Iniwan MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon