Chapter 13

1.8K 72 25
                                    

Hay ang tagal naman nila.

Pero teka lang. Si Chammy. Wtf oo nga si Chammy. Ayan kasi menggay kakaharot mo sarili mong anak nakalimutan mo na. Panunudyo sa akin ng utak ko. Hindi naman sya harsh sa akin e no?

"Ate O kailangan na natin bumalik!!"

"Bakit miss mo agad? Wag kang ano baka may iba na yun" hindi po tlaga bi polar si ate O e. Hindi talaga. Kanina lang kung ipagduldulan ako palapitin dun sa isa tapos ngayon sasabihin sa akin may iba na edi wow.

"Oy, bakla dinibdib mo naman masyado, wag ka mag alala wala kang dibdib"

"Alam mo ate O grabeh ka sakin. Oo na ako na. E ano naman, naku kung hindi lang talga kita mahal naano na kita dyan e. Pero wag kang ano hindi sya, si Chammy naiwan natin sa lola nya, baka mabuko tayo!!"

"Hala oo nga!"

Diba? D lang pala ako ang nakalimot. Nak sorry, bad ng mama mo.

"Tara na"

"Mag isip ka nga muna"

"Para saan pa magtataka yun kapag nakita nya si Chammy, hawig pa mandin sila. Bato na lang ang hindi makakahalata ng similarities ng dalawang un kaya parang awa mo na ate O tara na"

"At kapag pumunta ka dun, nagpakita ka hindi sya magtataka no? Kung makikita mo lang yung confusion sa mukha nya ng una ka nyang makita kanina. Alam kong nagdududa na sya pero wala galing mo ibang anyo diba? Pero yung magulang mo kilala nya. Tapos lalapit ka don. Edi parang sinupalpal mo na rin sa kanya na nandito ka na. E diba tinataguan mo nga. Jusko pero kung gusto mo tara gladly escorting you in" at talagang inalalayan nya pa ako.

"galing mo today ate O meron ka palang ganyan bakit mo tinatago. Naku naku rare to dapat makapture. Oo na sige na tama kana syempre di ko na naisip yun nataranta kasi ako e pero balikan na rin natin sIla baka tapos na mag usap. Sa labasan lang tayo promise" sabihin mo gusto mo lang sumulyap ulit. Pabebe ka rin self e naku talaga. Gurl may junakis na yun tama na yan

Wow pwede pala un no? kontrabida sayo yung utak mo.

Kontrabida ka dyan? Ni rreal talk lang kita para maumpog ka sa katotohanan. Nasa harap mo na wag mo ng pakatitigan sunggab agad.

Naku naku tama na nga to. Paano pag may iba na yun. Ano masasaktan nanaman ako?

"Ok sabi mo e"

At umalis na kami sa coffee shop na yun.

Dumaan kami sa may exit area. Itinext ko si nanay na nasa may baba na kami at hinihintay na lang sila.

Conversation

Nay dito na po kami sa baba palabas na po ba kayo?

Ahh oo hintayin nyo na lang kami dyan palabas na rin kami

Sige po.

(end of conversation)

Sinabi ko kay ate O na sa may Van na kami maghintay. Mga ilang minuto lang din ay dumating na rin sila .

Pero nagulat ako na kasama nila si Chard/Alden na buhat buhat si Chammy. Nagpanic ako pero huli na kasi nakalapit na sila.

Halatang nagulat din siya. Napatingin sya sa akin at kay nanay.

"Dei..."

Dahil Christmas is sharing. Sorry nakailang break na ng promise pero kasi I am happy ayun may pa ud hehe. Sana Naenjoy nyo Merry Christmas Everyone
=)

Noong Ako'y Iniwan MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon