Chapter 7

1.9K 76 2
                                    

(Richard's POV)

5 YEARS LATER

Limang taon. Limang taon mula noong araw na iyon. Kamusta na kaya sya? Masaya na kaya sya? May iba na kaya sya? Nasaan na kaya sya ngayon?.

Alam ko. Alam kong nagkamali ako. Napakatanga ko at nabulag at nagpakatanga ako. Pero wala na. Tapos na ang lahat. Wala na sya.

Alam ko namang galit na galit siya sa akin. Sino ba namang hindi? Isang malaking kagaguhan ang ginawa ko. Akala ko kasi totoo. Dahil sa kanya kung bakit kinailangan kong makipag hiwalay kay Dei. Kung bakit napilitan akong hiwalayan ang taong siyang buhay ko.

Dahil sa isang pagkakamali na mananatili na lang na bangungot. Niloko niya ako. Kami. Pero wala na. Huli na ang lahat. Galit na sya sa akin at hindi ko alam kung karapat dapat pa bang mag paawat.

Buwiset na tadhana naman e. Nung araw na iyon. Ang totoong plano ay magpopropose na dapat ako. Damn I've already prepared my speech and I've already imagine what our wedding would look like.

But because of that damn incident. Ng dahil sa kanya. Sa kanila ay nagbago lahat. Napilitan akong saktan sya at paiyakin na noo'y pinangako kong hinding hindi ko gagawin.

Binigo ko sya. Binigo ko ang mga pangako ko sa kanya. Napakawalang kwenta kong tao kasi pinakawalan ko ang isang tulad nya.

Alam ko. Alam kong wala na akong karapatan pa. Wala na akong karapatan pang magmukmok at magbalik tanaw sa nakaraan naming dalawa. Pero shit hindi ko kaya. Hanggang ngayon ay tanging sya. Sya pa rin ang aking sinisinta. Ang dahilan ng pag gising ko sa umaga.

Gumuho ang mundo ko. Maging ang kulay nito ay nabura. Mukha na akong isang istatwa. Sa loob ng limang taon daig ko pa ang taong namayapa na. Ang taong nabubuhay lang dahil sa makina. Ngumingiti pero may luha ang mga mata.

Dei please know that I have regretted everything. Pinagsisihan ko na ang lahat ng katangahan ko. Please patawarin mo na ako. Mga salitang gusto kong sabihin sa kanya. Pero hindi ko masabi kasi wala na.

Wala na siya at alam kong kailanman ay malabong bumalik pa. 

Napukaw ang aking pagmumuni muni ng dumating ang kaibigan kong si Kris.

"Bro nabalitaan mo na ba?"

"Nabalitaan ang alin?"

"Hindi ka ba active sa social media mo? Si Maine Mendoza? Yung sikat na modelo sa New York nandito sa Pilipinas. Akalain mo yun! Crush na crush ko kaya sya. Single kaya sya ngayon?"

Maine Mendoza? Mendoza? Hindi kaya? Naku mukhang iposible naman yun kasi magkaiba sila ng pangalan pero bakit parang ang lakas ng pintig ng puso ko ng mabanggit ang pangalan nya?

Sino ka ba Maine Mendoza?

Noong Ako'y Iniwan MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon