Chapter 17

1.6K 65 6
                                    

Matapos ang MEDYO mainit na tagpong iyon bahagya kaming naglayo sa isa't isa.

"Chard...ano...kasi...ahm" jusko bakit ako nauutal.

"Ok lang love. Basta promise me na you would believe me. Sagutin mo na yung tanong please"

"Oo Chard anak mo sya" hindi ko na napigilan ang luhang kusa ng dumadaloy sa aking mga mata. Hindi ko na rin alam ang dahilan kung bakit.

Marahil dahil tingin ko tama ang naging desisyon ko. Nakakagaan din ng kalooban ng sa wakas e nasabi ko na rin sa kanya. Wala na akong maitatago pa.

Panahon na para buksan ang aking mga mata. Ano ba ang mas mahalaga, ang kaligayahan mo o ang kaligayahan nya. Syempre mas pipiliin ko sya kasi anak ko sya.

Kaya sinabi ko ang totoo. Alam ko namang malalaman at malalaman niya rin ito. Mas mabuti ng sa akin magmula ang totoo. Kaysa naman sa iba nya pa marinig o malaman ng bagay na ang dapat magsabi ay ako.

Nakita ko ang muling pagkislap ng kanyang mga mata. Maging ang mga dimples nya sobrang lalim na. Jusko ayan nanaman sya sa ngiting abot hanggang tenga ay mali hanggang bone marrow pala.

Hindi nga ako nagkamali ng desisyon, tama sila.

"Ehem, ehem" isang pagtikhim ang bumasag sa aming katahimikan.

"Anak kailangan na nating umalis. Baka abutin tayo ng traffic sa daan at gabihin pa tayo pauwi" pag aagaw pansin sa akin ni tatay. Hindi ko na namalayan na pagabi na pala. Siguro sa sobrang lalim, or sobrang emosyonal namin ni Chard e hindi na namin namalayan ang oras.

"Sige po tay, mag aayos lang po ako saglit at papasok na din po ako sa loob" Ang totoo nyan kasi dinala ako ni Alden ay mali Chard pala sa likod ng van para nga kausapin ako. Sa sobrang gulat ko nung mga panahon na yun e nagpatangay na lang ako.

Matapos makaalis ni tatay e tumingin naman ako kay Chard "So paano, kailangan ko ng umalis. Huwag kang mag alala. Ipapakilala kita sa kanya. Hindi ko babaliwalain ang karapatan mo bilang ama nya. Syempre hindi naman din sya mabubuo kung wala ka e" namula naman sya sa sinabi ko. "biro lang. Sabihin mo na lang kung kailan ka pwede para isama ko si Chammy o kaya bibisita na lamang ako dito paminsan minsan"

"Maine, pangako babawi ako. Basta hayaan mo akong makasama kayo. Huwag na huwag mo rin iisiping ginagawa ko to para lang kay Chammy. Mali ka kasi hanggang ngayon ikaw pa rin, ikaw lang"

"Sige, mauna na ako" nagsisimula pa lamang akong tahakin ang sinasakyan naming van ng hawakan nyang muli ang kamay ko.

"Pwede bang bumisita din ako minsan sa inyo doon sa Bulacan?. Pwede ba kitang muling ligawan?" hindi agad ako nakasagot sa tanong nya. Tama ba? Papayag ba ako? Handa na ba akong umibig muli?

Muli akong tinawag ni tatay bago pa ako makapagsalita
"Nak halika na maggagabi na kailangan na talaga nating makaalis dito".

"sige po tay nandyan na po"

Muli akong humarap sa kanyan at sinabi

"sige" at tuluyan na akong umalis pasakay sa van.

Happy Birthday A!! Umaasa pa rij ako mamaya baka naman pls 🙏🙏🙏🙏🙏

Noong Ako'y Iniwan MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon