Chapter 15

1.6K 65 11
                                    

Ano nga ba ang dapat kong sabihin sa kanya. Umamin ba ako na sya ang ama ni Chammy o mag deny? Kanina ko pa sya pinakikiramdaman.

Noong niyapos nya ako halos tumigil ang pintig ng puso ko sa sobrang kaba. Hindi ako makahinga ng ayos. Naguguluhan ako. Dapat ba akong matuwa? Yakapin sya pabalik o itulak sya palayo?

Pero sa huli ay marahan ko nalamang binulong sa kanya ang birong
"Teka lang. Nakakahiya ano ba. May makakita pa sa atin ng ganito magalit pa sayo ang asawa mo"  Totoo naman diba? Kaya nga sya nakipaghiwalay sa akin gawa ng babae nya. Kasi nabuntis nya ito kaya imposible ring hindi pa sila kasal.

Ang nakakapagtaka lang e yung pagsagot nya ng "Dei,babe, sorry na. Sorry na kung kinailangan kong gawin yun. Sorry kung kinailangan kong pakawalan ka. Sorry kung sumuko ako. Sorry for breaking my promise of not making you cry. Sorry for hurting you. Sorry for breaking you" bakit babe pa din e diba break na nga kami dati pa? Hindi pa ba sya nakakamove on? Bakit ikaw ba nakamove on na?

Oo naman

Weh. D nga?!

Promise talagang talaga

Ok sabi mo e

Totoo naman e

O e ba't parang defensive ka sabi ko na nga ok diba?

E kasi e.

Nababaliw nanaman ako kinakausap nanaman ang sarili. Pero panong hindi e diba nga pamilyado na syang tao? Dapat nakamove on na sya e.

"Hindi na importante yun ngayon Mr. Alden Richard. Siguro naman nakamove on kana rin no?"
True hindi na (siguro /?/) importante kasi nakamove on na ako diba? Diba?
"ahmm ano kasi...dei. hayaan mo akong magpaliwanag please"hahayaan ko pa ba? Wag na siguro para saan pa diba?

"Ok lang kahit hindi na. Tanggap ko naman na hindi mo na ako mahal. Na...na mas mahal mo sya,sila. Congrats nga pala sa inyo ng asawa mo. Kamusta kayong mag-asawa? Siguro marami na kayong anak no? Daya mo hindi mo ako i-ninvite noong kasal nyo"
Sincerly to ah. Hindi ako nagpapakaplastic oh ano. E syempre kahit papaano bago nagkaroon ng kami Noon e naging magkaibigan muna kami. Kaya bilang kaibigan nakakapanghinayang na hindi man lang ako invited kahit na hindi ako makapunta.
"Dei, hindi...wala akong asawa lalong lalo na anak, pwera na lang kung ..." sabay tingin nya kay Chammy na parang nagpapahiwatig. Don't tell me, jusko wala na yata akong kawala. Bigyan nyo po sana ako ng lakas na malampasan ko to.

"well, so much for that. Ahmm wala kana bang ibang work?! Artista ka diba? " pag iiba ko ng usapan. This cannot be. Hindi nya pwedeng malaman ang totoo kahit sobrang obvious na. Kailangan na naming makaalis dito as in ngayon na.

Napaisip ata ang loko pero ayun nung akala ko e aalis na sya. Biglang nagseryoso ang awra nya. Para bang desidido sa isang bagay. Pero bakit ang init... Shucks!! Ano naisipan mo pang humarot e no. Mabubuko kana't lahat harot parin. Wow!

E kung sa bagay kahit pagbali-baliktarin man ang mundo e sya pa rin naman talaga ang ama ni Chammy. Pero hindi pa iti ang tamang panahon. Tsaka natatakot ako baka kunin nya sa akin si Chammy. Hinding hindi ako papayag magkapatayan na.

Ikinalong ko ang anak ko sa akin na kanina lang ay natutulog na habang buhat ni tatay teddy. Pinanuod ko sya habang natutulog. Sobrang ganda nya...

Pero maya maya lang ay nalutol na nga ang pagmumuni ko. Napatingin ako sa kanya dahil sa kanyang nasambit

"Dei isang tanong isang sagot lang itong batang ito ba...anak ko?" sobrang diin ng pagkakasabi nya ng mga katagang ito. May namuong kaba sa dibdib ko pero hindi, hindi ako magpapatalo. Sorry Chard pero hindi pa ako handang ipakilala sayo ang anak mo...

Happy New Year =)

Noong Ako'y Iniwan MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon