Chapter 23

1.3K 49 3
                                    

(Richard POV)

May work ako sa EB today. I texted Dei a morning routine message for her but weirdly as it looks like. She's not answering any of my messages. So I tried to call her but her phone is unattended. So I think maybe she's still asleep or her phone is empty batt.

I arrive at Broadway at past 10:00 am. Katulad ng mga nakagawian ko dati. I look at everyone and greeted them a good morning, even the crews.

I went to artist room to see ate Ruby and ate Pia talking excitedly over something.

" ate Rubs! good morning!! Miss P" then salute both of them. Another gesture of acknowledgment.

"Tisoy!! Aga natin ah"

Napakamot na lang ako ng ulo sa sarkastiko nilang pagkakasabi. Sarkastik pero pajoke naman. Sanay na ako sa kanila ganyan talaga dito magbiruan.

Hindi ko alam kung anong meron pero there is just something within me that is saying that something is going on. Or there is something thats going to happen. A big one.

"Sya nga po pala sila baste at Ryzza po nasaan?"

"Ahh...ano baka naglalaro alam mo naman ang dalawang yun mahilig mag laro"

Weird talaga e. Hindi ko mapoint out pero I know that something is going on. Definitely is.

Noong mga bandang alas onse ng tanghali ng magsignal ang mga nangangasiwa na final flourishing na daw ng mga magaganap.

Second segment pa ako kaya petiks muna. Pero ang totoo nyan kinakabahan ako na ewan. There is something inside of me na hindi mapakali.

I dont know what to do. I couldnt sit back and relax. Maine/ Dei is still not responding to my messages, not even answering my call. Great just great.

Nang makalapit ako sa stage biglang sumulpot sina madam AK

"Good morning madam AK, kuya Ry"

"Good mroning din!!"
"Naku tisoy jackpot ka today ang ganda ng co-host mo" madam AK. Anu daw? Jackpot? Magandang co-host? May bago ba? Bakit di ako naorient? Ano to?

"Oo nga. Alam mo bagay na bagay kayo e. Ayiieee si Tisoy wag masyadong pahalatang starstruck ka dun ah. The last time you met her kulang na lang matunaw na yung kaharap mo" kuya Ry. Nakakaintriga na talaga ah. So meron ngang bago? At kasama ko sa panelist mamaya? Hala babae pa baka maissue nanaman to. Haist wag naman sana.

"May bago po tayong host?!" Hindi ko n napigilang itanong. Sobrang curious ako sa kung bakit may bago pero hindi ako nainform na meron pala nakapagprepare sana ako sa ganap. Wala akong magawa sa tukso nila e di ko naman kilala yung babae.

"Kasasabi nga lang diba?! Naku tisoy unli paulit ulit? Babagsak ka dun naku naman manok ka pa naman namin for her bagay na bagay kau e kaso kung ganyan ka baka hindi ka nya magustuhan international model pa mandin un" Manok? Susmaryosep! Pati ba naman sa manok?! Ang akin lang naman kasi ano diba?

"Mama!!!!!!" Teka pamilyar sa akin ang batang iyon ha?!.

Meron kasing biglang nagtatakbong bata dito sa stage at hinahanap ang mama nya. I know I've seen her before.

*flashback of memories where he first saw her*

Tama sya nga yan!! Bakit sya nandito, nandito din ba si Maine? Sinong kasama nya?.

Bigla akong kinabahan sa mga maaaring mangyari. Napatingin ako sa audience baka nasa audience area lang sya pero wala. Jusme mababaliw na ako.

Dumoble ata ang kaba ko maiihi na ata ako dito.

"Chammy?!" Nakita kong natigilan sya. Tama nga ako. Nandito ang anak ko ngayon pero parang nagtataka sya na kilala ko sya. Oo nga pala hindi niya pa ako nakikilala.

Nilapitan ko sya at nagpakilala "Ako nga pala si tito Richard, but you can call me daddy if you want" sabay wink kung sablay man hayaan nyo na mapangiti ko lang tong aking prinsesa.

"Mama!!!" patuloy na pag iyak ni Chammy. Pero hindi na masyado. Mukhang hindi naman sya aloof sa akin. Nanatili siya sa tabi ko habang hinahanap ng mata nya ang mama nya. So nandito nga sya

"Nandito si Dei?!!" Tanong ko sa kanila habang isa isang tinitingnan sila sa kanilang mata.

Iisang expression lang ang nakita ko, gulat.
Bakit hindi?! Isang maawtoridad na pananalita lang naman kasi ang ginamit ko.

"CHARD!!!..." tama nga ako. Nandito sya.

Noong Ako'y Iniwan MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon