Chapter 11

1.9K 83 23
                                    

Richard  POV

straggle is real talaga. Jusko paano ba namang hindi ang ganda ganda ng partner ko.

I never expect na ganito sya kaganda sa personal. Samantalang noong isang araw sinesearch ko pa lang kung sino siya.

Pero good luck is really at my side at this moment. Sya pa talaga above everyone else na mapipili. Uy pero ano ah, di ako nagrereklamo. Bakit naman e swerte ko na kasi sya partner ko.

Kaya lang parang aloof sya. Nahihiya? Akward? Mahiyain pala sya sa personal. Parang siya.

I remember the first time I met her sa school. She was sitting alone near the bench beside a mango tree. Parang wala siyang kaibigan. Siguro trasferee sya dito nasabi ko sa isipan ko.

Sinubukan kong lumapit sa kanya at nagulat ata sya. Nagbabasa sya e pocket book ata.

"Hello! Bakit mag isa ka lang dito"

Medyo na gulat pa sya at napatingin sa akin.

"Ahmm ano kasi mas gusto ko mag isa. Oo ganun nga sige alis na ako" pagkatapos nun ay dali dali syang umalis. Naiwan akong tulala sa lugar na un at tinatanaw sya sa malayo at unti unting naglalaho.

Grabeh naman first meeting palang basag na agad. Pero I never gave up on her kasi the first time I saw her ewan ko ba pero sobrang bilis ng pintig ng puso ko noon.

Siguro nalove at first sight ako sa kanya? Sabi ng iba hindi daw totoo yun pero eto na e. Kahit na meron pa syang thick eyeglass na suot at medyo messy hair yung buhok nya ang ganda ganda nya parin. She stand up in everything...

"Ayos ka lang?"

Napahaba na pala ang pagmumuni muni ko at napatulala na pala ako. Haha buti na lang nagsalita si Ms.

"ah..ano...ahm... Aa..ayos lang ako. Oo ayos lang" jusko kung hindi lang nakakahiya ang magface palm baka ginawa ko na yun or palamon na lang ako sa lupa.

Ano ba naman kasi to. Bakit kasi magkamukha pa sila? Matatawag ko ba tong swerte o karma?

Napatingin naman ako sa kanya kasi narinig ko ang mahina nyang pagtawa.

"Alam mo kanina ka pa ah. Baliw ka ba? Bakit palagi kang nakatulala dyan. Siguro iniisip mo yung mylabs mo no?"

Pati ba naman boses pareho rin? Hays malala na nga ako.

"Oy wag ka ngang magpapaniwala kay Ms. A niloloko lang ako nun. Single ako no."

"Liar" may binulong ba sya o guni guni ko lang yon.

"Ano sabi mo?"

"Ah?! Wala sabi ko mag sstart na daw ang game"

"Naku naman tisoy hanggang ngayon ba naman star struck ka pa din sa partner mo? Alam kong maganda yan. Model yan e. Pero wag naman masyadong pahalata no? Nahuhuli ka e. Magstart na po kaya please naman mamaya mo na titigan laro muna tayo ok?" namula naman ako sa sinabi ni Ms. A. Napilitan na lamang akong tumango at nag ayos na.

Nang magsimula na ay sobrang nakakailang talaga. Nakaupo kami sa isang sobrang liit na lamesa. Mga 1 ft lng yata yung sukat. Nagmesa pa diba? Tapos alam nyo yun yung habang paliit ng paliit yung noodles palapit naman ng palapit yung mukha namin sa isat isa.

Tapos yung utak ko tinakasan na ata ako. Hindi na ako makapag isip ng ayos at sobrang lakas din ng pintig ng puso ko. Ano ba naman ito.

Ayan na. Masyado namang competitive itong partner ko at hindi talaga sya bumibitaw.

Biglang dumating si Ms. A at sinabi

"Tisoy hinga" at ayun natauhan ata si Ms. Maine. Sayang ayun na e. Teka what? Sa akin ba talaga galing ang salitang iyon? Shocks mababaliw na talaga ako. Baliw na nga yata.

Noong Ako'y Iniwan MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon