Chapter 9

2K 74 22
                                    

Kausap ko ngayon c ate O. Actually sya yung manager ko simula ng nag iistart palang ako ng modelling career ko sa New York. Si ate O ang nag hahandle ng schedule ko. Nauna nga lang siyang nagbakasyon sa akin dito sa Pilipinas pero matagal na namin itong napag usapan.

Ang sabi sa akin ni ate O e meron daw invitation from a variety show for me. Oo dito sa Pilipinas. Ano naman kaya yun?

Sa totoo lang alam din ni ate O ang lahat ng pinag daanan ko. Kilala nya ang tatay ni Chammy at alam din niyang artista nga yon dito.

Nakakapagtaka lang na parang d sya gaanong sikat? Kung tutuusin he got the look to be one of the boy next door celebrity of today... Oooppsss ano ba tong pinagsasabi ko. Pero di ko rin naman maiwasang isipin at makipagtalo sa utak ko. Kasi totoo naman. Gwapo naman talaga si Richard or lets just say Alden Richards daw.

Hindi naman sa nakikibalita ako no?! Kaya lang itong si ate O dakilang shipper 'kuno' namin ni Richard. Na kesho baka daw pwede pa.

Na pwede pang ibalik ang lahat. Na pwede pang magkaroon ng 'kami' ulit. Bagay na bagay daw kami tsaka ang lakas daw ng chemistry namin.

Napakasarap barahin kaya nga noong isang bes binara ko sya, sabi ko."Aba kailan pa naman kami naging subject aber? " at ang loka sinagot ako ng "syempre matagal na. Subject of each other. You and me and Me and You" napakacorni diba? Kung hindi ko lang to talaga close na kultosan ko na to.

So much for that. Nandito kami ngayon nabyahe kasama ang buong pamilya. Manunuod daw kami ng eat bulaga ba yun? Yon basta. Kaya maaga pa lang ay umalis na kami.

Si ate O d mapakali kasi panigurado daw namasusurprise ako mamaya. Bakit naman kaya? Pinipilit ko syang sabihin sa akin kaso ayun lumipat sa likod napagalitan pa nga ako at ang gulo gulo ko daw. Kinabahan nga ako bigla c ate O ba naman kasi.

Si Chammy yung baby ko ayun excited din. Nasa tabi sya ng lolo at lola nya. Mula kasi ng umuwi kami, wala halos lagi silang tatlo magkasama sobrang tuwang tuwa ang magulang ko kay Chammy kaya yaan na atleast maenjoy ni Chammy ang Pilipinas.

Speaking of... Hindi naman siguro doon nagtatrabaho  siya  no? Impossible kasi omg hindi pa yata ako handa ipakilala si Chammy sa tatay nya.

Swerte na nga kasi hindi pa sya nagtatanong tungkol sa daddy nya. Pero alam kong medyo malapit na rin at kukulitin ako nun tungkol sa daddy nya. Hindi ko alam ang isasagot ko.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko d ko na namalayang nadito na pala kami. At hindi rin naman nagtagal ay nakapasok na kami. Bandang unahan kami nakapwesto.

"Magandang tanghali mga dabarkads!!"

Wtf!! Ayun na lang nasabi ko matapos mapalingon sa taong nasa unahan at nagsasalita sa harap ng audience. Hinding hindi ako maaaring magkamali. Boses pa lang ay kilala ko na iyon.

May production number ata siya kaya yun.
"Richard?!" nasambit ko na lang bigla.

A/N:

Guys sali kayo sa gc namin sa messenger. Kung gusto nyo lang. Well napaud lng ako kc gv ung nangyari hehe. I met one author here in wp and create a group comment if you like

Noong Ako'y Iniwan MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon