Chapter 2

2.6K 86 3
                                    

Makalipas ang 5 buwan

Limang buwan. Limang buwan na pala ang nakararaan. Pero tila sariwa pa rin ang sugat ng nagdaan.

Hanggang ngayon tinatanong ko pa rin ang aking sarili. Saan ako nagkamali at nagkulang? Ano nga ba ang kanyang karapatan?

Ano ang ginawa ko dahilan para ako'y kanyang iwan? Anong kulang sa akin at para ipagpalit pa nya ako sa kung sino man.

Pero wala na. Tapos na ang lahat at sa tingin ko ay wala na ring magbabago. Ako. Ako na lamang mag isa... Ay teka mali pala. Limang buwan na...limang buwan ko ng dinadala ang aking magandang alalaala.

Ang anghel na nagpapalakas sa akin at nagbibigay pag-asa. Alam ko naman na balang araw kapag malaki na sya ay maghahanap din sya ng ama. Pero hindi ko na muna iisipin iyon. Ang ngayon ang mahalaga.

Nandito ako ngayon sa isang probinsya. Kung saan nakatira ang aking mga lola. Kaya sa tingin ko kahit papaano ang lungkot ko'y humuhupa na. Sapagkat alam kong lagi lang silang nasa tabi ko at nakasuporta.

Matapos ang pag uusap namin dito na ako dumeretso. Hindi ko pinaalam kahit kanino na nadito ako. Maging ang aking magulang ay paniguradong nag aalala na. Pero tsaka na...tsaka na ako mag iisip kapag ako'y maayos na.

Yung kaya ko na syang harapin at patawarin. Yung kaya ko ng makipag usap sa kanya at ang damdamin ko'y wala na. Kung kailan ang puso ko'y hindi na tumitibok para sa kanya. At maging kalaya na ako sa kanyang prisensya.

Mahirap...sobrang hirap pero alam ko sa tulong nila lola at Nica ay makakayanan ko ang lahat. Kakayanin ko. Kakayanin ko para sa kanila.

Si Nica na ngayon ang buhay ko. Ang baby ko at ang rason kung bakit ako muling mangangarap. Ang rason kung bakit ako gigising ng maaga sa umaga at maghangad ng ikagaganda ng buhay namin.

Ayoko na kasing umasa sa aking magulang. Ngayong may anak na ako matututo akong tumayo sa sarili kong paa at malayo sa buhay na kinagisnan ko noong bata pa ako. Bago na lahat at pati sarili ko ay babaguhin ko. Ipinapangako ko ngayon sa sarili ko at sa anak ko na magbabago na ako. Hindi na kailanman ako magpapaloko pa sa lalaki. Hinding hindi na ako magmamahal pang muli. Mas iintindihin ko na lang ang sarili ko at anak ko kesa sa iba.

Natuto na ako at ipinapangako kong ito na ang huli. Huling beses na iiyak ako dahil sa letseng pag ibig na yan. Na walang ibang ginawa kundi ang manakit ng damdaming walang kalaban laban. Na walang ibang alam kundi ang magmahal ng walang hangganan. Umasang may mag mamahal din sa kanya ng tunay at totoo. Na handang tanggapin sa kung sino ako.

Pero walang ganun. Walang taong ganun. Lahat sila nagbabago sapagkat wala naman ng permanente sa mundo bukod sa pagbabago. Oo ganyan na ang motto ko ngayon.

Pagod na ako. Pagod na pagod na akong masaktan at mabigo. Pagod na akong magmahal ng taong sa huli ay sasaktan lang din naman ako

Noong Ako'y Iniwan MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon