Chapter 14

1.5K 71 11
                                    

Richard POV

Habang magkausap kami ni nanay Mary Anne napansin ko ang batang buhat buhat ni tatay teddy.

Titig na titig ito sa akin kaya naman nginitian ko sya at ngumiti din sya sa akin kaya nasilayan ko ang dimple nya sa kaliwa nyang pisngi, ang cute cute nya.

Teka lang parang parehas kami. Oo nga. Pamilyar sa akin ang matang iyon. Kaya naman napatingin ako kay nanay Mary Anne. At nakatingin din sya sa akin.

Napansin ko na parang namumutla sya. Napatingin ulit ako sa bata at nasa may balikat na sya ni tatay teddy at nakalean doon.

Maya maya pa ay tumunog ang cellphone ni nanay Mary Anne.

********
Mga ilang minuto lang din e nagpaalam na siya na aalis na daw sila. Nung nakita kong nakatulog na ang bata nagprisinta akong alalayan na sila sa may parking.

Nakiusap din ako kung pwedeng ako ang magbuhat sa bata. Nag aalinlangan man ay pumayag na din sila.

Nang nasa tapat na kami ng van nila e may nakita ako na tila pamilyar na tao. Hindi ba ako namamalikmata ulit?. Totoo ngang bumalik na sya pero parang may kamukha sya. Hindi naman ganun no? Pero yung kalaro ko kanina? Si Miss Maine. Teka pareho rin sila ng damit. Hindi kaya?!

Para maconfirm ang hinala ko ay lumapit na kami sa kanila. Habang papalapit e napalingon siya sa amin. Pareho kaming tila napako sa kanya kanyang pwesto at parang nakakita ng multo. Pero ako ang unang nakaget over.

"Dei" isang salitang biglaan kong nabulalas. Hindi ko na napigilan at tuluyan na akong naging emosyonal.

Sa wakas matapos ang limang taong paghihintay nakita ko na uli sya. Hanggang ngayon ay tulala pa rin sya.

Hindi ko na napigilan napatakbo na lamang ako palapit sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.

"Teka lang. Nakakahiya ano ba. May makakita pa sa atin ng ganito magalit pa sayo ang asawa mo"
Bulong nya sa akin na nakapagpabitaw ng mahigpit kong yakap sa kanya.

Asawa? Tingin nya may asawa na ako?. Lalo akong napahagulhol ng dahil doon.

"Dei,babe, sorry na. Sorry na kung kinailangan kong gawin yun. Sorry kung kinailangan kong pakawalan ka. Sorry kung sumuko ako. Sorry for breaking my promise of not making you cry. Sorry for hurting you. Sorry for breaking you"

"Hindi na importante yun ngayon Mr. Alden Richard. Siguro naman nakamove on kana rin no?"

"ahmm ano kasi...dei. hayaan mo akong magpaliwanag please"

"Ok lang kahit hindi na. Tanggap ko naman na hindi mo na ako mahal. Na...na mas mahal mo sya,sila. Congrats nga pala sa inyo ng asawa mo. Kamusta kayong mag-asawa? Siguro marami na kayong anak no? Daya mo hindi mo ako ininvite noong kasal nyo"

"Dei, hindi...wala akong asawa lalong lalo na anak, pwera na lang kung ..." sabay tingin ko sa bata na parang nagpapahiwatig

"well, so much for that. Ahmm wala kana bang ibang work?! Artista ka diba? "

Halatang halata mong may iniiwasan syang pagusapan pero hindi ako susuko

"Dei isang tanong isang sagot lang itong batang ito ba...anak ko?"

Ending is going nearer and nearer. I'm gonna miss you guys an advance thank you from me and also advance Happy New Year =)

Noong Ako'y Iniwan MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon