Chapter 5: Dark Eyed Gang

170 28 9
                                        

Flashback

"Tol alam mo ba gusto ko yung babaeng yun" turo niya kay Xine. Napatingin ako kaagad sa kanya. Nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa kanya. Gusto niya yung babaeng gusto ko. Putek! Jacob naman eh. Iba na lang please, wag lang siya.

"Madami namang iba diyan eh. Bakit si Xine yung gusto mo?" tanong ko sa kanya. Napa-isip siya kung bakit nga ba si Xine yung nagustuhan niya.

"Wala lang tol na astigan lang ako sa kanya" sagot niya. Napanganga ako sa sinabi niya. Yun na yun kung bat niya nagustuhan si Xine. Grabe. Tsk! Walang kwenta.

"Alam mo kung ako sayo ititigil ko na yang pagkagusto mo sa kanya wala din namang kwenta kung magpapansin ka diyan. Ayaw niyang mga nagpapansin sa kanya" sabi ko. Bigla namang naging seryoso si Jacob. Ang tagal niyang nanahimik.

"Tama ka... Wala akong pag-asa sa kanya" sagot niya ng may halong lungkot. Putek! Ayoko siyang mahurt pero yun naman yung totoo eh. Yun kasi ang sinabi sakin ni Xine. Ayaw niya sa mga taong papansin ng papansin sa kanya. Mas mabuti na din yun. Gusto ko si Xine kaya akin lang siya, sakin lang.

"Hay nako. Magbasketball na lang tayo. Ang matalo sisigaw sa rooftop ng building at sasabihin na never na siya gagawa ng kalokohan" sabi ko.

"Mukhang hindi magandang idea yan ha" sagot niya.

"Magandang idea ito para magtino naman kayo ng konti" sagot ko. Hindi na kasi sila nagtino puro kalokohan ang nasa isip kulang na lang eh, hindi na sila mag-aral. I admit na matalino na kami pero hindi naman ginagamit nila sa ayos yung talino na meron sila. Magaling sa kalokohan ang mga yan, kaya laging napapatawag sa Principal Office.

"Tawagin ko lang sila para makapaglaro tayo ng basketball" sagot niya. Patakbo na sana siya ng bigla ko siyang hilahin. Napasigaw naman siya sa lakas ng pakakahila ko sa kanya. Tiningnan niya ako ng masama. Ibang klase talaga yung fierce ni Jacob nakakatakot kaso di ako takot sa kanya eh.

"Tawagin na natin" sagot ko sa kanya. Tumango siya bilang sagot. Ito talaga yung gusto ko eh yung magbasketball kami. Mahal ko yung sport na basketball.

"Nga pala bat yung napanood ko na anime na Kuroko's Basketball eh katulad ng kakayahan mo pero combined nga lang sila sa iisang tao which is ikaw kasi sila lima at meron pang phantom sixth man. Alam mo try mo na ding panoorin maganda yun" sagot niya. As if naman di ko alam yun. Alam na alam ko yun noh. Natapos ko na nga buong season nun.

"Ahhh. Yung Generation of Miracles na sina Kise Ryota, Midorima Shintaro, Aomine Daiki, Murasakibara Atsushi, Seijuro Akashi at ang Phantom sixth man na si Kuroko Tetsuya" sagot ko. Napanganga siya ng marinig niya yun. Ang astig kaya nung mga moves nila dun lalo na si Kuroko yung phantom shot niya. Ang secret lang naman nung phantom shot ehh mababa lang naman yung released nun kaya di mablocked ni Murasakibara yung phantom shot ni Kuroko. Pero mas astig yung perfect copy ni Kise.

"Bat mo alam yun, di ba hindi ka naman nanonood ng anime" gulat niyang sagot. Ahahahaha. Sinong may sabi na di ako nanonood ng anime. Dati nanonood na ko ng anime kaso tinigil ko tapos after so many years nahikayat ulit akong manood ng anime at nakakatuwa lang kasi bumalik yung feeling na ang saya kapag nanonood ka ng anime.

"Sinong may sabing di ako nanood ha" sagot ko. Napanga-nga na lang siya sa gulat. Ahahaha. Para siyang si Kise ng Kuroko's Basketball. Magaling mang gaya ng movements ng kalaban sa court. Sana all di ba. Habang naglalakad kami nakasalubong namin si Ace. Tinawag ko siya pero parang di niya ako napansin. Tatalikod na sana ako para sundan siya kaso pinigilan ako ni Jacob.

"Wag na mukhang di maganda ang mood ngayon ni Ace" sagot niya. Napagtanto ko ngang hindi maganda ang mood ngayon ni Ace. Nagpasya kami ni Jacob na wag na lang munang mgbasketball dumiretso kami kaagad sa Student Council Office. Naupo ako sa lamesa ko at umubob. 2 hours naman yung vacant namin eh. Kinuha ko yung unan ko sa may gilid ng lamesa ko at inilagay ko sa may lamesa ko at tsaka umubob ulit. Pero bago ipikit yung mga mata ko tinawag ko yung pangalan ni Jacob.

"Bakit?" tanong niya.

"Tutulog muna ako" sagot ko. Tumango siya bilang sagot.

End of flashback

Ako'y nagugulahan sa mga nangyayari ano nga ba ang sagot sa mga tanong sa utak ko. Nasagot ko na ba? Yung ibang tanong sa utak ko oo nasagot ko na pero yung kalahati pa di ko pa din nasasagot.

-John Reiniel Schwartz-

Ang weird ano ba yung naalala kong yun.
Galing na ko dito dati pa at pati din si Ms. Xine pero bat nageenroll ulit siya at bat nagenroll ulit ako dito kung dito na din naman ako dati bat di ko sila kilala nung nagenroll ako dito ngayon? Hayssss. Itutulog ko na lang ito mastress lang ako ehh. Kung di ko ito itutulog baka mamaya di pa ko makapasok nito sa classroom bukas dahil sa puyat.

Flashback

"Reiniel, gising na baka malate tayo in our next class" sabi niya.

Nagstretch muna ako ng katawan bago tumayo sa upuan. Inilagay ko ulit yung unan sa may tabi ng table at bago kami umalis uminom muna ako ng tubig.

"Napasarap tulog ko. Ilang araw na ba naman tayong puyat kakagawa ng mga projects" sabi ko. Tinawanan ako ni Jacob ng dahil sa sinabi ko di porket matalino ka eh di na kita papatulan. Binatukan ko siya.

"Aray! Bat mo ako binatukan" naiinis niya sabi.

"Ano ba kasing nakakatawa sa sinasabi ko ha. Hindi porket sa basketball eh kalevel mo si Kise di na kita papatulan diyan" sagot ko.

"Gomennasai" (Sorry) sagot niya. Marunong palang magnippongo si Jacob ngayon ko lang nalaman.

"Marunong ka magnippongo?" tanong ko. Tumango siya bilang sagot. Kala ko hangul lang kaya niyang maintindihan. Mali pala ako dun. Pagpasok namin ng classroom sina Sebastian at Kyle pa lang ang nandun. Aba himala hindi sila late ngayong first period sa tanghali.

"Himala di ata kayo late" sabi ni Jacob. Ang pinakamaaga lagi kapag first period sa tanghali eh sina Drei, Drew at Khian pero bat wala pa sila.

"Bat wala pa sina Drei?" tanong ko.

"Malalate daw sila eh" sagot ni Kyle. Aba first time nilang malate ha. Bakit naman sila malalate. Anong meron? Iba ang kutob ko dito ha.

"Bat daw sila malalate?" tanong ni Jacob.

"Ewan din namin basta ang sabi nila malalate daw sila kasi may gagawin pa daw sila" sagot nila. May gagawin sila so mas importante pa dito. Ano naman ang gagawin nilang kalokohan.

"Ano lalaban ka" sigaw nung nasa labas. Lumabas kami ng classroom at tiningan sa baba yung nagsusuntukan ng makita naming sina Drei yun tumakbo kami pababa. Wala pang ilang minuto nasa baba na kami.

"Pre, tama na yan" awat ko pero putek pati ako sinapak na president ng University na ito.

"Eh. T*nga ka din naman pala eh" sagot ko pero di ko sinapak baka pagnapaguidance kami lahat siya lang may kasalanan.

"Oo totoo talaga" sagot niya. Putek ang tapang ng batang ito ha. Talaga namang g na g sa pakikipagsuntukan.

End of Flashback

Nagising ako sa tunog ng alam clock ko. Bwiset sana naman di ba hindi nila pinutol yung panaginip ko. Bakit ba nag-aaway sila?, anong dahilan nila?. Di ko alam ang sagot. Pero sa ngayon ang alam ko ang kaligayahan ko lang ay ang Dark Eyed Gang.

A/N:

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT

Lovelots,

-TheUnknownQuee3

Mafia Boss Season 1 [COMPLETE] {EDITING}Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon