Chapter 11

90 28 7
                                        

Xine Jane POV

"Let's go" sabi niya. Pero di pa din ako makakilos sa kinatatayuan ko di ko alam kung bakit. Bigla na lang sumakit ang ulo nung makita ko sila. May kakaibang kaba at lungkot ang nararamdaman ko ngayon. Tinapik ako ni Ms. Yana. Napitlang ako sa ginawa niya pero di nagpahalata sa kanya. Nilingon ko siya. Nakangiti siya sakin. Yung ngiti na para bang nangiinsulto ganun.

'Tch! Ganyan ka ba makisama masyadong plastic'

Nasabi ko na lang sa utak ko. Pero ramdam ko yung pang-iinsulto ng tingin at ngiti niya nakakainsulto talaga. Tumitig ako sa kanya ng sobra bago sumagot.

"Ahh. Oo tara" sagot ko ng kumalma ako. Naiinis ako sa titig at sa itsura niya kasi siya yung tipo ng di mo makikitaan ng emosyon. Sa madaling salita blanko ang expression niya. Yung mga tingin niya kala mo masama siya tumingin sayo pero normal lang ata sa kanya yun. Naglakad kami at hawak niya pa din yung baril na binigay kanina ni Mr. Jacob.

Nagtataka na nga ako sa kanya eh. Kahanga-hanga maraming kakayahan ang katulad niya. Hinigit niya ako bigla sa may kanto. Napasigaw ako ng walang tunog sa pagkakahila niya. Syempre malay mo may kalaban. Tahimik pa din siya at mukhang nagmamatiyag kaya ginaya ko siya. May silencer yung baril niya at yung akin ay wala kaya naman tinapik ko siya. Lumingon naman siya sakin. Nagtataka.

"May kalaban ba?" bulong ko. Nanatili siya tahimik at isinandal ang likod niya. Tsaka ko lang napagtatanto na may kalaban nga. Bago pa makabaril ang lalaki ay agad na tumalon si Miss Yana sa ere at sinipa ang baril nito lumapag siya sa lupa ng walang ginagawang ingay ang mga paa.

'Smooth'

Kahanga-hanga talaga siya. Tiningnan niya ako at sinenyasan na sumunod lang sa kanya at nagulat kami ng may biglang sumulpot at nasipa ang baril na hawak niya. Bago pa man din makabaril ay tumabling siya at sinipa din ang hawak na baril na lalaki. At talaga namang matibay ang lalaking sinipa na ni Miss Yana kanina na akala ko nakatulog na sa lakas ng pagkakasipa ni Miss Yana pero di pa pala. Sinenyasan niya ako na ilagay ang baril ko sa lalagyan na natatakluban ng aking dress.

'Wag mong sabihin na makikipagbuno ako ng nakacocktail dress'

Paano na baka makitaan ako nito eh. Di naman kasi simpleng cocktail dress 'toh eh. Ganito kasi itsura nun.

 Ganito kasi itsura nun

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ganyan kasi eh. Tiyak masisilipan ako nito buti na lang nagpalit ako ng sandals ko at pinalitan ko ito ng black bohemian sandals kaya pwede kong ipangsipa sipa pero yung damit ko lang ang di compartable na part sa katawan ko nag-aalangan pa din talaga ako baka masilipan nila. Pero wala na kong nagawa ng biglang bumilang siya at sinugod kami ng dalawang lalaki pero bago pa sila tuluyang makalapit sakin ang isang ay nagbackflip ako at bago ako maglanding sa lupa ay sinipa ko siya sa mukha niya ng makababa ako sa lupa di ko na siya hinintay na makasugod pang muli at umikot ako sa ere at sinipa siya sa may bandang dibdib niya. Napasigaw siya sa sobrang sakit. Pero mukhang di nadala ng pasugod siya para sana suntukin ako bumababa ako tsaka siya pinatid. Napasigaw na naman siya sa sobrang sakit. Di agad siya nakarecover kaya lumingon ako kay Miss Yana laging gulat ko na lang na tumba na ang kalaban niya at tulog na sa sahig.

Mafia Boss Season 1 [COMPLETE] {EDITING}Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon