Chapter 12

54 24 5
                                    

Reiniel POV

May biglang papalapit sa gawi namin kaya naging alerto kaming lahat. Nagpakiramdaman kami sa bawat kilos na gagawin ng papalapit samin. Nasisigurado akong nagtatago ito sa dilim para di siya makita ngunit di niya alam na sinanay ako ng mga magulang at lolo't lola ko. Nung bata palang ako ay sinasanay nila akong nakapiring para masanay daw ang mata ko sa dilim kasi di daw lahat ng tao ay nakikipaglaban ng may liwanag meron mga taong di patas kung lumaban. Kaya sinanay nila ako dito upang mahasa na din ang pakiramdam ko sa mga bagay ko sa paligid. Pinakiramdaman ko ang presensiya ng taong nagtatago sa dilim.

Kung di ako nagkakamali ay nandito siya sa may kanang bahagi nagtatago. Pumunta ako sa bahaging yun at di nga ako nagkakamali dahil natutukan ako ng baril nito sa may sentido ko. Di ako makagalaw dahil baka sa oras na gumawa ako ng ilang hakbang ay baka mamatay ako ng wala sa oras. Sinubukan kong maging kalmado dahil kung di ako kakalma di ako makakaisip ng paraan upang magkapalit kami ng pwesto. Lilingon na sana ako sa kanya ng bigla siya magsalita na wag daw akong lumingon.

Di na ko lumingon hindi naman sa natatakot ako pero ayoko pa naman mamatay ng wala sa oras. Nang kumalma ang utak ko mabilis akong umikot at walang ano-ano ay nagkapalit na kami ng pwesto. Napangisi siya sa ginawa ko.

'Nainsulto ka ba masyado'

Nasabi ko na lang sa sarili ko. Tumawa siya ng tumawa.

'Tch! Baliw ata 'toh eh'

Di ko maintindihan kasi yung tawa niya yung mga tawa ng kontrabida sa isang teleserye o palabas. Bigla siyang nagsalita.

"Napakagaling mo nga naman noh Schwartz kaya di na ko magtataka kung galing ka sa pinakamataas na pamilya ngunit ang pamilya mo ay masyadong misteryoso kasi ang mga pangalan ninyo ay magkakatunog at nagsisismula pa sa iisang letra maliban na lang kay Lendwick na naiiba sa inyo" nakangisi niyang sabi naibalya ko siya sa sobrang pagkainis dahil naalala ko ang ginawa ng Lendwick na yun sa babae mahal ko kahit kailan ay di ko na siya itinuring pang kapatid wala akong kapatid na mamatay tao. Napasigaw siya ng ginawa ko yun. Nawala ang mga ngisi na kanina ay bumabalatay sa kanyang mukha. Ako naman ngayon ang napangisi.

"Lintek din naman ang tenga mo ano. Ang dami mong narinig kahit pa na misteryoso kami ay may mga nalalaman ka pa din. Parang di na tuloy kami isang misteryo sayo kasi may nalaman ka na tungkol samin" sarkastiko kong sabi. Tumayo siya para sana suntukin ako ngunit mabilis akong yumuko at pinatid ko ang kanyang mga paa. Tumayo muli siya sa pangalawang pagkakataon ngunit di ko na siya hinayaan pang makalapit sakin mabilis ko pinulot ang baril at mabilis na inalis ang magazine nito dahil wala na ito bala hinagis ko una ang magazine bago ang baril mabilis ko itong ginawa at mabilisan ko din itong kinasa at pinaputok sa kalalabas niya lang baril. Imagine mo pinalitan ko na yung magazine ng baril ngayon palang siya humugot ng baril. Tsk! Gusto ata mamatay ng wala sa oras.

'Ang inutil naman nitong kalaban ko'

Napangisi siya sa ginawa ko.

'Lintek naman wala ba 'tong ibang alam kung di ang ngumisi'

"Sobrang husay mo talaga napapahanga mo ko sa mga ginagawa mo" sabi niya alam kong dinadivert niya lang yung attention ko sa iba para makakuha siya ng tyempo para makuha niya ang baril niya. Sad to say di ako madaling madivert ang attention sa ibang bagay man o tao. Napatango na lang ako sa sinabi niya at di nga ako nagkakamali na kukunin niya ang kanyang baril bago pa man nito mapulot ay inasinta ko na sa kanya ang baril ko at pinaputukan siya. Walang kahirap-hirap na head shot. Dahil wala itong silencer ay gumawa ito ng napakalakas ingay na siya namang sinundan na ng mga kasama ko.

Nagulat sila ng madatnan ang isang taong nakahandusay at naliligo na sa sarili niyang dugo. Nagulat ako ng bigla akong suntukin ni Jacob. Tumingin ako sa kanya ng masama.

'Ano bang problema nito'

"Gago ka ba Reiniel. Alam mo ang batas na sayo lang nakapataw. Bawal kang pumatay ng walang laban yung tao!" galit na sigaw niya. Di ko nakitaan ang sarili kong kabahan dahil alam ko sa sarili kong kailangan ko siyang barilin dahil kung di ko siya babarilin ay ako na ang paglalamayan nila mamaya. Lintek na batas yan. Di ko naman pinirmahan yun kaya bat ako susunod. Walang batas dito na nagsasabing kapag nakapatay ka buhay mo din ang kapalit. Eh anong silbi ng Bloody week namin kung may ganoong batas sa University na ito.

"Eh gago ka din naman pala eh di ko nga pinirmahan yun dahil gusto kong makagalaw ng malaya yung wala kang pag-aalinlangan sa gagawin mo. Kung di ko yan binaril edi ako na ang pinaglalamayan ninyo" galit kong sigaw. Halos matulala siya sa mga sinabi ko. Pero nakikita ko ang galit sa mga mata niya kahit pa na kalmado na ang kanyang itsura pero ang mga mata niya ay kakikitaan mo ng galit. Di ko na kailangan magpaliwanag. Nagwalkout na ko pero bago pa ko makalayo ay nakaramdam na naman ako ng bagong presensiya napakabigat nito kaya nasisigurado akong nasa malapit lang siya bumalik ako sa kinaroonan nila. Magsasalita na sana si Jacob ng bigla kong takpan ang bibig niya tsaka biglang pinaikot ko siya tsaka ko kinuha ang baril at pinaputok ko sa lalaking babaril kay Jacob.

'Nakakadalawa na ata akong K.O'

Wala ng bangunan yan sa kabaong. Nagulat at nanlaki ang mata ni Jacob. Nababakas na ngayon ang pag-aalala sakin ngunit at the same time ay nakikita ko pa din ang galit sa mga mata niya at nararamdaman ko din yun. Di siya mapakali kaya lumapit siya dun sa pinaputukan ko. Halos bumagsak ang balikat niya ng makita ito na naliligo na rin sa sarili niyang dugo. Susuntukin niya sana ulit ako ng bilang humarang si Sebastian kaya siya ang nasuntok nito.

'Ano ba kasi problema niya?'

Naitanong ko na lang sa sarili ko. Nagulat siya. Agad siyang kumilos para itayo si Sebastian pero tinabig ito ni Sebastian kaya binuhat ang sarili patayo. Nakita ko na din ang galit sa mga mata nito a Bise Presidente. Di ko din nagugustuhan ang mga kilos niya ngayon. Nababahala ako sa mga kinikilos niya.

April 18,2019

Dear Diary,

Bat ba kasi ganito na lang ang ikinikilos ng Bise Presidente masyadong nakakabahala ito. Feeling ko may mga mangyayari na di maganda.

Nababahala,

JRS

Mafia Boss Season 1 [COMPLETE] {EDITING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon