Chapter 15: Revelation Part 1

69 22 3
                                        

Reiniel POV

Lumabas ako ng office para ibili si Xine ng gusto niya. Syempre pati na din sila. Churros lang naman ang fav. namin. Nakarating ako sa canteen ng walang kahirap-hirap. Nakapila din ako ng walang kahirap-hirap. Iba na talaga kapag ikaw ang Presidente. Lahat ay takot sayo. Di na ko nagpaligoy-ligoy pa.

"Isang bucket ng chicken. Isang bilao ng sushi. Tatlong box ng churros. Tatlong gallon ng ice cream. Isang box ng cream puff" sabi ko. Agad na tumalima ang mga tao sa canteen pagkatapos marinig ang order ko. Binigay ko sa kanya ang credit card ko para bayaran. Wala pang ilang oras ay nandun na kaagad ang inorder ko. Ganyan kahusay ang mga nagtatrabaho dito sa paaralang pagmamay-ari namin.

Naglakad na ko pabalik sa office ko ng mag marinig akong usapan. Narinig ko lang pero hindi lahat kasi nagdederetso na lang ako kasi ayokong makinig sa usapan ng may usapan. Kasi ang turo ni Lola kahit pa sinadya mo yung mga narinig mo lang nung araw na yun. Alam ko bang may nag-uusap dun syempre hindi ko alam. Nilampasan ko na lang sila dahil masama ang maging chismosa.

Mahirap na baka makulong ako dahil sa pagiging chimoso. Bumalik ako sa office ng puno ng tawanan. Natahimik sila ng pumasok ako.

'Anong problema ninyo. Bat kayo tumigil nung pumasok ako'

Nasabi ko na lang sa utak ko. Masama ba aura ko di naman ah. Di ko na lang sila pinansin at dumiretso sa dalawang nag gagandahang babae dito sa opisina. Bat ba maganda naman sila. Inabot ko kay Xine yung pinabili niya at inabot ko kay Yana ang isang box ng churros at isang gallon ng ice cream tsaka tatlong pirasong cream puff.

Nang maiabot ko na inabot ko naman sa kanila yung dalawang box ng churros at isang gallon ng ice cream. Syempre sakin yung cream puff na natira at yung isang gallon ng ice cream. Tuwang-tuwa naman sila dahil nga churros yun ayun wala pang isang minuto naubos na nila kaagad at ayun kinukulit si Yana na bigyan pa sila ng churros. Ang cute nilang lahat. Napatingin ako sa gawi ni Xine na tawa ng tawa sa kakulitan nilang lahat. Napangiti ako bigla. Di ko napansin na itinigil nila ang ginagawa nila at tumingin sakin.

"Nayyyyy. Iba na yan President" sabi ni Sebastian. Doon lang ako bumalik sa ulirat. Leche! Kaya ayokong napapansin nila eh.

"Hoy Sebastian baka gusto mo ipapatay kita diyan sa mga mababangis na hayop diyan sa katabing gubat ng University" singhal ko sa kanya.

"Alam mo President tatlo lang kasi yan eh" sabi niya. Ayan na naman yamg lintek na tatlo yan. Ang dami alam eh.

"Ano naman yun ha" sagot ko. Humalakhak muna siya bago magsalita.

"Una may gusto ka talaga sakin" sagot niya. Lintek na anong bang sinabi niya ako may gusto sa kanya. Leche! Napakadami talagang alam eh.

"Ano naman yung pangalawa?" tanong ko.

"Pangalawa bakla ka talaga President" sagot niya.

"Leche ka! Lee ako nga ay tigil-tigilan mo sa pagbabangit na bakla ako. Leche!" singhal ko sa kanya. Natawa namaan silang lahat.

"Pangatlo, nagkakagusto ka na sa kanya indenial ka nga lang" sagot niya. Nagulat ako sa sinabi niya. Kanino naman? Sino? Napabuntong-hininga na lang ako. Maya-maya lang ay may pumasok sa opisina. Napatayo kaagad kami dahil si Dean ay sinadya ang opisina ng walang pasabi.

Bakit nandito si Dean? May problema ba? Kadalasan kung pupunta dito si Dean ay may problema.

"Good Morning Dean" pormal kong bati sa kanya. Ngumiti naman siya sakin tsaka kami pinaupo lahat.

"I'm so sorry to suprise you. I'm here because I want to hear what happened to our new transferee is she's okay?" tanong niya. Tinuro ko naman ang kinaroroonan ni Xine nakasalukuyang kumakain pa din. Lumingon naman si Dean sa kanya. Nag-angat ng tingin si Xine sa direksyon namin ni Dean. Nagulat ang dean ng makita ang itsura niya.

'Sino ba siya at parang lahat eh nagugulat na makita siya akala mo nakakita ng patay na biglang nabuhay'

Nasabi ko na lang sa utak ko. Nakatitig ng matagal si Dean kaya naman nagsalita na ko. Di kasi normal yung inaakto ng Dean.

"Ahmm. Dean are you okay?" tanong ko. Aligaga siya lumingon sakin matagal bago siya sumagot. Tanging tango na lang ang naisagot niya sakin. Ano bang nangyayari kay Dean.

"Siya nga pala may bagong dating na mga estudyante sunduin ninyo na sa may labas ng gate" sabi niya. Bagong dating? Tsaka anong sabi niya mga? Edi madami sila. Ilan naman ang mga ito. Bago pa umalis ang dean ay nagsalita ako.

"Dean nakainom na po ba kayo ng gamot ninyo?" tanong ko. Mukhang hindi pa kasi eh kaya tumayo ako at kinuha ko yung gamot na extra niya sakin at kumuha ako ng isang bote ng mineral water dun sa mini ref. namin. Inabot ko sa kanya yung gamot niya. Agad niya naman itong ininom.

"Thank you for always reminding me" sabi ni Dean. Lingid sa kaalaman ko ang sakit ng dean. Hindi naman malala pero kailangan niya pa din uminom ng gamot. Nagpaalam na si Dean samin. Natahimik muli ang office. Di ko alam kung paano ko iaapproached si Jacob. Awkward na kasi.

"Sebastian pakisundo na yung mga bagong estudyante sa labas ng gate" sabi ko. Gulat lahat naman silang tumingin sakin.

Sebastian POV

Gulat kaming lahat napatingin kay President.

'Bakit ako di ba dapat si VP'

Natanong ko na lang sa sarili ko. Actually di na kasi sakop yun ng trabaho ko. Kaya nagtaka ako na inutos sakin ni President yun. Di ko trabaho ang pakialaman ang mga trabaho ng mas nakakataas samin kagaya nila. Kaya nga kataka-taka.

Sinunod ko na lang ang utos ng Presidente. Aba kung di ko susundin baka matyempuhan ako nun. Baka di na ko abutan ng liwanag. Syempre kailangan creepy ang dating.

"Welcome to Hell" sabi ko. Gulat naman nila akong tiningnan.

"What did you say?" mataray na aniya nung babae.

"I said welcome to Mafia University" nakangisi kong sabi. Mukhang bumabalik na ang mga nawala dati sa University ha. Sino naman kaya sa kanila ang nagpapanggap na walang na aalala at sino naman ang totoong walang naalala. Niyaya ko na silang pumasok. Dumeretso kami sa opisina nina President.

Imbis na sa admin ko sila dinala sa opisina talaga nina President. Ngayon magkaalaman tayo dito. Sino saatin ang nagpapanggap. Di ko na kayang tiisin ang ganito. Alam kong may nagpapanggap sa kanila. Upang kalimutan ang nakaraan. Di na naman nila mabubura ang nakaraan mananatili at mananatili ito kahit pa magpanggap ka diyang walang naalala.

"Ahhmmm. Excuse. Is this the ADMIN office?" tanong ni Lianne. Imbis na sumagot ay nagdire-diretso ako papasok. Nagulat ang lahat ng makita kong kasama sila.

"Nadala mo na kaagad sa Admin office Sebastian?" seryosong tanong ni President. Napangisi ako sa tanong niya.

"Hindi pa eh. Pero kasi dito ako dinala ng mga paa ko" magalang ngunit bastos kong sagot. Nangunot naman ang noo niya. Di naman sa di ko siya ginagalang gusto ko lang malaman kung wala talaga siyang naalala.

"Mga Bhest!" sigaw ni Xine.

"Wahhhh! Bhest! It's nice to see you again" sagot niya at nagyakap sila. Lumapit naman sa kanya si Allastain.

"Oyyy. Kambal ano na. Long time no see" sabi niya. Di sumagot sa kanya si Xine at tumalikod na.

'Anong nangyari sa kanya?'

Tanong ko sa sarili ko. Pumunta siya sa harap ni President.

"Kumain ka na. Di ka pa nakakasubo mula kanina" sabi ni Xine. Wait tama ba 'tong nakikita ko. May alam si Xine may naalala siya.

"Bhest ang saya makabalik dito. Namiss ko 'tong University na 'toh" sabi ni Lianne. Tiningnan ko lang siya ng diretso. So may naalala siya. Ano ba lahat ba kami dito may naalala.

"Kumain ka na. Ayokong nagugutom ang mahal ko" sabi ni Xine. Ngumiti at tumango si President sa kanya.

April 19,2019

Dear Diary,

So ano naglolokohan lang kami dito. Lahat ba kami may naalala o sadyang paranoid lang ako. Di ko alam ang gulo-gulo.

Naguguluhan,
SL

Mafia Boss Season 1 [COMPLETE] {EDITING}Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon