Prologue

576 41 62
                                        

Ang pagpasok sa ganitong organisasyon ay hindi ganoon kadali. Maraming posibleng mangyari. Lalo na at walang nakakaalam kung makakaligtas ba kami sa bawat labang aming pinapasukan. Isang paaralan na babago sa aking buhay at pagkatao. Di ko malaman kung sino ba talaga ako. Namangha ako dahil meron pala talagang school para sa mataas na Mafia.

Pero bakit ba dito ako pinapasok ng Mama ko? Sa isang paaralan kung saan bawat kwarto ng dormitoryo ay may grupong may kanya kanyang lakas.At ang pinakamalakas ay nasa isang kwartong may itim na pinto.Hindi ko aakalain na sa pagpasok ko dito may nambully na agad sakin. Bully ba talaga matatawag dun? Halos muntikan ka ng mamatay kasi may lilipad ng kutsilyo kung hindi naman kutsilyo bala ng baril. Ano ba tong pinag-iisip niya. Baliw na yata siya. Sa pagpasok ko dito, makakakilala ako ng pitong lalaki na may iba't ibang ugali na magpapabago sa buhay ko.

Una kong makikilala si Joshua Jacob Tiu. Nung makilala ko siya, makulit pala siyang tao pero kayang kaya niya magbago ng mood sa ilang sandali lamang. Pero kahit ganoon yung ugali niya, lagi naman siyang seryoso sa lahat ng bagay. Siya ang sasama sakin sa paglilibot sa buong university.

Panglawa ko namang makikilala si Sebastian Lee. Masasabi ko lang eh mukha siyang nerd, pero ubod ng daldal. Marami siyang na-isheshare sakin tungkol sa Greek mythology.

Pangatlo ko namang makikilala si Kyle Ranz Thompson. Nung makikilala ko siya. Siya yung tipo ng tao na mabait pero medyo masungit.

Pang-apat ko namang makikilala si John Reiniel Schwartz. Nung makilala ko siya kulang na lang mamatay ako. Alam ninyo kung bakit? kasi di naman siya nagsasalita. Ubod ng sungit. Dinaig pa ang babaeng nireregla. Lahat na ata ng ugali ng kasama niya nakuha niya maliban dun sa pagiging maingay. Actually tahimik lang talaga siya. Pero bakit kahit ganoon yung ugali niya ang gwapo pa din niya. Wahh. Ano ba tong pinag-iisip ko. Kainin na sana ako ng lupa.

Pang-lima ko namang makikilala si Drei Lee. Nung hindi ko pa siya lubusang kilala meron na agad akong feel na masungit at katulad siya ng ugali ni Reiniel pero nagkamali ako. Maling-mali ako. Kasi savage pala siya. Dakilang savage. Grabe talaga di ko kineri yung ugali niya.

Pang-anim ko namang makikilala si Drew Turner. Unang husga ko palang sa kanya di na ko nagkakamali na siya ang sunshine ng grupo. Siya yung tipo ng smile lang. Hindi siya laging nagsusungit.

Ang huli kong makikilala ay si Khian Kharl Cole. Siya yung tipo ng taong laging may hawak ng libro. Although lahat naman sila mahilig sa libro. Parang ako lang. Pero ang masasabi ko siya ang pinakaiba sa kanila bakit? Kasi may dimple siya. Although lahat sila gwapo pero ang lamang lang ni Khian ay ang dimple niya.

Ito na ba ang simula o panimula pa lang ang lahat ng ito at hindi pa ito ang pinakaumpisa. Sa pagpasok ko dito kakayanin ko ba ang lahat ng ginagawa nila dito o manonood na lang ako. At maghihintay na iligtas nila ako o maging isa din akong Mafia Boss.......

Mafia Boss Season 1 [COMPLETE] {EDITING}Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon