Reiniel POV
"Gusto ko lang makita kakayanan mo" pormal kong sagot. Nakita ko naman siyang napangisi dun sa sinabi ko.
'Ano problema nun'
"Babeeeeeee" tawag niya sakin. Lumingon ako sa kanya at ngumiti.
"Yes?" tanong ko. Yumakap naman siya sakin. Alam yung feeling na yung kabog ng dibdib ko ang bilis bilis. Syempre nandito na yung mahal ko kaya ganyan.
"Alam mo namiss kita sobra" sabi niya.
"Ako din naman" sagot ko.
"Ayun naglandian na naman sila" sabi ni Kyle.
'Aba't loko 'tong secretary ko ha'
Lumingon sa kanya si Xine at umarko ang kilay niya. Ayan na. Magtataray na yan anytime.
"Ano naman pake mo ha? Palibhasa iniwan ng girlfriend niya. Kaya napakabitter!" mataray niyang sagot. Napatungo na lang siya.
"Nayyy yan kasi nangingialam pa ba naman. Basag ka tuloy kay Miss Xine" sabi ni Sebastian. Nilingon naman siya ni Kyle. Nagulat pa ito dahil nakita niyang umiiyak si Kyle.
"Hala ka Sebastian pinaiyak mo" sabi naman ni Allastain. Nilingon ko naman si Xine na ngayon ay nakayuko na.
'Anyare dito?'
Tinapik ko si Xine. Tumingala naman siya.
'Hala shit! Pati siya umiiyak din'
"Hala Pres. bat mo pinaiyak si Miss Xine" si Lianne.
"Hey, What's wrong?" tanong ko.
"Kasalanan ko kung bat naiyak si Kyle ngayon eh" sagot niya. Pinunusan ko yung luha niya. Di ko alam yung sasabihin ko di ko talaga alam. Niyakap ko na lang siya. Maya-maya lang tumigil na yung dalawa sa pag-iyak. Lumapit si Xine kay Kyle.
"Sorry" sabi niya. Tumingin naman siya ng diretso kay Xine.
"Ok lang Miss Xine totoo naman eh" sagot niya. Niyakap ni Xine si Kyle. Nagulat ito at napatingin sa gawi ko. Nginitian ko na lang siya.
"Alam mo di mo naman deserve yung haliparot na babaeng yun eh" sabi niya. "Ang mga kagaya mo deserve yung someone na kaya kang intindihin. Hindi aawayin ka maya't maya" dugtong niya at humilay sa pagkakayakap niya kay Kyle.
"Salamat Miss Xine" nakangiti niyang sagot. Ginulo nito ang buhok ni Xine.
"Ano ba yan Kyle ang tagal ko kayang inayos 'tong buhok ko" sagot niya. Tumawa naman si Kyle sa reaksyon niya.
"Nayyy iba ang haliparot din nitong si Kyle eh" si Seb.
"Hanep ka sa issue noh" si Kyle at Xine. Ahahaha. Sabay pa eh.
"Hindi naman pre pero yun kasi nakikita ng mga mata ko" sagot niya.
"Bakit selos ka ba Seb. dahil hindi ikaw ang nilalandi niyang si Thompson" sabi ni VP. Humagalpak naman sa tawa ang mga nandito.
"Di ko alam na nagseselos ka pala Babe. Promise sayo ko na ibubuhos oras ko" sabi ni Kyle. Yung mukha ni Seb. halatang napipikon na.
"Talaga ba Babe" sarkastiko niyang sabi at lumingkis kay Kyle. Si Kyle naman ay di maipinta ang mukha. Ahahaha.
'Kahit kailan talaga eh'
Naglakad na pabalik si Xine sa inuupuan niya kanina.
"Shocks. Di ka pa pala nakain" sabi niya. Kaya napalingon silang lahat. Bumukas ang pinto at niluha nun si Yana. Dumiretso siya kay Jacob at tsaka nahiga sa my lap niya. Nilaro naman ni Jacob yung buhok niya.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss Season 1 [COMPLETE] {EDITING}
RomanceThe people who not forget what happened to them in the past 10 years. It's not an ordinary life lahat ng buhay pwedeng isacrifice. One can die for the of her love. One can die from a tragic accident. One can live happily ever after. One can solv...
![Mafia Boss Season 1 [COMPLETE] {EDITING}](https://img.wattpad.com/cover/127851213-64-k491368.jpg)