Chapter 14

54 25 8
                                    

Allastain POV

Ilang linggo na din mula nung umalis si Xine sa school namin. Nakakalungkot lang kasi wala siya dito. Nagring na yung bell ng school. Uwian na kaso may practice pa kami ng sayaw. Iba talaga kapag dance troupe ka.

Bago ako pumuntang music room dinaan ko muna yung room ni Lianne. Hehehe. Syempre baka magtampo yun dahil di ko dinaan. Pumunta akong 3rd floor. Sakto naman ang akyat ko kasi palabas pa lang sila ng room. Nagulat ang lecturer nila ng makita ako dito.

"Oh Mr. Aszhielo, bakit narito ka sa 3rd floor alam mo naman na bawal dito ang mga senior di ba?" nangangaral na sabi ng lecturer nila. Napapahiyang tumungo ako dahil sa pagkapahiya.

'Lintek naman na lecturer 'toh siya ang kauna-unahang naninita sakin sa pagpunta ko dito sa 3rd floor'

Nasabi na lang ng utak ko. Bat ba makainarte lang. Pero seryoso siya lang ang nanaway sakin. Grabe ang tindi. Palibasa usap-usapan na terror daw ang teacher na ito. Wala din daw itong anak kaya ganiyan na lamang siya.

Nag-angat ako ng tingin dahil nararamdaman kong nakatingin sakin ng diretso ang lecturer na yun. Nilabanan ko ang kanyang titig pero sa huli ako pa din ang nag-iwas ng tingin.

"Paumanhin po ninyo Miss kung pumunta ako dito sa 3rd floor. Nais ko lang po sanang sunduin ang Bestfriend ko para sabay na po kaming pumunta sa music room" mahinahon kong sabi. Kahit na gustuhin ko man siya sigawan ay di ko magawa dahil baka magreklamo pa ito at sabihan ako ng bastos. Ayoko nun. Pero kung kabastos bastos naman siya ay babastusin ko din siya. Pero dahil sabi ko nga ay ayokong magreklamo ito.

Kahit papaano ay sinusubukan ko pa din maging kalmado. Hangga't maari ay ayoko ng gulo.

"Oh siya sige na, pumunta na kayo kung saan kayo pupunta pero sa susunod na makita kita ulet dito sa 3rd floor ay sasama ka na sakin sa dean's office. Maliwanag?" mataray niyang sabi.

"Opo" tatango-tango kong sagot. Umalis na siya sa harapan namin. Lumapit ako kay Lianne. Nanatili akong tahimik dahil sobrang pagkapahiya ang ginawa sakin ng lecturer na iyon. At di ko nagustuhan ang mga sinabi niya.

'Tch! May araw ka din sakin'

April 18,2019

Dear Diary,

Grabe ang pagkapahiya ko sa lecturer na yun. Sana ay masibak yun sa pwesto niya bilang isang guro di maganda ang lumalabas sa bibig eh.

Naiinis,
AA

Lianne POV

Lumapit sakin si Allastain matapos siyang kausap ni Miss. Nababakas sa kanya ang pagkainis at pagkapahiya sa mukha niya. Di ko naman siya masisi dahil sobrang napahiya talaga siya kanina. May mga ilan ding estudyante na pinagtatawanan siya habang pinapahiya ito ng lecturer namin. Nang makalapit ito ay tinanong ko siya kung ayos lang ba siya pero imbis na magsalita ay tumango lang siya bilang sagot.

Naninibago ako sa pananahimik niya. Alam kong tahimik na siya dati pero masyado atang nasobrahan ang tahimik. Pagkatapos naming magrehearsal ay di na muli pang nagsalita pa si Allastain.

'Sana umimik man lang siya di ako sanay'

Nasabi ko na lang sa sarili ko. Bago pa kami makarating sa parking lot ay tinapik ko siya sa balikat. Napalingon siya sa direksyon ko.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalala kong tanong. Tumitig siya ng matagal sakin tsaka dalawang beses 'tong bumuntong-hininga bago magsalita.

"Ayos lamang ako. Napagod lang siguro ako. Let's go. Hatid na kita sa inyo" sagot niya. Ako naman ngayon ang nanahimik. Alam kong di siya ok.

April 18,2019

Dear Diary,

Sana na ay maging ok na siya kasi may gusto akong sabihin sa kanya. Gusto kong sabihin na lilipat na ko ng school kung saan naroon si Xine.

Nag-aalala,
LE

Allastain POV

Alam kong nahahalata na ni Lianne ang pananahimik ko. Ang dahilan ng pananahimik ko ay nalaman kong lilipat ako sa school kung saan nasaan ang kaibigan naming si Xine. Pero nagdadalawang isip akong tanggapin dahil ayokong iwan mag-isa dito si Lianne. Gusto ko kasama din siya. Nangako ako kay Xine na di ko siya iiwanan mag-isa dito.

Kahit pa nakagustuhan ko pang pumasok dun. Tumingin siya sakin ng diretso. Nasa parking lot na kami. Pero ang pananahimik ko ay bigla din siya nanahimik ng di ko alam ang dahilan ni hindi niya sinagot ang tanong ko kanina. Mukhang may gusto siya sabihin dahil kumikibot kibot ang mga labi niya.

Napabuntong hininga siya ng tatlong beses bago magsalita.

"May gusto akong sabihin Allastain" seryosong sabi niya.

'Ano naman ang gusto niyang sabihin'

Nagtataka ako sa sobrang pagkaseryoso niya. Di agad ako nakaimik o nakasagot man lang. Nang makarecover ay sumagot ako.

"Ano yun?" takang tanong ko. Ano ba kasi ang sasabihin niya. Tsaka bat ba ko kinakabahan.

'Umayos ka nga'

Di ako mapakali masyado akong kinakabahan. Alam kong napapansin niya yun. Bigla niya akong hinawakan sa magkabilang balikat. Napatalon pa nga ako sa sobrang gulat.

"Bat ba napapatalon ka pa diyan. Ano bang nangyayari sayo?" tanong niya. Wala akong makuhang maisasagot sa isip ko sa tanong niya. Di ko nga alam kung anong nangyayari sakin. Di ko alam kung bat ba ko nagkakaganito.

"Ahhh. Wala naman ano nga ulit yung sasabihin mo?" tanong ko.

"Ahh. Oo nga yung sasabihin ko. May motor akong dala eh. Tapos sabi pala ni Daddy dun na daw mag-aaral sa school ni Xine mamaya na ang alis ko" sagot niya. Tama ba yung narinig ko mamaya yung alis niya. So dun na din siya mag-aaral. Tama ba talaga dinig ko.

"Ano nga ulit yung sinabi mo?" nagulat kong tanong. Di ko kasi maabsorb. Bat ba di ko lang talaga maintindihan. Tsaka baka mali yung rinig ko.

"Sabi ko may dala akong motor. Tapos sabi ni Daddy dun na daw ako mag-aaral sa school kung saan napasok si Xine" pag-uulit niya. Pwedeng isa pa di ko talaga maabsorb eh. Dapat sabihin ko na din yung sakin.

"Ahmm. May sasabihin din ako sayo" sabi ko. Nakatitig siya maigi sa mga mata ko. Para bang handang handa siyang pakinggan ang sasabihin ko.

"Ano yun?" mahinahon niyang tanong.

"Alam mo ba na kanina lang ay tumawag sakin si Noona para sabihan ako na dun din mag-aaral sa school na pinapasukan ni Xine. Wala pa kong desisyon kung pupunta ako o hindi kasi ikaw ang inaalala ko kasi maiiwan kita dito kapag tinanggap ko. Pero ikaw din pala ay dun na din papasok kaya sabay na tayong umalis mamaya papuntang bagong school natin" mahabang paliwanag ko. Napanganga siya sa mga sinabi ko.

"Sus. Totoo ba yan?" nakangisi niyang tanong. Tumango ako bilang sagot. Napayakap siya sakin. Nagulat naman ako sa ginawa niya. Niyakap ko din siya pabalik pero mas hinigpitan ko pa ang pagyakap ko dito. Natutuwa ako kasi magkakasama na ulit tayo.

To be continue.......

A/N:

Ayan guys nakatatlong chapter ako ngayong araw gusto ninyo apatin na natin. Echos lang bukas ko na ipapublished yung iba na magagawa ko pero kung kakayanin kong ipublished ngayon yung isa pang chapter edi gorabels. Thank you sa lahat ng support. Thank you sa patience ninyo. Love you my readers

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT

Lovelots,

-TheUnknownQuee3

Mafia Boss Season 1 [COMPLETE] {EDITING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon