Chapter 1: Mafia University

650 37 90
                                        

-Xine Jane Garcia-

"Bes,sure ka na ba talaga?" tanong niya. Sorry hindi ko naman ginusto ito. Si mama talaga ang may gusto nito. Talaga bang si mama lang ang may gusto? o ginusto ko din kaya pumayag ako sa alok nung university na pinapasukan naming dalawa ni Lianne. Kung nandito nga lang si daddy malamang sa malamang di papayag yun.

"Oo e bakit?" sagot ko. Mahirap pero laban lang. Yakang-yaka ko ito ako pa ba? Sa dami na ng pinagdaanan kong pagsubok sa buhay ito pa ba susukuan ko? Pero mahirap pa din mawalay sa mga kaibigan ko. Kung sila nahihirapan mas nahihirapan ako kapag nakikita ko silang nahihirapan, ikaw ba naman ang mawalay sa mga kaibigan mo ng biglaan sino ba naman magpaparty ng ganoon. Biruin mo, 9 years na kaming magkakasama. Sobrang tagal na.

Nakakasawa na nga ang mukha ng mga yan. Pero kahit ganoon, mahal ko pa din itong mga bestfriend ko. Mahirap kayong makahanap ng totoong kaibigan sa panahon ngayon. Kaya sobrang thankful ako sa kanila. Ako nga pala si Xine Jane Garcia, but you can call me XJ or Xine. Pero nasasayo naman yan kung anong gusto ninyong itawag sakin basta wag lang ang second name ko. Alam kong maganda naman yung second name ko pero please wag na wag ninyo kong tatawagin sa second name ko dahil magkakamatayan tayo sinasabi ko sa inyo.

"Bes?" tawag niya sa tono pa lang ng pananalita niya malalalaman mo ng mangungulit at mangungumpirma pa yan. Ang drama talaga nito kahit kalian. Minsan nakakairita din itong si Lianne. Masyadong madrama. Kala mo naman mamatay na ko. Sabunutan ko ito e.

"Wag ka ng umiyak" sagot ko sabay yakap sa kanya. Ang drama nito kahit kalian.

"Kapag may time ka bes bisitahin mo ko ha" sabi niya sabay humiwalay sa pagkakayakap sakin. Kapag di pa siya tumigil, malilintikan talaga ito sakin. Isang-isa na lang talaga.

"Sorry bes. Di na kita madadalaw. Kasi nga 'Once you enter, there's no turning back'. Oh di ba mala-Hell University lang ang peg ko" sagot ko. Lumingon ako sa kanya upang tingnan ang reaksyon niya.

*LUNOK*

Sobrang sama ng tingin niya sakin. Totoo naman ang mga sinasabi ko sa kanya, hindi kami pwedeng lumabas sa university na yun hanggat di kami graduate or unless may ipapaasikaso sayo ang Student Council President. Ayon yan sa mga nabasa ko dun sa laman ng envelope na binigay sakin ni Dean.

"Bes naman e.. Seryoso ka mo ako" sabi niya.

'Seryoso din naman ako e'

Gusto ko ng tawagin si Mama dahil alam kong mangungulit at mangungulit siya. Hangga't di niya ako napapayag na magstay na lang sa dati naming university. Paano ako magiistay dun kung yung mismong lolo ko na dean mismo ng school pinapalipat na ko.

"Bes, magmamakaawa ako kay tita na wag ka nang lumipat ng school na dito ka na lang" nagpipilit na sabi niya pa din. Myghad ang kulit kulit talaga ng bestfriend ko e. Napipikon na talaga ako.

"Ano ba bes tumigil ka na at tumayo ka diyan!" pasigaw at inis kong sabi. Nakita ko ang pagkagitla sa mukha niya. Sinadya ko siyang sigawan para umalis siya.

"Grabe bes. Hindi na ikaw yung nakilala kong bestfriend ko, nagbago ka na talaga. Well goodluck na sayo bes" malamig pa sa yelong sabi ni Lianne sakin at lumabas na ng bahay namin.

Nakunsensya ako sa ginawa ko. Dapat kasi di ko na lang ginawa yun e. Ano bang nangyayari sakin. Gusto ko lang naman sila ilayo sa kapahamakan e.

'Sorrybes pero kailangan kong gawin ito para sa kaligtasan mo'


-Lianne Erni-

Pagkalabas na pagkalabas ko ng bahay nina Xine sobrang sama ng loob ko sa totoo lang. Grabe yung nakausap ko kanina parang hindi na siya yung bestfriend na nakasama ko. Yung treatment niya sakin kanina. Lahat ng mga sinasabi ko kinokontra niya. Gusto ko lang naman siya makasama e. May masama ba dun? Hindi ko na siya kilala ngayon.

Mafia Boss Season 1 [COMPLETE] {EDITING}Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon