Chapter 20

47 20 0
                                        

Jester Lauriant POV

Habang nakaduty ako dito sa hospital biglang nagring ang phone ko kaya naman nagexcuse ako sa patient na chinecheck ko yung vital signs niya. Tumango naman yung mga magulang ng patient na tinitingnan ko. Bago ko sagutin yung call,tiningnan ko muna kung sino yung natawag.

'Bakit natawag sakin si Pres?'

Nasabi ko na lang sa utak ko. Sinagot ko ito kaagad dahil baka importante.

"Jester?"

"Oh Pres napatawag ka?" kalmado kong sabi.

"Si Yana nasa 3rd floor nitong hospital ng building ng campus"

"What happened to my sister? Is she okay?" kinakabahan kong tanong. Di ko na siya hinintay pa na sumagot binaba ko kaagad ang tawag. Hinanap ko si Doc.Lee pero wala siya kaya naman sunod kong hinanap si Doc. Vergara. Nang mahanap ko siya binigay ko sa kanya yung hawak. Tinanggap niya naman iyon.

Sinabi ko din sa kanya yung mga nacheck ko na dun sa bata. Tumango naman siya pagkatapos ko sabihin lahat. Tinapik ko siya at tsaka ako nagmadaling pumunta sa elevator at pindot ko ang no.3 na botton. Nang tumunog na ang elevator hudyat na nadun na ko sa 3rd floor agad agad akong lumabas ng elevator. Agad akong pumunta sa area kung nasaan ang mga nurses.

"Miss nasaan po dinala si Doc. Yana"

"Miss nasaan po dinala si Doc. Yana"

Napalingon ako sa lalaking kasabay ko magsalita. Nagulat pa ako na si Pres. ito.

"Ahmmm. Nasa E.R. pa po si Doc. Yana" sagot ng isa sa mga nurse. Sabay kami pumunta sa E.R. nakita ko si Jacob na paikot-ikot sa corridor ng E.R. Tumigil siya sa ginawa niya. Nakita ko sa mukha niya ang pagkabalisa sa nangyari. Agad kong siya niyakap.

'Sorry alam ko ng dahil sakin kung bat ka nagkakaganyan'

"Kuya" usal niya. Bumitaw naman ako sa pagkakayakap sakanya at tumitig ako sa mga mata niya ng diretso. Nakikita ko sa mga mata niya ang pagkabahala,galit at lungkot.

'Alam kong sobra kang nasasaktan sa nangyari sa kanya'

"Don't cry okay? Everything will be fine" sagot ko. Tumango siya bilang sagot.

"Are you okay?" tanong ni Pres. Umiling siya bilang tugon. Maya-maya lang lumabas na si Doc. Gonzalez.

"Doc. How is she?" tanong ko.

"Oh? Your here Doc. Jester. Can I talk to you" tanong niya sakin. Tumango naman ako bilang sagot.

"What is it Doc?" tanong ko.

"I have a bad news and a good news" sagot niya.

"Doc" sabi ng kapatid ko at lumapit samin. Sumunod naman sina Pres. sakanya.

"Anong gusto ninyong unahin ko" sagot niya.

'Gusto ko munang marinig yung good news'

Nasabi na lang ng utak ko.

"Yung good news Doc." sagot ko. Tumango naman si Doc sakin.

"Ang good news ay mabuti na ang kanyang kalagayan ligtas na siya sa binggit ng kamatayan" sagot niya. Para naman akong nabunutan ng tinik sa dibdib sa sinabi niya.

'Di pa ko handa na mawala ka'

"Eh Doc ano naman po yung bad news" singit ng kapatid ko sa usapan.

"The bad news is dahil malakas ang pagkakapalo sa kanya, maaari siyang magkaamnesia. Di ko alam kung hanggang kailan tatagal yun" sabi niya. Ang kaninang tuwa ko ay napalitan ng lungkot. Yung lungkot na iisipin ko pala lang na mawawalan siya ng ala-ala mamatay nako. Napalingon ako sa gawi ni Jacob.

'Alam kong mas nahihirapan ka kesa sakin pero nasasaktan din ako na iisipin ko pa lang na mawawalan siya ng ala-ala di ko na alam ang gagawin ko'

Nakita ko pang tumalikod samin si Jacob. Nalulungkot akong isipin na lubusan siyang nasasaktan. Sabagay mula nung ipinanganak si Yana siya ang kauna-unahang natuwa. Minsan pa nga ang akala namin nawawala si Yana yun pala na kay Jacob lang. Siya ang madalas na mag-alaga kay Yana dahil lahat kami ay busy.

Ako naman kapag dadating sa bahay ay di ko na din masyadong naaalagaan si Yana dahil sa sobrang pagod. Naiinis ako sa sarili ko kasi yung ibang tao napaglalaan ko ng oras kahit pagod ako pero kapag sa mga kapatid ay isa akong napawalang kwentang Kuya sa kanilang dalawa.

'Sana mas pinili ko na lang maging isang normal na tao kesa maging doctor'

Napasabunot ako sa naisip ko. Wala na eh. Nandito na huli na para magsisi ako. Totoo nga yung kasabihan noh. Nasa huli ang pagsisi.

'Ito ang ginusto mong buhay ninyo kaya panindigan mo'

Si Jacob na halos ang nagpalaki kay Yana na kahit siguro buhay niya ang kapalit kaya niyang gawin mabuhay lang ang kapatid namin. Nung minsan pang pumasok kami dito ay nagpanggap silang mag-asawa pero nalaman naman kaagad ni Pres. na nagpapanggap lang sila. Ang alam naman ng lahat ay mag-asawa talaga sila. Di na ko magtataka kung pati si Pres. sinakyan ang trip nila.

'Kaya mo talagang gawin ang lahat para maging ligtas siya noh'

Naikuyom ko ang mga kamay ko sa sobrang pagpipigil ng galit. Malaman ko lang kung sino ang gumawa niyan sayo. Papatayin ko siya ng walang pagdadalawang isip. Igaganti kita. Kahit kailan never silang nagalit o nagtampo sakin kahit na di ko sila nabibigyan ng attention.

Napayuko ako. Kahit gusto kong pigilan ang mga likido mula sa mata ko di ko na kaya nagunahan silang bumagsak. Di ko kaya naganito ang nangyari sayo kapatid ko. Kung nabantayan ko lang kayo ng maayos di ka sana nandito. Nagulat ako kasi may biglang humawak sa likuran ko.

"Alam ko nasasaktan ka din, pero di ba nangako ka kay Yana na di ka iiyak ng dahil sa kanya" sagot niya. Tumunghay ako.

'Di ko kaya eh'

"Di ko kaya. Di ko mapigilan" malungkot na sabi ko. Niyakap niya naman ako. Lalo ako napahagulgol.

"Tara na sa room niya" yaya sakin ni Jacob.

'Jacob'

Nasabi ko na lang sa utak ko. Alam ko pilit mo lang pinapakalma ang sarili mo pero alam ko na gustong-gusto mo ng umiyak. Pagkapasok namin sa loob ng kwarto kung saan nadun si Yana naupo agad si Jacob sa upuan na katabi ng kama. Naupo din naman ako sa kabilang side ng kama. Hinaplos naman ni Jacob ang buhok nito.

"Sorry ha. Kung hindi dahil sakin di ka mapapahamak" malungkot na sabi niya. Gusto ko siyang sisihin sa nangyari sa kapatid namin pero anong karapatan ko. Wala akong karapatan na isisi sa kanya dahil siya ang nasa tabi ni Yana simula nung baby pa ito. Wala akong karapatan na sisihin siya dahil ako mismo sa sarili ko ay naging walang kwentang kapatid sa kanya.

May 13,2019

Dear Diary,

Kung naging mabuting kapatid ba ako sa kanila hindi ba mangyayari ang lahat ng 'toh.

Nalulungkot,
JLT

A/N:

Ayan guys. Nagud muna ako ngayon kasi may exam kami bukas. Di ba din kami bakasyon. Skl. Hahaha. Yun lang naman. Salamat sa support.

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT

Lovelots,

-TheUnknownQuee3 💜

Mafia Boss Season 1 [COMPLETE] {EDITING}Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon