Chapter 29

49 10 0
                                        

Axl Duke Griffin POV (new character)

Pinaikot-ikot ko yung ballpen sa kamay ko. Kailan ba namin makikita si President. Habang nagmumuni muni ako biglang nagring ang phone ko. Inabot ko ito kaagad at sinagot ang tawag ng di tinitingnan ang caller.

"Oh?" naiinis kong sambit.

"Busy ka sorry sa istorbo" sagot niya. Inalis ko yung cellphone ko sa may tenga ko at tiningnan ang caller.

'Si Doc. Yana'

"Sorry. Hindi ko kasi natingnan kung sino yung caller sinagot ko kaagad. Problema?" sagot ko. May problema ka kasi tumawag ka sakin eh.

"Ahmm.. We need your help" sagot niya.

'Need help? Saan?'

"Saan naman?" sagot ko.

"Can you give me all the info about White Roses Gang and the incoming casino here in the university" sagot niya.

"Kailan mo kailangan?" sagot ko.

"Tomorrow morning asap. Pakiemail na lang sakin" sagot niya at binababa na ang call.

'Damn. Her voice. I miss her a lot'

Napasabunot ako sa naisip ko. Umayos ka nga Axl may boyfriend na yun. Walang talo-talo bro. Maya-maya nagring ulit yung phone ko. Tiningnan ko muna kung sino ang caller.

'Shit yung boyfriend ni Yana'

Sinagot ko yung tawag

"Oh bro bat ka pala tumawag? Ano kailangan mo?" sagot ko.

"Send me an info about Blaise Strife and Bryan Luxés" sagot niya.

'Eh para saan naman niya kailangan yun. Ano ba 'tong magjowang 'toh'

"Kailan mo kailangan?" sagot ko.

"Tomorrow morning. Send me in my email asap" sagot niya sabay baba ng phone.

'Psh! Ang bastos talaga ng magjowang yun'

Binato ko yung phone ko sa table at binagsak ang katawan ko sa upuan ng office ko. Biglang bumukas ang pinto.

"Ano ahahaha. Inutusan ka naman nung dalawa noh" sabi ni Lincoln Jaxon.

"Oo. Kailangan na nga kaagad nila bukas" sagot ko.

"Di ka ba naiipit diyan ha bro? Di ba kasi gusto mo si Doc Yana tapos bestfriend mo si Doc Troy di ba?" sagot niya.

>_<

'Naiipit ako sobra'

"Keri lang naman bro" sagot ko. Pero sa totoo lang mahirap pigilan.

"Teka nga matanong kita ano bang nagustuhan ninyo dun kay Yana ha?" tanong niya. Di ko alam di ko maipaliwanag.

"Di ko alam bro di ko talaga alam" sagot ko.

"Mahal mo nga" sagot niya. Malamang.

"Hayssss" sagot ko.

"Malalampasan mo din yang stage na yan" sagot niya.

"Di ko alam bro kung malalampasan ko pa ba toh" sagot ko. Di ko talaga alam ang sagot.

"Sige bro. Alis muna ako nagtext si VP may inuutos sakin" sagot niya at tuluyang lumabas ng pinto. Tumitig na lang ako sa kisame at di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Jacob POV

Compose Message

To: Lincoln Jaxon Smith

Lincoln. Pwedeng favor pakialam ang ginagawa nila Troy at Yana. Lahat ng kilos nila pwedeng pakibantayan. ASAP. Thank you.

Message sent

From: Lincoln Jaxon Smith

Sure thing Vice President

Nang mabasa ang reply ni Jaxon binalik ko na ulit yung phone ko sa bulsa.

"Sa tingin mo Vice President may binabalak ba sina Yana at Troy? Kakaiba kasi ang mga kilos nila eh" sabi ni Xine. Di ko siya sinagot nanatili akong tahimik.

"Oo nga VP" pagsang ayon ni Kyle sa kanya. Di ko sila kinibo at lumabas ng office. Ramdam na ramdam yung tensyon dun. Di niya ba napansin na kinalimutan ko ng magkaibigan na kami kapag naging sila ni Xine. Sila na eh. Wala ng dahilan para kausapin pa nila ako. Dumiretso ako sa canteen at umupo dun sa table namin. Dun ako tumambay hanggang maglunch.

"Oh VP" tawag sakin ni Sebastian sabay abot ng bottle mineral na tubig.

"Thanks" sagot ko.

"Ang lalim ng iniisip mo ha" sabi niya.

"Oo eh" sagot ko.

"Magiging okay din ang lahat" sagot niya. Di ko alam kung magiging okay pa ba lahat kung wala si President dito.

'Nasaang lupalop ka ba kasi President'

~Oh my my my, oh my my my, I've waited all my life, Ne jeonbureul hamkkehago sipeo, Oh my my my, oh my my my, Looking for something right, Ije jogeumeun na algesseo~

Sinagot ko ang tawag.

"Oh kamusta yung pinapagawa ko sayo Jaxon?" tanong ko.

"Your sister and Troy was in trouble we need you" sagot niya. Narinig ko ang sunod sunod na putok ng baril.

"Where are you?!" sigaw ko.

"Nandito kami sa isang safe house ng mga Strifes" sagot niya. Binababa ko kaagad ang phone ko tsaka kinuha ang baril ko na nasa bag nadala ko tsaka nagmadaling lumabas ng canteen

"Vice President sandali sama ako" sigaw ni Sebastian at dali daling sumunod sakin. Agad kong dinial ang number ni Kuya.

"Kuya! Meet me at the safe house of Strifes our sister and her boyfriend was introuble" sabi ko.

"Ano?! Okay I'm coming" sagot niya at binaba ang call. Wala pang ilang minuto natunton na namin yung sinasabi ni Jaxon na safe house.

"I think we need help from the other members" pabulong na sabi ni Sebastian.

"Hindi na kailangan" sagot ko.

"Pero Vice President masyado silang marami" sagot niya.

"No buts Sebastian. We can do it" sagot ko. Sinenyasan ko siyang doon dumaan sa front at ako naman sa likod. Tumango siya bilang sagot. Nang masigurado namin na walang tao tsaka kami naghiwalay ng landas ni Sebastian. Tinanguan ko muna siya bago ako tumalikod sa kanya. Bubuksan ko na sana yung pinto sa likod ng may tumututok sakin ng baril. Katupusan ko na ba?

Sebastian POV

Tumango pa muna si Vice President sakin bago ako tuluyang talikuran. Di ko tinuloy yung plano niya sinundan ko siya sa likod ng bahay. Nang makita kong may tao agad akong nagtago sa malaking puno na malapit sa bahay. Nakita kong nakatutok kay Vice President yung baril na hawak niya. Di na ko nagdalawang isip na barilin siya sa ulo. Tumingin si Vice President sa direksyon ko. At sinabi sakin na Thank you. Yung walang boses. Tumango ako at tsaka bumalik sa front door. Binuksan ko ito.

Pinagmamasdan ko mabuti ang paligid dahil mahirap na baka mamaya may makasalubong pa ko. Biglang bumukas ang front door kaya naman tinutukan ko siya ng baril.

"Woiii. Delikado yan" sagot ni Kuya Jester.

"Sorry. Bat kasi diyan ka pa dumaan?" pabulong kong tanong. Di na niya ako sinagot at bigla niya akong hinila sa likod ng aparador. Sinilip namin ang tao dun.

'Blaise Strife'

'Bryan Luxés'

Two people na galit na galit sa tatlong grupo sa university. Di ko nga malaman kung ano ba ikinagagalit niyan samin eh.

"YANAAAAAA"

Mafia Boss Season 1 [COMPLETE] {EDITING}Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon