Chapter 8

88 30 17
                                        

John Reiniel POV

Pumunta ako sa gawi nina Jacob dahil parang may nakita akong pumana mula sa kabilan direksyon. Alam ko kung sino yun.
Di ako makakamali na siya yun dahil siya lang naman ang pinakamagaling pumana sa kanila bukod kay Allastain. Pero paano niya nagawa yun sa mabilisang kilos may natamaan ata dahil nakita ko si Yana na may tinatarget din. Baka siya yung nadali nun.

'Sinadya niya ba yun or di naman talaga siya yung dapat tamaan nun'

Aish! Ang gulo-gulo. Kamusta na kaya si Xine. Niyakag ko sila pumunta sa pwesto nina Jacob.

"Wag ka ng umiyak. Di ba strong ka. Bat ka umiiyak diyan? Di ba--" sabi niya. Di na niya natapos yung sasabihin niya kay Yana nung makita kami.

'Anong trip na naman 'toh Jacob'

"Hanep! Ngayon pa kayo naglampungan" sabi ni Sebastian. Ahahahaha. Ibang klase talaga utak nitong si Sebastian.

'Lampungan talaga eh. Sana manlang gumamit ka ng ibang term. Tch!'

"Hoy Sebastian tigil-tigilan mo nga yang pinag-iisip mo. Tingnan mo naiyak si Yana" sabi ko at tinuro si Yana. Siguro siya nga tinamaan ng pana.

'Siguro kaya siya nakayakap kay Yana para gumaan at mapanatag ang loob nito. Masyadong maissue lang 'tong si Sebastian'

"Bat umiiyak si Yana ha? Bakit mo pinaiyak Jacob? Bakit?" tanong ni Sebastian. Hanep! Kakaiba talaga ang utak niya. Ahahahahaha. Mukha bang pinaiyak ni Jacob yan. Parang di naman.

"Kingina nito eh. Manahimik ka nga diyan. Di ko pinaiyak yan. Nadaplisan ng pana sa may braso" seryosong sagot niya at tsaka tinuro yung braso ni Yana. Napanganga sila ng makita yun. Nakita ko yung pag-aalala sa mga mukha namin dahil kahit kami ay di namin alam kung may lason ba yun o wala.

April 2, 2019

Dear Diary,

Sana lang ay walang lason yun. Kundi lahat kami pagsisihan ang nangyari kapag namatay siya. Sana wala. Nag-aalala ako ng sobra.

Nag-aalala,
JRS

Xine Jane POV

Pagod na kong tumakbo ng tumakbo at bumaril hanggang sa nakita ko yung elevator at pinindot ko yung no. 3 sa elevator. Hinanda ko ang sarili ko kasi baka mamaya may sumugod sakin dito.

*TING*

Tumunog yung elevator hudyat na nandun na ko sa palapag na yun. Bumukas ang pinto ng elevator at halos magulat ako ng dahil sa kaba. Kala ko kung sino sila lang pala.

"Ms. Xine!" hiyaw nung di ko kilala. Huhuhu. Sino ba siya. Bat ako kilala niya tapos ako hindi. Nakatitig lang sakin si President. Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko yung isang doctor at si Mr. Jacob. Bat nandito yan. Saan ba kasi siya nagsuot. Iniwan ako ng kingina. Tsaka bat kayakap niya yung doctor patalikod. Sila ba nung doctor. Baka nga kasi kung makatingin siya dun sa doctor makikita mo sa mga mata niya yung pag-aalala. Ano bang nangyari dun sa doctor. Humarap ako kay President at mula sa peripheral vision ko nakita kong itinayo na ni Mr. Jacob yung doctor. Nakita ko na may biglang pana na lumipad bago pa yun tumama kay Mr. Jacob nahila na kaagad siya ni Ms. Doctor at sabay humugot ng baril si Ms. Doctor at inasinta dun sa taong may hawak ng pana at the next thing happened patay na yung may hawak ng pana.

*BANG*

Nakakarinding ingay ng baril. Natulala ako sa sobrang pagkahanga.

'Ang galing naman niyang bumaril'

Natawa ako sa sarili kong naisip. Totoo naman kahanga-hanga. Sa layong yun nagawa niyang patamain sa mismong ulo nung pumana. Ano ba siya sniper. Ang galing talaga eh.

'Siguro nga sniper siya'

"Xine" tawag sakin ni President. Dun lang ako bumalik sa realidad. Grabe masyado ata akong napahanga ng dahil dun.

"Yes?" sinubukan kong wag mautal pero nabigo ako. Nakita ko naman sa mga mata niya ang pag-aalala.

'Saan ba siya nag-aalala dun sa nakita ko o sakin mismo. Saan nga ba?'

"Are you okay? Buti nakarating ka dito ng ligtas" sabi niya.

'Nag-aalala siya sakin. Sakin hindi dun sa nakita ko, sakin mismo'

NAPALUNOK ako sa sobrang kaba. Nakatitig pa din siya sakin. Hinihintay ang sagot ko.

*TUGDUGTUGDUGTUGDUGTUGDUGTUGDUGTUGDUGTUGDUGTUGDUGTUGDUGTUGDUGTUGDUGTUGDUGTUGDUGTUGDUGTUGDUGTUGDUGTUGDUGTUGDUGTUGDUGTUGDUGTUGDUGTUGDUGTUGDUGTUGDUGTUGDUGTUGDUGTUGDUGTUGDUGTUGDUGTUGDUGTUGDUGTUGDUGTUGDUGTUGDUGTUGDUGTUGDUGTUGDUGTUGDUGTUGDUGTUGDUGTUGDUG*

'Ano ba yan yung puso ko'

"A-Ah o-oo o-okay lang ako" nauutal kong sabi. Kingina yan. Ano bang nangyayari sakin. Bat ba ako nauutal.

"Hey. Wag kang mautal. Ayos ka lang ba talaga" sabi niya habang nakahawak sa balikat ko. Lintek na yan! Iba na talaga ang tibok ng puso ko hindi lang kaba. Pati sa paligid ko nagslow motion lahat. Huhuhu. Umayos ka na please.

"Sorry. Oo ayos lang talaga ako promise" sinubukan kong wag mautal pero ganun pa din nautal pa din ako. Ngumiti na lang ako para ipakita sa kanyang okay lang ako. Tumingin siya sakin ng diretso at tsaka ngumiti at ginulo ang buhok.

'Anak ng! Wag mo na ulit gagawin yun ang tagal ko pa naman inaayos yung buhok sa pagkakagulo kanina'

Iba ang nararamdaman ko kapag ginagawa niya yun. Siya lang ang gumawa sakin ng ganun bukod kay Daddy. Huhuhu. Ano ba yan. Umalis siya sa harap ko at pumunta kay Ms. Doctor. May binulong siya kay Ms. Doctor. Lumapit sakin yung Doctor.

"Let's go sila na ang bahala diyan" sabi niya. Tumingin ako sa direksyon ni President at Mr. Jacob. Papalapit samin si Mr. Jacob.

"Take care Yana" seryosong sabi niya at ginulo ang buhok ni Ms. Doctor.

"Anak ng! Kanina ka pa ha. Nakakainis ka. Naiinis ako sayo. Ang tagal-tagal kong inayos yan eh tapos guguluhin mo na naman" pagmamaktol ni Ms. Doctor na ang pangalan ay Yana. Tumawa naman sa kanya si Mr. Jacob. Napatigil naman ito sa pagtawa ng titigan siya ng masama ni Ms. Yana.

'Hehehe. Ang cute nilang tingnan'

Nasabi na lang ng utak ko.

"Oo na di ko na gagawin promise. Naiinis ka na kasi kaya di ko na gagawin" seryosong sagot ni Mr. Jacob. Ngumiti si Ms. Yana at niyakap si Mr. Jacob. Yumakap naman pabalik si Mr. Jacob. Hehehe. Ang cute talaga nila tingnan.

"Ikaw mag-iingat ha. Dapat kapag bumalik kayo dun wala kang galos niisa man lang. Tandaan mo yung patakaran ko" seryosong sabi ni Ms. Yana.

'Patakaran? may patakaran sila'

Ano naman kayang patakaran yun.

"Opo. Ikaw din yung patakaran ko sundin mo din. Arasseo?" sabi niya kay Ms. Yana.
Tumango ito at humiwalay sa pagkakayakap kay Mr. Jacob tsaka humalik sa pisngi nito. Nagulat ako dahil humalik din sa pisngi si Mr. Jacob. Hehehe. Magkaano ano ba talaga sila.

"Nampyeon (Husband) promise mag-iingat ako" sagot niya Ms. Yana.

'What the! Mag-asawa ba sila'

"Siguraduhin mo lang Anae (Wife)" sagot niya.

'Mag-asawa nga sila. Huhuhu. Kaya pala ganun na lang yung turingan nila sa isa't isa. Mag-asawa pala sila'

Kaya pala ganun na lang pakaingatan nila ang isa't isa.

April 2, 2019

Dear Diary,

Ang buong akala ko magbestfriend lang sila. Yun pala hindi.

Natutuwa,
XJG

A/N:

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT

Lovelots,

-TheUnknownQuee3

Mafia Boss Season 1 [COMPLETE] {EDITING}Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon