Chapter 13

67 24 3
                                        

Joshua Jacob POV

Nakarinig kami ng isang malakas na putok kaya naman dali-dali kaming pumunta sa pinangalingan nun. Nagulat kami ng makita ang isang lalaki na nakahandusay sa sahig at naliligo sa sarili niyang dugo. Di ko na natansya ang sarili ko nasuntok ko si President. Nang suntukin ko siya tumingin siya ng masama sakin.

'Tsk! Ikaw pa ang may ganang tumingin ng masama'

"Gago ka ba Reiniel. Alam mo ang batas na sayo lang nakapataw. Bawal kang pumatay ng walang laban yung tao!" galit na sigaw ko. Pero di ko man lang siya kakikitaan ng kahit na anong takot sa mga mata at mukha niya.

'T*nga ba siya'

Lalo lang nag-iinit ang ulo ko sa mga reaksyon niya. Nakatingin siya ng diretso sa aking mga mata at makikita mo dun ang galit. Di ko alam kung saan siya nagalit. Dun ba sa sinuntok ko o dahil sa ikinilos ko.

"Eh gago ka din naman pala eh di ko nga pinirmahan yun dahil gusto kong makagalaw ng malaya yung wala kang pag-aalinlangan sa gagawin mo. Kung di ko yan binaril edi ako na ang pinaglalamayan ninyo" galit niyang sigaw. Halos matulala ako sa mga sinabi niya. Kalmado na ang itsura ko pero ang mata ko makikitaan nila ng galit. Nagwalk-out siya pero agad ding bumalik sa pwesto namin magsasalita na sana ako ng bigla niyang takpan ang bibig ko at paikutin ako naramdaman ko na kinuha niya yung baril ko at pinaputok ang baril sa gawing kanan ko. Nagulat ako at the same time nanlaki ang mga mata ko. Nag-aalala ako sa kanya pero nagagalit ako sa ginawa niya.

'Ano bang problema mo ngayon?'

Natanong ko na lang sa sarili ko. Di ako mapakali kaya lumapit na ko dun sa pinaputukan ng Presidente. Halos bumagsak ang balikat ko ng makita ang binaril nito na naliligo sa sarili niyang dugo. Susuntukin ko na siya ng biglang humarang si Sebastian kaya siya ang nasuntok ko.

'Ano bang ginagawa mo bat mo ba yan pinoprotektahan?'

Naitanong ko na lang sa sarili ko. Nagulat ako. Agad akong kumilos para itayo si Sebastian pero tinabig ako ni Sebastian kaya binuhat ang niya ang sarili patayo. Nakita ko na din ang galit sa mga mata nito sa akin. Di ko alam pero pati ata si Sebastian galit sakin.

April 18,2019

Dear Diary,

Di ko naman ginusto ito eh. Bat ba hindi nila maintindihan ang kinikilos ko. Bakit? Parang handa nilang ibuwis ang buhay nila para sa Presidente. Alam ko Presidente lang siya pero bakit? kinukunsinte nila si Presidente. Mali naman yung ginawa niya eh. May batas na sakanya lamang at ang batas na iyon ay bawal kang kumitil ng buhay ng walang laban ang mga taong iyon.

Nagpapaliwanag,

JJT

Sebastian POV

Ano ba kasing problema ng Bise Presidente. Bigla niya na lang sinuntok ang Presidente kanina tapos uulitin niya di na ako makakapayag kaya naman humarang na ko ako pagitan nila kaya naman ako ang nasuntok ni VP. Nagulat siya at mabilis na kumilos upang itayo ako pero tinabig ko siya at binuhat ko ang sarili ko. Sobrang naiinis at nagagalit na ko sa kanya. Hinila ko si President palayo sa kanya na sinundan ng iba pang mga kasamahan namin di agad siya nakakilos dahil sa ginawa ko.

Sumunod din naman siya palabas. Ligtas kaming nakalabas nitong building. Wala naman masyadong tao dahil ang alam ko may mga klase sila dahil umaga. Walang umimik samin hanggang makarating kami sa office na nadun si Ms. Xine at si Noona Yana. Nakahiga si Ms. Xine sa upuang mahaba dito sa office nila President at si Noona naman ay prenenteng nakaupo habang tulog.

Siguro ay magdamag niyang binantayan si Ms. Xine nakapalit na din si Ms. Xine ng damit pero ang damit na iyon ay tandang-tanda ko. Damit yun ni Noona na never niya pinasuot sa iba dahil bigay yun sa kanya ng nakakatanda niyang kapatid na lalaki. Nagagalit pa ito sa tuwing isusuot o hihiramin ito ng iba kaya himala na nasuot ito ni Ms. Xine. Sigurado ay napilitan lang ito kaya niya pinasuot. Bago pa niya siguro ito napapayag ay nagsigawan muna sila.

Ganun ang ugali niya eh. Ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang sinuot ng iba ang damit niya at hinihiram ang mga bagay na binibigay sa kanya ng mga Kuya niya. Sad to say na mukhang nahihirapan na siya kasi ang isa niyang kuya ay kasama sa grupo ng sinugod namin mula ng isang gabi hanggang ngayong araw. Ang isa pa niyang kuya ay nasa panig namin. Nahihirapan siya nararamdaman ko.

Pero dahil nga dito din siya nabibilang ay wala din siyang magawa kundi kalabanin ang isa pa niyang kuya. Naawa na ko sa kanya dahil ang laki ng binagsak ng timbang niya. Napapadalas na din itong nalilipasan ng gutom dahil sa trabaho at pag-aaral niya. Kilala ito sa pagiging mahigpit sa pagkain. Kaya kataka-takang hindi nito sinusunod ang mga pahintulot at payo niya samin sa pagkain.

Gigisingin ko na sana si Noona ng biglang magsalita si Ms. Xine. Napatingin ako sa gawi niya. Nakapakit pa ito ng bahagya pero alam kong gising na gising na ang presensiya nito.

"Wag mo na munang gisingin di yan natulog hangga't nasigurado niyang ligtas ako ay saka lang siya natulog kaya hayaan ninyo na muna" sabi niya at tuluyan na niyang minulat ang mga mata niya at bumangon tsaka naupo sa hinigaan niya nakablot pa din sa kanya ang kumot dahil maaga pa lang naman kaya malamig pa ang simoy ng hangin. Napatingin ako sa gawi ni Noona. Di niya ugali ang batayan ang isang tao kung alam niyang ligtas ang lugar pero mukhang di ligtas para sa kanya kaya naman binantayan niya ng maigi si Ms. Xine at ng malaman na ligtas ito ay tsaka lamang siya natulog. Kahanga-hanga ang ugali niyang iyan. Siya yung tipo ng tao na parang walang pakialam sayo.

Alam ninyo kung bakit? Di kasi siya showy na katulad ng ibang babae. Ang expression niya ay laging blanko. Akala mo di siya kakikitaan ng interest kapag nakikipag-usap ka sa kanya dahil nga wala kang mababasa na kahit anong expression o emotion sa mukha niya. Nilapitan ko si Ms. Xine at naupo sa harap niya. Tumitig ako ng matagal sa kanya at napangiti.

'Maligayang pagbabalik mahal na reyna'

Itinabingi niya ang kanyang ulo na para bang pinag-aaralan akong mabuti. Ginulo ko ang buhok niya na siyang ikinagulat niya. Masaya ako sa pagbabalik niya. Ngunit wala ata siyang naalala. Nababa ako ng tingin sa sahig.

"Sorry" mahinang usal ko. Bigla niya naman hinawakan yung buhok ko at ginulo din. Nag-angat ako ng tingin sa kanya nakangiti siya sakin. Halos mawala ang mata nito sa lawak ng pagkakangiti niya. Natuwa naman ako kaya naman sinuklian ko ang kanyang ngiti. Tumayo na ko at pagharap ko nandun na si President sa likod ko at nakangiti sakin ng pagkaganda-ganda.

'Tch! Ano naman kayang nakita nito at ganyan ang ngiti niya'

Tinapik niya ako sa balikat tsaka dumiretso kay Ms. Xine. Nakangiti pa din siya. Umupo siya sa kung saan ako nakaupo kanina.

"Ano ang gusto mong kainin?" nakangiti niyang sagot. Nag-isip naman si Ms. Xine ng kakainin.

"Gusto ko ng fried chicken tsaka sushi" sagot niya. Tumango naman si President at tumawa. Tumawa din si Ms. Xine sa kanya.

'Mukhang close na kaagad sila'

Nasabi ko na lang sa sarili ko. Tumayo na ang Presidente at lumabas ng opisina nila. Saan naman ang punta nun. Lumapit ako kay Noona at tinapik ng marahan ang balikat nito. Agad naman itong gumalaw at dahan-dahang nagmulat ng mata. Ngumiti siya sakin.

"Good Morning" nakangiti niyang bati sa lahat. Mukhang maganda ang gising niya. Buti nga di ako nasuntok nito nung ginising ko siya. Ayaw na ayaw niyang ginigising siya. Buti at natyempuhan kong maganda ang tulog niya. Alam kong bitin ang tulog niya pero maganda naman ang gising kaya ok lang na gising ko siya. Tumayo ako nararamdaman kong gusto niyang tumayo. Pero bago pa ko makatayo ay hinawakan na niya ang braso ko.

"Wait lang diyan ka lang may kukunin ako" tumalikod siya sakin at may kinuha sa lamesa na nasa likod ng upuan. Inabot niya sakin ang isang kahita. Nagtaka naman ako kung ano yun. Pero tinangap ko pa din ito. Makahulugan ang kanyang ngiti.

'Ano ba kasi 'toh'

April 18,2019

Dear Diary,

Bakit ang ganda ng ngiti ni Noona. Ano ba kasing laman nung kahitang yun.

Nagtataka,

SL

Mafia Boss Season 1 [COMPLETE] {EDITING}Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon