-Xine Jane Garcia-
Sa huling pagkakataon, nagpaalam na ko kay mama. Sinalpak na ulit nung lalaki yung earphones sa tenga. Hinintay naman niya ako. Papasok na kami sa university. Napanganga ako sa mga nakikita ko. Wow! Hindi ko expect na ganito ito kalaking university. Kala ko maliit lang ang university na ito. Kala ko lang pala. Nakakahiya tuloy.
"Okay. My job here is to tour you in the university" sabi niya. Kala ko di na ito magsasalita. Ang tahimik niya kasi.
"Talaga? Yun ang trabaho mo? Kaya pala hinintay mo ko kanina" sagot ko. Tumango na lang siya sakin. Ayaw niya ata sa madaldal. Kahiya ka teh. Kaya quiet ka na muna. Gusto kong makita itong ganda ng university. Excited na ko. Namutawi na naman ang katahimikan saming dalawa. Kaya nagsalita ako para basagin ang katahimikan.
"Ahmmm. Pwede magtanong?" tanong ko.
"Pwede naman ano yun?" nakangiti niyang sabi pero saglit lang yun at bumalik na naman siya sa expression niya kanina. Tama naman ako ng tingin di ba? Ngumiti siya. Tama ba ko? Shems gwapo niya pala kapag nakangiti. Sana lagi siyang ganyan. Ano ba itong pinag-iisip ko. Erase! Erase! Erase! Education ang pinunta ko dito hindi kalandian.
"Ang gwapo mo pala kapag nakangiti" sabi ko. OMG! Patay. Ano ba itong sinabi ko. I'm so dead.
'Umiral na naman yung sakit mo e'
'Tch! Nakakahiya ka Xine dapat sa isip mo lang yun e ugaling-ugali mo yan e noh'
-Joshua Jacob Tiu-
"Ang gwapo mo pala kapag nakangiti" sabi niya. Napangisi ako sa sinabi niya. Sa lahat ng student na pumasok dito siya lang ang naglakas loob na sabihan ako ng 'ang gwapo ko kapag nakangiti'. Pasalamat siya kilala ko siya. Ibang klase din itong babaeng ito. Feeling ko may gusto sakin itong si Xine. Nakoww wag naman sana. Malilintikan ako nito kay President. Ayoko din mag-assume baka mali na naman ako ng dahil sa pag-aassume na yan baka masaktan na naman ako. Kaya hindi ako magpapadala sa mga sinasabi niya.
Tsaka mahirap kalabanin si President. Nung last akong nagmahal kala ko siya na talaga yung para sakin pero hindi pala kasi fake love lang pala lahat ng pagmamahal niya sakin. BTS lang ang peg.
'I'm so sick of this fake love'
Kaya simula nun di na ko nagmahal pa at nag-assume na meron pang magkakagusto sakin. Meron naman ngayon kaya bawal na ko lumandi baka pagalitan ako ng asawa ko.
"Mwo?(What?)" tanong ko. Medyo naconfused pa siya dahil hindi niya naintindihan yung sinabi ko.
"I mean saan mo ko unang itotour?" tanong niya. Natawa ako ng palihim kasi makikita mo talaga sa mukha niya na nahihiya siya.
"Saan nga ba?" balik kong tanong.
"Ikaw magtotour di mo alam?" confused na tanong niya.
"Sa ADMIN OFFICE muna tayo" tipid kong sagot. Ayoko na din pahabain pa yung usapan. Baka kung anu-ano na naman ang sabihin niya.
"Okay. Saan ba yung ADMIN OFFICE?" tanong niya. Bakit ba napakakulit nitong babaeng ito. Sumasakit ulo ko sa kakulitan niya. Hindi matigil yung bunganga kakadaldal.
"Sundan mo na lang ako, pwede ba yun? Dami mong tanong e" sagot ko.
"Last na. Please" sagot niya.
"Ano yun?"
"Kalimutan mo na din yung sinabi ko kanina. Aishhh. Nevermind" magulong sagot nito. Kala ko babawiin niya pa yung sinabi niya kanina. Na-awkwardan yata siya sa sinabi niya. Sabagay kung ako din siya bigla akong mananahimik at ma-aawkwardan sa sinabi ko. Konti na lang malapit na kami sa ADMIN OFFICE. Konti na lang pero tahimik pa din siya.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss Season 1 [COMPLETE] {EDITING}
RomanceThe people who not forget what happened to them in the past 10 years. It's not an ordinary life lahat ng buhay pwedeng isacrifice. One can die for the of her love. One can die from a tragic accident. One can live happily ever after. One can solv...
![Mafia Boss Season 1 [COMPLETE] {EDITING}](https://img.wattpad.com/cover/127851213-64-k491368.jpg)