Cane pov.Nagmamadali akong pumasok sa dati kong kompaniya na ngayon ay minamanage ni Kaino, pagdating ko ay agad akong binati ng mga empleyado nagsiyukuan pa nga silang lahat, may natanggap din akong mga nagtatanong na mga mata mukhang hindi yata sila makapaniwala sa nakikita nila na ang dati nilang boss na naka jeans at t-shirt lang at may hawak pa na paper bag. may mga empleyado ring nagtataka at madaming tanong dahil bakas na bakas iyon sa mga mukha nila hindi ko na lang sila pinansin dahil naglakad na lang ako ng matuling papunta sa elevator at pinindot ang pinakahuling floor kung saan doon ang dati kong opisina, nang huminto ang elevator at bumukas ay agad akong lumakad palabas.
Nakangiti akong lumapit sa pinto ng opisina ko ngunit agad akong napatigil at unti-unting nawala ang ngiti sa aking labi nang marinig ko ang tinig ng aking bangungot.
"So ano nagawa mo na ba ang pinapagawa ko sa'yo tiyak na nabuntis mo na ang babaeng 'yon. balita ko napapaikot mo na siya sa mga kamay mo ngayon. Hulog na hulog na ba? Grabe ewan ko ba ang tanga-tanga ng babaeng 'yon hindi ko ata 'yon anak." Tinarak ng libo-libong karayom ang puso ko sa narinig ngunit hindi ko ata na paghandaan ang kutsilyong susunod sa mga karayom.
"Naku paniwalang-paniwala ang anak n'yo sa ngayon hinihintay ko na lang na lumabas ang sintomas ng pagbubuntis niya dahil natitiyak kong hindi ako nabigo." Pahayag ni Kaino at halos hindi ko ito makilala na ito ang nakasama kong asawa ng nagdaang linggo ang mga salita nito ay mas pinagpira-piraso ang puso ko dahil ang sakit na isipin na tuloy pa rin pala ang plano nila, ang sakit isipin na ang pagsasama namin at ang mga salita nito ay pawang huwad na kasinungalingan. Ahh oo nga pala sino ba naman ang niloko ko? e
E' mukhang nagawa nga nito akong pasunorin sa mga gusto nito at ang
Naisip nitong gamitin sa'kin na paraan ay ang pag-akto nito bilang isang prinsepe na handang tulungan ang kaniyang prinsesa pero masakit lang kasi akala ko totoo ang lahat pero ang tanga ko. This is still part of their plan, bakit ba nakalimutan ko iyon?Napahawak ako sa dibdib ko pinapakiramdam ang sarili ko and I felt the pain is killing my whole system ang natitirang pagkatao ko ay unti-unti nitong pinapatay.
"Good I am proud of you son." The tears fell on my eyes hinayaan ko lang ito habang tinitingnan ang pintong nakasara. Bakit ang dali niya lang 'yon sabihin sa iba? bakit sa'kin ang hirap niyang ibigay kahit ngiti niya lang? bakit papa? Wala na ba talaga akong karapatang mabuhay ng malaya? Wala na ba akong karapatan maging masaya?
At wala na ba akong karapatang magmahal?
"Thanks tito pero you told me na pagkatapos ko itong isakatuparan ay may makukuha akong gantimpala gusto ko sana na sabihin sainyo ang gusto kong premyo kung nanganak na si cane." Tama na, ang sakit na wala ng natira sa'kin bakit gusto n'yo pang mas ubusin ang lahat ng meron ako hindi pa ba sapat ang mga sakit na nararamdaman ko kulang pa ba?
Muntik na akong matumba ng mapaatras ako, nabitawan ko ang paper bag na naglikha ng ingay, kahit nanlalabo ang aking paningin ay agad akong napatakbo sa elevator.
"Sino 'yan" Sigaw ni Kaino ngunit agad na nakapasok ako sa elevator at pinindot ko ang G, iyak lang ako ng iyak.
Napasandal ako sa elevator at napakapit sa aking dibdib. Ang mga salita nila ay parang punyal at ang mga salita nila ay parang bangungot na pabalik-balik sa isip ko.
My heart is bleeding akala ko siya na ang mag-gagamot sa puso ngunit mali ako dahil panandalian niya lang iyon ginawa sapagkat mas gusto niyang buksan ang sugat ng nakaraan at mas palakihin iyon tearing it beyond repair at nagtagumpay siya.
Nang bumukas ang elevator ay gulat na gulat ang mga empleyado sa nakita nilang itsura ko, sino ba naman ang hindi magugulat? They have known me likely for being a cruel woman who doesn't have emotion, pero ito ako umiiyak sa harapan nila pinapakita ang sakit na nararamdaman ko..
![](https://img.wattpad.com/cover/119449374-288-k91030.jpg)
BINABASA MO ANG
Hate Series 4: Hayley Cane (completed)
Romance"Where am I?!" Pinipilit niyang makatakas sa pagkatali niya pero hindi niya iyon magawa. May nakatakip din sa mga mata niya kaya wala siyang makita.. Napaigtag siya ng may maramdaman siyang daliring humaplos sa dibdib niya "Bastos! Sino ka! Mapapat...