Scarlett pov
Napabuntong-hininga ako habang iniisip na isang araw na pala ang aking pinalipas bago ako pumasok muli sa Cafe, nasabi naman sa'kin ni Anne na hindi na pumunta ang mga taong 'yun kahapon baka naniwala na ang mga 'yon na hindi ako ang babaeng
hinahanap nila. Pero kung dati ninanais kong umupo sa labas ngayon ay pinagsisihan ko 'yon mas gugustuhin ko na lang makulong dito sa opisina.Hinilot ko ang noo ko.
"Ate so ano plano n'yo?" Umiling ako hindi ko naman kasi alam kung ano ang gagawin ko.
"Hindi na naman ata sila mangugulo Anne.." Seryosong saad ko for sure naniwala na ang mga 'yon ngunit natigilan at nanlaki ang mga mata ko nang makarinig ako ng sigaw ng maliit na boses mula sa labas.
"Mom!! Mom!! Teka bitiwan n'yo ko!! Asan na 'yung mama ko?" Napaupo ako ng matuwid sa narinig kong boses my daughter is here again nagpapanic ang sistema ko.nalilito ako kung ano ang gagawin ko.
"Mom a-aray .. huk* mama.. bitiwan n'yo po ko. a-alam ko nasa loob si mama." Parang binibiyak ang puso ko nang marinig ko itong umiiyak, hell ba't hindi ko mapigilan ang sarili ko?
"Bata wala talaga ang mama mo rito mangugulo ka na naman tapos mawawalan na naman kami ng kostumer kahapon ni hindi namin nakuha ang mga bayad ng ibang kostumer dahil sa'yo! Wala nga ang mama mo rito hindi mo mama si ma'am Scarlett." Mas lumakas ang iyak ng anak ko kaya napalunok ako gusto ko saktan ang kung sinong mang nagsasabi ng mga masasamang salita
sa anak ko na nagpapaiyak dito. Gusto kong lumabas."M-mama ko siya ... huk* kaya hayaan mo po ako..."
Napaluha na ako."A-Anne kunin mo siya at dalhin mo siya rito baka kung ano na ang ginagawa sa kaniya and fire who ever makes my child cry! " Nanlalamig ang mga kamay ko hindi ko talaga siya matiis. Ang sakit kahit subukan kong tikisin ay hindi ko magawa mas mahalaga pa rin sa akin ang kaligtasan at nararamdaman nito.
"Sige ate." matipid na saad nito saka napabuntong-hininga at umalis.
Hindi nagtagal nakarinig ako ng pagbukas at sara ng pinto, saka ang mga maliliit na yabag na papalapit sa'kin..
"M-mama.." Naramdaman ko ang pagyakap nito sa'kin hindi ko na maramdaman ang presensiya ni a
Anne kaya alam kong nasa labas ito I sigh rinig na rinig ko ang mga hikbi nito napatingala ako at pinipilit na huwag umiyak."Akala ko ba hindi mo na akong pinapaniwalaang nanay mo? You hate me right pero bakit andito kang muli?" Mahinang saad ko, at hinaplos ang buhok nito para patahanin ito.
"M-mama ikaw 'yan alam ko hindi ko kayang magalit dahil alam ko mahal n'yo po ako dahil sa star na 'to." I bit my lower lip and I felt happiness engulf my heart dahil sa narinig ko pero nag-aalala ako sa magiging kinahihinatnan ng mga pangyayaring ito.
"Paano mo naman nasabi na ako ang iyong ina? Alam mo Cresent may mga chansa talagang maging magkapareho ang mukha ng dalawang tao kaya baka nagkataon lang ang lahat." She sniff while touching my cheeks with her little hands wari bang sinusuri ang buo kong mukha habang ako naman ay ninanamnam lamang ang masarap na pakiramdam dahil kayakap at katabi ko ang bituin na matagal kong gustong makasama.
"Oo kamukha mo si mama pero hindi dahil doon kaya inisip kong ikaw si mama ramdam ko po kasi sa heart ko e' sumisikip pagpinapalayo n'yo ko sa inyo at masakit po.." Natameme ako ang sakit sobra kung pwede lang anak kung pwede lang. Mahirap din naman sa akin e' dahil ang sakit din pero walang mas sasakit lalo na kung malaman mo na nasasaktan ang anak mo dahil sa'yo.
"Kaya sabihin n'yo po are you really my mom----"
"I-I---"
Sabay kaming natigilan nang makarinig kami ng pagbukas ng pinto ngunit mas nagulantang ata ako nang malaman ko kung sino ang nandoon sinigaw lang naman ng anak ko kung sino ang panauhin ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/119449374-288-k91030.jpg)
BINABASA MO ANG
Hate Series 4: Hayley Cane (completed)
Romantik"Where am I?!" Pinipilit niyang makatakas sa pagkatali niya pero hindi niya iyon magawa. May nakatakip din sa mga mata niya kaya wala siyang makita.. Napaigtag siya ng may maramdaman siyang daliring humaplos sa dibdib niya "Bastos! Sino ka! Mapapat...