chapter 10.

17.6K 347 5
                                    

Cane pov.

Bahagya akong napangiti dahil sa tanawin na nasa harap ko kung saan si Raven ay kasalukuyang kinakarga ang panganay nito.

"Akala namin galit ka pa rin sa'min kaya hindi ka nagpakita sa hospital, 'yun pala may inasikaso ka lang na business sana tinawagan mo man lang kami." Sabi ni Raven, gusto ko man maging tapat ngunit hindi ko magawa. Binalaan na ako ng ama ko na walang dapat makaalam na kinasal ako at si Kaino dahil ayaw niya raw na magka-issue. If I know gusto lang nito na hindi siya mahihirapan na paalisin ako ng hindi nasisira ang pinakamaganda nitong reputasyon at saka ayoko na rin na gambalain ang pamumuhay nila Raven dahil lang sa problema ko gusto kong harapin ko iyon ng mag-isa at hindi nangangailangan ng tulong ng iba

"Hmm.." I hummed as an answer.

"Hayy kung hindi lang talaga cold itong si Cane iisipin kong nanlalake ito. Nag-adventure sa hunk city na madaming nagsigwapuhang fafa at tiyak na maswerte ang makakabingwit kay Cane aba bukod sa mayaman, shet! look at that body. Hmmm kahit beki pagnanasahan ang babaeng 'yan pati ako nga natotomboy na." Your wrong Zai sadyang ang yaman ko lang ang gusto ng lahat noon nga wala akong mga kaibigan na tinatanggap ako kung kung ano at sino ako dahil lumalapit lang ang mga ito kapag may kailangan they only want my money lahat naman ata lalapitan ka lang kung may maibibigay ka pero kapag wala e' tatalikuran ka lang nila.

"What the hell Raven did you see that!" Napatingin ako kay Zai ng marinig ko ang sinabi nito nagtaka ako ng makita ko ang gulat na nakarehistro sa kanilang mga mukha.

"Ano nangyari sa inyo?" Tanong ko at nagpapalit-palit ng tingin sa dalawa.

"Y-your eyes was filled with emotion." Nagtatakang tiningnan ko sila, Nagpapatawa ba itong si Zai?

"Anong problema n'yong dalawa? Nagpapakita naman talaga ako ng emosyon kapag kasama ko kayo 'di ba?" Umiling- iling sila at hindi pa rin makapaniwala.

"You should see yourself Cane nag-iba ka ngayon lang namin nakita ang malungkot na emosyon mula sa'yo. Hindi mo naman ito pinapakita sa'min and you promise to yourself na hindi ka magpapakita ng ganiyang emosyon dahil ito'y kahinaan ano bang nangyari sa'yo sa business trip na inattend mo? Because you are not the Cane we all know." Napaawang ang labi ko sa inusal ni Raven, nagbago ba talaga ako? Ito ba ang resulta ng pagsama namin ni Kaino sa isang bubong? Am I changing? No! Ayoko hindi ko dapat ibaba ang pader na binuo ko dahil tiyak na ako lang kawawa I need to be strong lalo pa't may plano sila at kung hahayaan kong manaig ang emosyon ko ay ako rin ang mahihirapan.

"Ano ba 'yang sinasabi n'yo?" I innocently said at sinigurado kong walang emosyon ang bumakas sa aking mukha dahil tiyak mas magtataka ang dalawang ito.

"Ayy naku Raven baka guni-guni lang natin 'yon ang labo naman kasi at kung tama man ang nakita natin kanina ano naman ang naging dahilan ng pagpapakita ng emosyon na 'yon ni Cane?" Tiningnan muna ako nito mula ulo hanggang paa saka dinugtungan muli ang sinasabi nito

"Depende na lang kung may nagpapa-inspire rito like a hot fafa na may masarap na hotdog hihihi. Pero ang labo talaga dahil ni ayaw nga lapitan ng mga boys iyang bruhang 'yan dahil sa nakakatakot sa cold look na parang tingin ni medusa." Hayy kung alam mo lang Zai kung ano ang pinagdadaanan ko ngayon. Meron pa rin palang lalaking kaya akong harapin ng hindi nanginginig.

"Ma'am Raven umiiyak na po si Arriane baka nagugutom na po iyon.. at miss Zai ito na po ang mangga at bagoong." Binigay ni aling Maring ang mangga kay Zai na agad naman nitong nilantakan.

"Shit! Zai kargahin mo muna si
Xianne" Natatarantang sabi ni Raven ngunit ang baliw na Zai ay busy sa pagkain ng mangga.

Kaya ang sunod na ginawa ni Raven ay nagpagulat sa'kin, lumapit lang naman ito sa'kin at tumingin sa'kin ng nagmamakaawa shit! this is not good. Umiling-iling ako.

" H-hindi ako marunong kumarga ng bata, kay Zai mo na lang ipakarga." Sinubukan kong humingi ng tulong kay Zai ngunit ang bruha mukhang enjoy na enjoy sa mangga at bagoong at hindi man lang ako pinansin.

"Sige na please Cane tingnan mo naman si Zai nagkamay-kamay na sa pagkain ng mangga baka madumihan lang si Xianne." Hindi na ako nakapagprotesta ng dahan-dahan na tinuruan ako ni Raven kung paano ang tamang pagkarga ng bata para tuloy akong pinagpawisan dahil na rin sa takot na baka mahulog ang bata o baka masaktan ko ito, dahil masyado itong maliit. So fragile na baka konting mali ko lang ay baka umiyak ito.

nakapikit ang mga mata ng baby ngunit nagulat ako ng dahan-dahan itong nagmulat ng mga mata and there I saw her beautiful light blue eyes looking at me with innocence.

"Ang dali mo palang matuto Cane sige na balik lang ako 'a" wala sa sarili na napatango na lang ako hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng isang emosyon. Sari-saring tanong ang pumasok sa isip ko while looking at the baby in my hands.

Nanlaki ang mga mata ko ng ngumiti ang baby na para bang tumatawa sa gulat na reaksiyon ko hindi ko alam ngunit parang may sariling buhay ang mga daliri ko at kusa iyong humaplos sa makinis at malambot na pisnge ng baby I felt something warm came rushing into my heart.

Paano kaya kung magkaanak rin ako? Mahahawakan ko rin ba siya ng ganito? Mararamdaman ko rin ba ang mainit na pakiramdam sa puso ko habang nakatingin sa inosente nitong mukha? I smile just imagining my self having my own baby made me feel so human ngunit agad iyon nawala ng maalala ko ang sinabi ng aking ama..

Kailanman hindi ko mararamdaman na maging ina dahil pagkatapos kong magbuntis ay papaalisin na agad ako ng hindi man lang nakakasama ang anak ko, parang may tumusok na karayom sa puso ko dahil sa mga naiisip ko, at ano ba ang alam ko sa pagiging magulang? I am cold hearted woman kaya wala akong kataparan na maging magulang.

"Alam mo Cane kahit ang tingin ng iba ay ikaw ang pinakamalamig na tao para sa'kin naiisip kong you can be a great mother and a wife." Gulat na nilingon ko si Zai na nakangiting tinitingnan ako.

"Nagpapatawa ka ba?" Sabi ko at tinaasan ito ng kilay paano naman ako magiging mabuting ina? Napatingin akong muli sa anak ni Raven at hinawakan ang maliit nitong kamay ngunit hindi ko inaasahan ang sunod na nangyari the baby wrap her hands on my finger while looking at me para bang sinasabi nitong tama ang sinasabi ni Zai and I can't help but chuckle.

"This little girl got her personality to her mom." Magaling na itong magcomfort mukhang alam ata nito na naguguluhan at puno ng sakit ang kalooban ako and I must say gumaan ang loob ko.

"Aherm!" Napaangat ako ng tingin dahil sa pagtikhim ni Zai.

Ngunit umawang ang labi ko sa nakita kong tao na nakatayo malapit sa upuan ko, no other than Kaino ito'y nakatulala at tinitingnan ako na parang hindi makapaniwala I gape, what the hell!

"Kaino! What are you doing here?!" Umiwas ako ng tingin ng marinig ko ang boses ni Raven. What the hell nakita niya ba?

"A-hmm bibisitahin ko sana si Roux." Naiinis na tumayo ako at lumapit kay Raven saka ibinigay ko rito si Xianne.

"Pasensiya na Raven at Zai kailangan ko ng umalis may pupuntahan pa pala ako." Malamig na saad ko saka naglakad na palayo hindi na ako nag-aksaya pang lumingon at tingnan ang reaksiyon nila.

Fuck he just saw me again with my guards down at hindi ko nagugustuhan ang pakiramdam na apektado ako.

😉😉😂😉😁😊😂😃😄😅😆😆😉

Sorry guys sa late update.

Hate Series 4: Hayley Cane (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon