Cane pov
"T-tama na.. ako ang may kasalanan sa nangyari sa anak ako. I am to blame! Ako ang hindi naging mabuting ama! please tama na, noon ay umiyak ang anak ko dahil sa ginawa ko huwag n'yo na siyang paiyakin ngayon.. I am S-sorry please anak I'm sorry.... ako na ang aalis .."
I sigh hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi ng ama ko hindi ko alam na andon lang siya sa tabi ko ng mga oras na 'yon. Ewan ko kung papaniwalaan ko ba o kung ano ba ang dapat kong maramdaman.
Ang tagal ko kasing ininda ang mga masasakit na salitang ibinigay nito sa'kin at ngayon he said those words na noon ko hinintay na masambit niya pero bakit ngayon lang?
Bakit ngayon lang P-papa?
Pero 'yung mga sinabi ni Raven ay patuloy akong ginagambala. Para akong baliw na nag-iisip kung bibigyan ko na ba ng chance? Paano kung masaktan lang akong muli? Oo alam kong nagkamali ako I left my child at tama si Raven I am selfish. Tinakbuhan ko naman kasi ang problema. Sana pala ako ay naging matapang, paano ko pa ba mababago na minsan na akong nang-iwan ng anak? Paano ko pa ba maibabalik ang mga panahon na wala ako para sa anak ko.
In two days nagawa kong maging tunay na masaya. Ito nga talaga ang sinasabi ni Raven the real smile and happiness. Hindi ko rin naman masabi sa kanila ang nagpapasaya sa'kin noon dahil ako mismo hindi ko alam ang magpapasaya sa'kin but now alam ko na ang pinapahiwatig ni Raven nakakalungkot lang at mas sinira ko ang aming pagkakaibigan and that's why ang sakit sakit.
Pero my heart also swells dahil parating nasa tabi ko ang anak ko, she makes me smile at kahit anong tanggi ko. Kaino is making me feel good, he comforts me at inaalagaan ako nito iba sa taong kinamumuhian ko.
Tinitikis ko man itong umuusbong na emosyon ay ako lang mismo ang nahihirapan but the biggest question are, am I willing to take risk? Kaya ko na ba uling sumubok na lumaban? Paano kung plano lang ulit ito?
"Mom you're spacing!" Napapitlag ako sa boses ng anak ko naramdaman kong umupo ito sa aking kandungan nasa kompaniya kasi ngayon si Kaino kaya kami lang ngayon ang andito kasama si manang nakaupo lang kami sa garden 'yun kasi ang hiningi ko kay manang na siyang umalalay sa'kin, gusto ko kasing makapag-isip at hindi ko 'yon magagawa sa loob ng kwarto dahil Ijust felt suffocated. Iyong tila kinukulong ako at hindi ako makahinga.
"I'm sorry star what did you say?" Humilig ito sa aking dibdib kaya hinaplos ko ang buhok nito.
"Alam n'yo po kuha n'yo po ang mata niyo kay lolo. Miss ko na siya lagi naman kasi 'yon pumupunta rito tapos alam n'yo kinukwento niya sa'kin ang tungkol po sa'yo." Kumunot ang noo ko . parang ibang tao kasi ang sinasabi ng anak ko how come na ikukwento ako ng ama ko sa aking anak? Depende na lang kung masasamang bagay tungkol sa'kin baka maniniwala pa ako.
"Ano naman ang kinukwento niya anak?" Tanong ko at ngumiti ng mapait.
"Gusto n'yo raw po noon maging policewoman tapos po sabi niya ang hilig n'yo raw po sa sweets gaya ko nagnanakaw pa nga po kayo ng cookies sa kusina tapos po paggabi patago raw po kayong kumakain ng ice cream para hindi mahuli ni lola tapos nakakahanga po kayo lagi raw po kasi kayo ang nangunguna sa klase." Pinag-isang linya ko ang aking labi, naaalala niya pa rin pala ang mga bagay-bagay those are our beautiful memories.
Isa akong papa's girl noon dahil kinukunsinti ako ng ama ko sa lahat ng gugustuhin ko kaya nga I am spoiled brat kaya lagi kaming napapagalitan ni mama.
BINABASA MO ANG
Hate Series 4: Hayley Cane (completed)
Любовные романы"Where am I?!" Pinipilit niyang makatakas sa pagkatali niya pero hindi niya iyon magawa. May nakatakip din sa mga mata niya kaya wala siyang makita.. Napaigtag siya ng may maramdaman siyang daliring humaplos sa dibdib niya "Bastos! Sino ka! Mapapat...