CHAPTER 4 (the box pt. 1)

881 5 0
                                    

Mira's POV

Nangingilid ang mga luha ko sa mga mata ko. Pero pinigilan ko ito. I need to be strong. Ayokong magpadala sa mga emosyon ko. Tiningnan ko ang bagay na una kong dinampot sa mga gamit na nalaglag. Sinasadya ba talaga ng tadhana na ipaalala sa akin ang lahat?

Hawak kong band aid na nalaglag sa box. Napangiti ako. Ito ang pinaka-unang bagay na nanggaling sa kanya.

*flashback*

First day of High School. Napakalungkot nang araw na iyon dahil wala akong magulang na kasama.

'kaya mo yan Mira! sabi sa'yo ni Tatang, malaki ka na kaya dapat wag ka nang malungkot! ang sabi naman ni Nanang, magaral akong mabuti para gumanda ang buhay ko sa hinaharap! At sabi nilang dalawa, magdasal lang ako sa Diyos para gabayan nya ako!'

Unti-unti nang lumiwanag ang mukha ko. Ngumiti ako at naglakad papunta sa classroom ko.

 *classroom*

"okay class, we have a new student here in Lady Rodrigo Academy, her name is Miranda Leandro. Mira? can you come here in front so that your classmates can recognize you?" sabi ni Mam Penida, ang class adviser namin.

'here it goes...... lakad ng diretso Mira, do not make any eye contact.......'

lakad

lakad

lakad

booogsh!

Natapilok ako -_- aray ha!

"mwahihahahihihahaha! youre so lampa!" sabi nung babae na dinaanan ko

Lahat sila nakatingin sa akin at natatawa. Hiyang-hiya ako. Tumayo ako na maluha-luha ang mga mata ko. Tsk! Nagkasugat pa ako -_-

Nagulat ako nang may nag-alalay sa akin sa pagtayo. 

Unang una kong nakita ang malamlam niyang mga mata. Ang itim ng mata nito, parang nang-aakit.

Pagkatayo nya sa akin. Tiningnan nya ako at nginitian. Humarap sya sa klase at tumingin kay Mam Penida. "Pinatid po sya ni Lizziel" sabi nya.

Natahimik ang buong klase at namula ang babaeng nagsabi na lampa ako. Sya pala si Lizziel ‘ Nakita ni Mam Penida ang sugat ko.

“Nako, nagkasugat ka! Ah Trey? Can you do me a favor? Bring Mira sa clinic. Im gonna talk to Lizziel IN THE GUIDANCE OFFICE” saad ni Mam.

Halata namang natakot yung Lizziel. Pero habang palabas kami ng classroom ‘ tiningnan ako nang masama nito. Parang pamilyar sya sa akin.

My Ex and I (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon