CHAPTER 11 (dream)

656 7 0
                                    

Trey's POV

I was with her the whole night. Pero ni kausapin sya hindi ko magawa. I'm scared of Mira shutting me out kapag nagpaliwanag ako sa kanya.

Buhat-buhat ko sya ngayon. Pumasok kami ng elevator. Tahimik lang kami. May ibang staff sa hotel at binati kami. Nginitian sila ni Mira. Tumango lang ako.

*flashback*

Pagkagising ko, it's 10am. Late na pala akong nagising -___- hindi kasi ako pinatulog ng babaeng yun kakaisip sa kanya. I knocked on her door but no one answered. Nakita ako ng isang staff. "ay, Sir Trey umalis po si Mam. Pumunta po ng resort. Nakita ko sya doon."

Nang marinig ko ito, tumakbo ako palabas ng hotel at dumiretso sa resort. Hinanap ko sya. Pumasok ako sa loob ng mini-restau at nakita ko ito. Kasama nya si Ryan Montemayor, adopted son ni Tito Christian. I heard the voice of Ryan saying na ihahatid nya si Mira. At sino sya para ihatid ito?

Lumapit ako sa kanila. "Ako na" sabi ko.

"T-Trey?" gulat na sabi ni Mira. Hindi na ako nagsalita at hinila ko na lang sya palabas. "aray! yung paa ko!" sigaw nito. Napaupo ito sa sakit.

"Hey take it easy. She's injured!" narinig kong sigaw ni Ryan. Agad akong lumuhod para tingnan ang paa nya. "F*ck. Im sorry" bulong ko. Kahit kailan your really stupid! Binuhat ko sya. At naglakad palabas.

*end of flashback*

Dinala ko sya sa room nya iniupo sa higaan nya. Tumawag ako sa lobby. "Hello, this is Trey Delos Reyes. Can you deliver a first aid kit and some pain relievers here in room 102. And also bring Ms. Sarmiento some food." utos ko. Sumunod ang nasa kabilang linya. Lumapit ako kay Mira at umupo sa baba ng higaan sa harapan nya. Nakatingin lang sya sa akin. Hindi ko sya tinitingnan. Tinanggal ko ang bandage sa paa nya. I tried to massage it. Napangiwi sya sa sakit.

"It will hurt a little. Mas magandang hilutin hangga't hindi pa ito namamaga. Lagot ako sa lolo mo kapag may nangyaring masama sayo." sabi ko. Hindi pa din sya nagsasalita at nakatingin sa sa paa nya na hinihilot ko. Dumating ang pinadala kong kit at gamot. After a few minutes, dumating na din pagkain. Tumayo ako, I prepared the food sa higaan ni Mira.

"eat" sabi ko. Tiningnan nya ako nang masama at uminon lang sya ng pain relievers, hindi nya kinain ang pagkain. Pagkatapos niya ay tumayo sya. "what do you think your doing?" tanong ko. Pinigilan ko syang maglakad palabas ng pinto. Tumingin lang sya sa akin. "Im just sprained Trey. Hindi ako baldado." sabi nya.

"Kung lalabas ka kailangan samahan kita. It's written on our contract remember?" sabi ko. I can't let her walk alone. Baka mamya madisgrasya na naman sya. Wala na syang nagawa kung hindi hintayin din akong lumabas. "so where are we going?" tanong ko lumapit ako sa kanya.

"I don't know. I need to exercise my foot. Kailangan kong gumaling agad para makabalik na tayo sa Manila." sabi nito. Napaka-workaholic na talaga ni Mira. Wala na ba syang ibang bagay na pinagkaka-abalahan bukod sa trabaho. I held her hand. Mukhang nagulat naman sya sa ginawa ko. God I missed us being like this. I just showed her my poker face para hindi nya ako mahalata.

After I grabbed her hand. I put it on the other side of my shoulder, then binuhat ko sya. Bride style. Bumalik kami sa higaan nya at iniupo ko sya dito. "Bukas ka na lang mag exercise ng paa mo. You also need to rest." I said then lumabas na ng pinto. Tumigil ako dito at tiningnan sya. "If you need anything tawagin mo ako sa kabilang room." dagdag ko.

I'm really tempted sa itsura nya kanina. I can see her body sa suot nya. See-through kasi ang shirt nya at naka-shorts lang sya. Kahit ganoon lang ka-simple ang suot nya, that turns me on. Nabubuhay ako. Sa kanya ko lang nararamdaman ang ganoon. Specially kapag nagkakadikit ang mga balat namin. Pakiramdam ko milyon-milyong boltahe kuryente ang nararamdaman ko.

My Ex and I (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon