CHAPTER 12 (second attempt)

604 3 0
                                    

Trey's POV

Ang sakit ng ulo ko nang magising ako. Sa galit ko sa sarili ko kahapon Uminom ako

*flashback*

"I'd rather die than be with you!" naalala kong sabi nya kagabi

Those words really hurt me. She'd rather die than be with me. Paulit-ulit ang mga salitang ito sa isip ko. Ganoon na lang ba talaga ang galit nya sa akin? I promised myself na kahit anong mangyayari, I won't leave her again. Kahit ano pang masasakit na bagay ang sabihin nya, hinding-hindi ko na sya iiwan. Tingin ko masyado lang syang napikon dahil sa pang aasar ko sa kanya kahapon.

Pagkahatid ko sa kanya, dumiretso agad ako ng bar dahil sa sama ng loob ko. Hindi ako nagalit sa kanya. Nagalit ako sa sarili ko. Kung hindi ko sya iniwan hindi sana kami ganito. I want Mira back. Pero hindi ko alam kung pano. Uminom lang ako nang uminom. Hindi ko na din maalala kung paano ako nakabalik sa hotel room ko. All I remember is nagagalit ako sa isang staff dahil pinipigilan ako nitong uminom.

Am I dreaming? Nandito si Mira at inaalagaan nya ako. Nang tumayo sya, pinigilan ko sya. "If this is a dream, I dont want it to end." sabi ko. Then I kissed her. I felt that it was so real. Nang biglang dumilim ang paligid ko.

*end of flashback*

Nandito ako ngayon sa resort. It's 11am. I was about to go for a swim when I saw Mira getting out of the pool. Nabuhay na naman ang dugo ko. When did she learn to wear that kind of swimsuit? Dapat ako lang ang nakakakita nyan -_- Mabuti na lang talaga at may dala akong extrang towel at damit. Mabilis akong nakalapit sa kanya.  "Cover yourself, can you wear things na hindi masyadong nagpapakita ng kaluluwa mo?" sabi ko.

Ang dami daming nakatingin sa katawan ni Mira. Sino ba naman ang hindi? She looks perfect to me. Mahaba ang buhok nya at maputi, hindi ganoon katangkad, hindi sya ganoon kaganda pero her face is so angelic and simple. And her innocent smile, ito ang nakapagpa-attaract sa akin. Kung ako nga eh halos mabaliw sa init na nararamdaman kapag nakikita sya. Pano pa kaya ang iba?

Mira's POV

"Cover yourself, can you wear things na hindi masyadong nagpapakita ng kaluluwa mo?"  sabi nito. Nagulat ako nang ihagis nito ang twalya sa akin. Napatingin ako sa kanya then naalala ko ang nangyari kagabi. Nagsimula na namang uminit ang mukha ko. 

Pagkatapos nya akong halikan kagabi, nakatulog na ito. Naglakad ako pabalik sa kwarto at umiyak. That guy stole my kiss. And he's not even my boyfriend. And worse, he is my ex-boyfriend.

Inayos ko ang twalya at ibinalik ito sa kanya. "No worries, I have my own towel over there." Itinuro ko ang cottage ko at nilagpasan ko sya. I can't be with him at a time like this, inayos ko na ang gamit ko. Nagbihis ako at umalis na.

Nang makarating ako sa tapat nang room ko, I was about to turn the knob when someone grabbed me at tinakpan ang bibig ko ng panyo.

Sinubukan kong magpumiglas pero nanghina ako. Unti-unti akong nahilo at nawalan ng malay.

Trey's POV

Anong problema nun? Hindi na ako nag swimming. Pumunta na lang ako ng mini-restau at umorder ng pagkain namin ni Mira. Ipina-deliver ko ito sa hotel room nya. Nang makarating ako sa tapat ng room nya. I saw her door slightly opened. Bakit hinahayaan nyang nakabukas ang kwarto nya? Baka mamaya may pumasok dito na masamang tao. Pagkapasok ko. Wala si Mira. Nagsimula na akong kabahan. 

Pinahanap ko na ito sa mga staff ng hotel, kahit sa buong resort pero wala ito. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Dumating ang gabi pero wala pa din sya.

My Ex and I (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon