CHAPTER 16 (last attempt)

761 5 1
                                    

Mira's POV

Pagkagaling ko sa opisina ni Trey, agad akong pumasok ng opisina ko. Bwisit na babaeng yun! Mukha ba akong janitor sa itsura ko? Lintek na yan!

Sa badtrip ko. I planned to go home. MAG-ISA. Bahala yung lalaking yun sa buhay nya! Pasakay na sana ako ng kotse when someone grabbed me from my back. Tinakpan ang bibig ko and I can feel na nahihilo na naman ako. I hold my breath at siniko ang taong may hawak sa akin. Sinubukan kong tumakbo pero bigla akong nakaramdam na may humampas sa ulo ko. Everything went black.

"Riella! Si Mira nalaglag sa pool!" sabi ng babae na tumatakbo papalapit sa batang katabi ko. Ako ito ah?. I recognized the face of the girl na lumapit sa batang ako. Kamukha nya si Lizziel.

"Lizi hindi ako marunong lumangoy." sabi ko. May dumating na dalawang batang lalaki. "Ako na ang kukuha." sabi ng batang lumapit sa batang ako. Umiiyak na ito. Tss iyakin pala ako noon -_-

"Tss pabida ka talaga kuya -_-" sabi ng kasama nito. Teka? Si Trey ito ah? Then naiba ang paligid ko. Nakita kong papasakay ng airport ang batang si Lizziel. Hindi nya ito pinapansin ang batang Riella na tumatakbo papalapit sa kanya. 

Pagkatapos naiba ulit ang paligid. Nakita ko naman ang pagligtas ng batang lalaki sa batang Riella. 

Nabago ulit. At nakita ko ang pagbangga ng isang kotse sa isang malaking puno. Umikot-ikot ito sa ere hanggang sa bumagksak sa daan. Nagawa pang makalabas ng kotse ang batang si Riella. Duguan ito at hinimatay. May lumapit dito na matandang lalaki, si Tatang. Binuhat ako nito at sumakay sa isang pedicab.

Nagising ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Madilim ang paligid. At medyo malamig. I now remember everything. Sinubukan kong yakapin ang sarili ko. Nagulat ako nang maramdaman kong wala na ang coat ko. Hinawakan ko ang katawan ko. Blouse at palda na lang ang panlabas kong suot. Ramdam ko din na wala na akong suot na sapatos.

Hanggang sa maramdaman ko ng may pumasok sa loob. I pretended to be asleep. Ang lakas na naman ng kabog ng dibdib ko. Binuhusan ako ng malamig na tubig. Kaya naman napabalikwas ako at sumigaw. "AHHHH ! tulungan nyo po ako! Ano bang kailangan mo?" sigaw ko.

"Ang kailangan ko lang ay malaking pera, swerte nga din ako eh. Naka-jockpot pa sayo. Mamaya iinit din dito wag kang mag alala. Hahahaha!" natakot ako sa boses ng nagsalita. Sinubukan kong aninagin ang mukha nito pero hindi ko ito makita dahil madilim.

Binuksan nito ang ilaw. Nagsisi na po ako kung bakit gusto kong makita ang mukha nya. Patayin noy ang ilaw! patayin nyo!!!! Nakakatakot ang mukha nito. May scar sya sa mukha, para syang papatay ng tao. Sya ang lalaking nakita ko sa litrato ng SLR ko noon.

Inilagay nya ang pagkain sa lamesa. Lumapit sya sa akin at kinaladkad ako paupo sa upuan. "kumain ka! kailangan mo ng lakas para mamya." Inilapit nya ang ulo nya sa akin at inamoy ang buhok ko. Iniiwas ko ang ulo ko sa kanya. 

'Trey! Help me'

Ryan's POV

Kagagaling ko lang sa Montemayor Villa. Ipinark ko ang kotse sa parking lot ng SHR nang makita ko ang hindi ko pinangarap na makita. Nagtago ako sa likod ng kotse. Kinidnapp na naman si Mira. Ano ba talaga ang problema ng mama ko? Hindi pa ba sya nagsasawa sa mga ginagawa nya?

Agad akong sumakay at sinundan ang kotseng kumuha kay Mira. Mabuti at hindi nakahalata ang driver nito. Tinandaan ko ang lugar at agad akong umalis. Hindi ko kayang iligtas si Mira nang ako lang. I need to tell everyone the truth before its too late. 

Agad akong pumunta sa Mansyon ng mga Sarmiento at saktong nakita ko ang pagkakagulo ng mga tao sa loob. Hinanap ko agad si Trey. Nang makita ko ito. Agad ko itong nilapitan at sinuntok. "What the hell is wrong with you Ryan?!" sigaw nito. Akmang babawian ako ng suntok nito pero sinuntok ko sya ulit. "I trusted you to take care of my sister pero anong ginawa mo?! hinayaan mo na naman syang mawala!" sigaw ko

My Ex and I (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon