CHAPTER 7 - SETTLEMENT

5.7K 63 0
                                    

DIANE POV

Hindi ko na nakita pa si Carlo mula non, hindi ko narin inalam pa kung nasan ba sya dahil sumuko narin ako. Ilang buwan narin naman kasi akong umaasa na babalik pa sya. Kung saan saan at kung kanino na ako nagtatanong-sa mga kaibigan, kakilala ni Carlo na umaasang sasabihin nila kung nasan ito.

Pero bigo ako.
Isang araw nagising ako sa hospital at doon ko nalaman na nagdadalang tao ako.
Galit na galit ang mga magulang ko dahil sa katangahan ko

"hindi ka pa nga guma graduate nagpabuntis ka na! Hindi ka na nakinig sa akin! Kahihiyan ang binigay mo sa pamilyang ito!"

Galit na galit sa akin si papa nang malaman nilang buntis ako. Naging laman din kami ng usap usapan ng mga kapitbahay namin kaya para matigil ang kahihiyan sa pamilyang ito ay pinaalis nila ako. Wala namang nagawa si mama sa desisyon ni papa

Tuloy ang buhay kahit na ganito ang mga pinagdaanan ko. Pumasok parin ako at grumaduate, binuhay ko ang anak ko. Wala na akong pakialam kung ano pa man ang pinagsasabi sa akin ng mga tao, ng mga kaklase ko-basta ang mahalaga, makapagtapos ako atmabuhay ang ng maayos ang anak ko. Tinulungan ako ni Ynna kaya nakaya ko.

"bes ayaw talagang pumayag ni Christian sa gusto mong mangyari" buntong hininga na sabi sa akin ni Ynna nang dumating sya

Si Ynna ang manager ko dahil sya ang nagpasok sa akin sa ganitong trabaho
Tinuro nya sa akin ang lahat ng dapat kong matutunan.
Hindi nya ako pinilit, desisyon ko ito, ginusto ko para narin sa amin ng anak ko.

Sabay kaming napabuntong hininga

Kinabukasan ay sabay kaming pumunta ni Ynna sa restaurant na binigay ni Christian, tumayo pa ito ng makita kami

"Hello again Diane" nakangiti pa ito

Nginitian ko nalang ulet sya.

"So, have you decided?" agad naman nitong tanong ng makaupo kami

"Ganun parin ang desisyon ko" Christian seryoso kong sabi

Kumunot ang noo nya pero nakangiti parin sya

"I think I can still change your decision by this"

Sabi naman nya at inabot sa amin ang isang envelope. Kinuha ito ni Ynna, nagkatinginan kaming dalawa at nagbigay naman si Christian ng senyales na buksan namin ito

Napanganga ako ng mabasa ko ang nilalaman nito

"We have found a donor of your son Diane at nagmatch na din ito. Babayaran ko ang lahat ng gastusin sa pampagamot ng anak mo plus 1M na serbisyo mo para sa kapatid ko"

Hindi kami makapagsalita ni Ynna sa mga nalaman namin

"Look Diane, im giving you an opportunity to make up to my brother. He didnt want to leave you, wala syang ibang minahal kundi ikaw, hindi na din sya tumingin sa iba mula ng umalis kami. Lahat na ng ginawa ko para umibig ulet ang kapatid ko pero wala, mas focus sya sa pag aaral at trabaho nya"

Hindi ko alam kung bakit ba to sinasabi sa akin ni Christian ngayon, at hindi ko rin alam kung bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Natutuwa din ako sa mga nalaman ko.

Pero natatakot ako!
Tumingin ako kay Ynna na nakatingin din sa akin

IKAW? bigkas ng bibig nya na walang tunog

Kinuha ko ulet ang kontrata at binasa ito

3 months of service,
make him happy,
pleasure him,
do things with him blah blah blah pagbasa ko

"24/7 mo dapat syang kasama, and you will leave with us"

Hindi ako magugulat kung kami ni Carlo ang magkakasama pero kasama pati si Christian?

Turning On (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon