CHAPTER 23 - DESICION

3.4K 59 1
                                    

YNNA POV

Dalawang araw na ang lumipas mula ng pumunta dito si Colbie, patuloy parin naman ang pagtrabaho ni Diane. Nakangiti sya kung tingnan pero alam ko na kapag gabi at mag isa nalang sya ay umiiyak sya.

Alam ko naguguluhan ang bestfriend ko. Natatakot din sya na baka malayo sya sa anak nya.

Kasalanan ko to eh! Kung hindi ko sinabi kay Christian at nakipagtulungan sa kanya noon, edi sana tahimik parin ang buhay ng bestfriend ko. Sana hindi ko na ulet pinapasok pa sa buhay ni Diane ang mga Carter na yan

"Ynna"

umalis ako sa date ko para puntahan si Diane. Hindi naman kasi pwede na ako ay masaya habang ang bestfriend ko nagdurusa samantalang dahil naman sa akin kaya sya nagkakaganyan.

Dahil sa kagagawan ko

"Babe" nahabol pala ako ni Tony ang boyfriend ko

Matagal ko na syang boyfriend tatlong taon narin. Mahal ko si Tony at mahal nya din ako sa kabila ng pagiging sexy girl ko.

Kinalas ko ang pagkakahawak sa akin ni Tony at aalis na sana pero niyakap nya ako

"Come on babe, its not your fault" nasabi ko kasi kay Tony ang mga nangyayari kay Diane at ang mga nagawa ko sa kanya

Isa akong traydor na bestfriend! Wala akong kwenta! Akala ko tama ang desisyon ko noon, mali pala!

"Let me go!" pagpupumiglas ko pero hindi ako pinakawalan ni Tony

DIANE POV

Litong lito na ako. Naguguluhan na ako! Ang mga sinabi sa akin noon ni Colbie. May part sa akin na masaya pero may part sa akin na nalulungkot.

Hindi ko alam kung dahil ba kay Christian?
Mahal ko na ba sya?
Pero bakit ang bilis?

Imposible!
Mali ito, hindi maganda to!

'Diane naman pagpapanggap lang ang meron kayo!'

umiinom ulet ako habang umiiyak.
Siguro nga, mahal ko na sya!

"Fuck!"

Ang bait nya kasi. Ang sweet nya, maalaga. Napaka perfect boyfriend!

"mommy"

nagulat ako dahil narinig ko ang boses ng anak ko

Gising pa pala sya kaya agad kong pinunasan ang mata kong lumuluha. Lumapit naman sya sa akin at niyakap ako

"why are you crying mommy?" niyakap ko din sya at umiling

"nothing baby" sabi ko

tumingin naman sya sa akin

"is it about my daddy?"

hindi agad ako nakapagsalita

"I dont need him mommy, if you are sad because of him"

isang beses natanong nya sa akin kung nasaan ang papa nya at sinabi ko lang sa kanya na hindi kami okay ng daddy nya at hindi kami tanggap ng pamilya ng daddy nya, at mula pa nun ay hindi na sya nagtanong about sa papa nya

"ayaw mo bang makilala ang daddy mo?" tanong ko sa anak ko

"but what about daddy Christian?"

daddy narin kasi ang tawag nya kay Christian mula ng nagkasundo silang dalawa

Kinarga ko sya at kinandong

Turning On (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon