CHAPTER 22 - THE TRUTH PART 2

3.6K 58 0
                                    

CARLO POV

Tatlong araw narin simula ng umalis papuntang France Si Christian. Tatlong araw narin mula ng hindi pumupunta dito sa bahay si Diane, maging si Colbie

Napatingin ako sa bawat sulok ng bahay at nakikita ko si Diane. Si Diane na kung saan sya nakaupo, Si Diane na kung saan sya nakatayo at nakatingin sa malayo.

"Sigh"

Siguro kami parin ni Diane magpahanggang ngayon kung pinaglaban ko sya. Siguro kami parin kung gumawa ako ng paraan.

Pero paano si mommy? Mahal ko si mom at mahal ko din si Diane. May sakit sa puso si mommy at hindi sya pwedeng ma stress. 4 years ago ng sinabi ko sa kanila na ipaglalaban ko ang pagmamahal ko kay Diane ay inatake sa puso si mommy dahil hindi nya matanggap na si Diane ang pinipili ko. Kailangan din nung operahan si mommy pero ayaw nya kahit na anong kakapilit namin sa kanya na magpa opera-ngunit magpapaopera lang si mommy kapag pinangako ko sa kanya na lalayuan ko na si Diane, na kahit kailan ay hindi ko na sya lalapitan, na tanggalin ko na sya sa puso ko.

Naaawa ako kay daddy. Mahal ko ang pamilya ko kaya nagsakripisyo ako. Sinakripisyo ko ang kaligayahan ko. Mabuti narin at hindi na nagpakita at nangulit sa akin si Carol after ng isang taong pagsunod nya sa america. Mas nag focus ako sa pag aaral ko sa pagpalago ng business hanggang sa naging busy din ako dahil nagpatayo ako ng sarili kong business.

Magpahanggang ngayon si Diane ang mahal ko. Sya lang ang minahal ko. At dahil mahal ko sya at nakikita kong masaya sya sa kapatid ko ay tatanggapin ko. Makakabuti narin siguro ito.

"Honey"

napatingin ako kay Carol ng biglang nasa tabi ko na pala sya. Nginitian ko sya.

"Hmmm?" tanong ko at itinago ang lungkot na nararamdaman ko

"I have a surprise for you" malawak ang ngiti nya

"Im pregnant"

napaubo ako at gulat na gulat sa sinabi ni Carol. Alam ko naman na pwede syang mabuntis dahil ilang beses na may nangyari sa amin at hindi kami gumagamit ng protection.

Nakita kong nalungkot sya sa naging reaksyon ko

"Why hindi ka ba masaya?"

ngumiti nalang ako at niyakap sya. Magiging ama na ako. Magkakaanak na kami ni Carol. Nakayakap ako sa kanya at tiningnan at hinaplos ko ang tyan nya

"of course im happy honey thank you"

sabi ko at hinalikan sya sa noo.
Kinahapunan ay dumating si Colbie, halata na nitong nakaraang araw ay hindi sya nakakatulog ng maayos at malalim ang iniisip

"Oh Colbie may problema ka ba?"

Umalis nadin naman si Carol nung pagkatapos naming maglunch dahil may pupuntahan pa daw sya

"We need to talk" tumango nalang ako at sabay kaming pumunta sa living room at umupo

"May sasabihin din ako sayo" nakangiting sabi ko sa kanya

Parang tulad lang kami ng dati na sasabihin muna namin sa isat isa ang balita-maganda man o hindi.

"Ok ikaw muna"

nagtaka ako dahil napaka seryoso ngayon ni Colbie. Hindi ako sanay na ganito sya eh. Ang kilala ko na Colbie ay pala ngiti at happy go lucky.

"magkakaanak na kami ni Carol"

tila naman nabigla sya sa sinabi ko sa kanya, gulat na gulat ang reaksyon nya na parang hindi alam ang sasabihin maging ako din ay nagulat pero aside from that ay masaya ako.

Turning On (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon