CHAPTER 6 - 4 YEARS AGO

7K 73 0
                                    

DIANE POV

Mag iisang taon na kami ni Carlo, ng sweetie ko sa sabado kaya talagang nag iipon ako, nagtatrabaho para maibili ng regalo ang mahal ko at ma surprise din sya. Ayoko kasing sya lang ang naggagastos.

Si Carlo ang first boyfriend ko. Legal din kami sa mga magulang ko at natanggap naman nila si Carlo pero hindi sa pamilya ni sweetie, nung first monthsary namin ay pinakilala nya ako sa pamilya nya at hindi naging maganda ang resulta kaya ngayon ay naging patago ang relasyon naming dalawa sa pamilya nya.

Kahit na mahirap ay kinaya namin, kinaya ko at tinanggap ko. Mas nagsumikap ako para balang araw ay matatanggap din ako ng pamilya nya.

"Bes, may sinet up nanamang date para sa boyfriend" mo si Ynna, magkaibigan kami at pareho ang kurso, parehas din kaming graduating sa kursong ict.

Palagi ko yang naririnig na iba iba ang nakakasama na babae ni Carlo, pag may mga event dito sa campus ay hindi ako nagiging kadate nya dahil nga sa patago ang relasyon naming dalawa. Dahil ang mga Carter lang naman ang may ari nitong university at top 5 silang pinakamayaman sa buong Pilipinas at top 15 naman sa buong mundo.

"Uy okay ka lang ba? Hindi ka na jan umiimik" ginalaw galaw pa ni Ynna ang braso ko

Tiningnan ko sya

"Bes, okay lang ako. Mahal ko si Carlo at mahal din nya ako, iyon ang pinanghahawakan ko" nakangiting sabi ko

Papunta na kami ni Ynna sa canteen ng makasalubong namin si Carol at ang boyfriend ko. Nagulat pa nang una si Carlo nang Makita kami pagkatapos ay ngumiti sya sa akin ng tipid.

"Bitch hanggang pantansya ka nalang dahil sa akin lang si Carlo" nakangiting sabi ni Carol na mapang asar at hinalikan sa harap ko si Carlo

Naninikip ang dibdib ko sa nakikita ko kahit na nakikita ko din na umiiwas si Carlo at hindi nya gustong halikan si Carol.
Nagpalakpakan naman ang mga nakakita, dali dali akong tumakbo sa lugar na iyon

"Diane!" narinig ko pang tawag sa akin ni Ynna

Nang ipakilala ako ni Carlo sa pamilya nya ay naging usap usapan ang relasyon naming dalawa ni Carlo dito sa campus. Alam din nila na ayaw sa akin ng pamilya ni Carlo kaya kung ano anong masasamang balita ang kumakalat tungkol sa akin.

Masakit pero tiniis ko...
Masakit pero kinaya ko
Dahil mahal ko si Carlo

Kahit anong sabihin nila
Kahit anong pambubully ang gawin nila
Kakayanin ko
Haharapin ko

Kinagabihan ay narinig kong nandito si Carlo sa pamamahay namin, dito na kasi ako sa bahay dumiretso at umiyak lang ng umiyak.

"sweetie please papasukin mo ako" katok ng katok si Carlo sa may pintuan ng kwarto ko

Wala akong nagawa kundi papasukin sya at nag usap kami sa kwarto ko

"sweetie im sorry dahil wala ako nagawa, hindi ko maisigaw na ikaw ang mahal ko, na ikaw ang girlfriend ko" kitang kita ko ang pagmamakaawa sa mga mata ni Carlo

Napabuntong hininga ako, nakaluhod sya sa harap ko, lumapit sya at pinunasan ang mata kong may luha

"hush sweetie alam mo namang ayokong nakikita kang umiiyak at malungkot" halos pabulong nyang sabi at hinawakan ang dalawa kong kamay

Tumango ako at yumuko

"kailan kaya ako matatanggap ng pamilya mo no?" mahina kong tanong sa kanya

Narinig kong napabuntog hininga sya. Hinalikan nya ako sa noo at niyakap

"sweetie wala akong pakialam kung hindi ka matanggap ng pamilya ko, basta mahal kita. Ipaglalaban natin ang pagmamahalan natin kaya kapit lang ha. Matatapos din ito" sabi nya sa akin

Ang pagmamahal nya ang nagbibigay saken ng lakas para lumaban at kayanin ang lahat ng to. Dahil alam ko naman na pagsubok lang namin to ni Carlo

Niyakap ko din sya at may nangyari sa amin. Pumayag ako dahil mahal ko sya, nung una palang-habang nililigawan ako ni Carlo ay gusto nyang may mangyari na sa amin pero ako ang may ayaw.

Mahal naman daw nya kasi ako at hindi nya daw ako lolokohin. Pero syempre naniniwala parin ako na kasal muna bago ang bagay na yan. Na sa magiging asawa ko lang ibibigay ang pagkabirhen ko. Kahit na 21st century na at marami ng nagbago-syempre nag iingat parin ako. At dahil don ay mas lalo ko syang pinagkatiwalaan at minahal dahil nirespeto nya ang gusto ko.

Dumating ang araw na anniversary namin. Sakto ay walang pasok kaya maghapon kami magkasama. Namasyal kami, kumain kami, nagkulitan. Talagang sinulit namin itong magkasama kami. Sobrang saya namin, hiniling ko din na sana huminto ang oras na sana palaging ganito kami.

Masaya at walang problema

Nang gumabi ay dumirestso kami sa penthouse ni Carlo at doon nakita ko na may inihanda din pala sya

"Diane Sanchez will you give me the honour to be tha happiest man to the whole world, will you marry me?

Umiiyak na ako dahil nang matapos kami mag dinner ay bigla nalang syang lumuhod sa harap ko at nilabas ang napakagandang singsing.

Nakangiti sya habang nagsasalita

"Yes I will marry you Mr. Carter" nakangiti at umiiyak kong sabi

Sinuot nya sa akin ang singsing at niyakap ako ng mahigpit

"I love you Mrs. Diane Carter"

Buong pagmamahal nyang sabi at hinalikan ako. Hinalikan ko din sya ng buong pagmamahal.

----

"WHAT IS THE MEANING OF THIS!!!!" nagising kaming dalawa sa babaeng sumigaw ng ubod lakas

Naglakihan ang mga mata namin nang makilala namin kung sino ang babaeng iyon

"mom I can explain"

Galit na galit na tumingin sa akin ang mama ni Carter

"ANG LANDI MONG BABAE KA! SINABI KO SAYONG LAYUAN MO ANG ANAK KO!" inaawat ni Carlo ang mama nya para hindi makalapit sa akin

Pero hindi nagpaawat ang mama nya, buong pwersa nyang tinulak si Carlo at nilapitan ako at pinagsasampal

*PAK

"YOU FUCKING GOLD DIGGER!"

*PAK

"SINABIHAN NA KITANG LAYUAN MO ANG ANAK KO!"

*PAK

"mom thats enough! Shes my fiancée and I love her!" sigaw ni Carlo

Umiiyak na ako at nakabalot ng kumot ang katawan ko
Napatigil sa gulat ang mama ni Carlo
May nagsidatingan na ding mga tauhan ng mama ni Carlo at hinawakan si Carlo. Nagpupumiglas din naman sya pero wala syang laban

"Get him in the car" madiin na utos ng mama ni Carlo sa mga ito

Agad namang sumunod ang mga lalaking nakaitim at hinila na si Carlo palabas

"DIANE! DIANE! MOM DONT HURT HER! I LOVE HER!" sigaw ni Carlo

Nang makalabas na sila ay nagulat ako ng hilahin ni Mrs. Carter ang kamay ko at nakita nya ang singsing na suot ko

"OH MY GOD!" hindi nya makapaniwalang sabi

Muli ay sinampal nya ako ng malakas na syang ikinatalsik ko sa sahig

Napahawak nalang ako sa mukha ko dahil ang hapdi na nito sa mga sampal na natamo ko. Ramdam na ramdam ko ang galit nya sa akin ng pinanggigilan nyang hawakan ang pisngi ko

"YOU WILL NEVER SEE MY SON AGAIN!"

Bago ito makaalis ay may sinabi pa syang kinaiyak ko ng sobra.

At talagang hindi ko na nakita si Carlo magmula nun

Hinanap ko sya.
Kinontak ko sya.
Pero wala talaga!

Wala na sya!

Turning On (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon