DIANE POV
Napaaga ang pag alis ni Christian papuntang France at nandito kami ngayon ni Colbie sa airport dahil hinatid namin si Christian
Hindi naman sumama si Carlo. Napapansin ko din na hindi masyadong nagpapansinan ang magkapatid
"So tayong dalawa nalang ang nandito" nakangiting sabi ni Colbie
pinipilit nya parin kasi na magdate daw kami.
"Kain muna tayo" sabi nya pa at hinila ako sa isang restaurant, hindi na ako tumutol dahil gusto ko ding makausap ng maayos si Colbie
"Colbie may napapansin ka ba sa magkapatid?"
Habang hinihintay namin ang order namin ay tinanong ko sya
Napaisip naman sya
"Wala naman pero kay Carlo meron" seryosong sabi nya
tumingin din sya sa akin
"Wala kayong maayos na break up ni Carlo diba?" tanong nya sa akin
"Oo"
"Hindi narin kayo nakapag usap o nagkita mula nung nag celebrate kayo ng first anniversary nyo?"
Tinanong ko sya kung bakit nya ba ito tinatanong pero ang sabi nya ay sagutin ko nalang
"Oo" sagot ko
"Yung totoo Diane, mahal mo pa ba si Carlo?"
napakunot noo ako, nakaramdam ako ng kirot sa puso ko pero hindi na tulad ng dati na sobrang masakit at ayaw kong pag usapan ang nakaraan namin ni Carlo. Ni ayaw ko ngang marinig ang pangalan nya. Pero ngayon nakikita ko sya, nakakasama sa isang bahay.... nakikita ko din ang pagtrato nya kay Carol
Siguro naka move on na nga sya at nakakamove on narin ako. Tanggap ko na, na hindi kami para sa isat isa, tanggap ko na, na iba na ang mahal nya. Tanggap ko na ang mga nangyayari. Hindi na ganun kasakit. Dahil tanggap ko na.
"Ano namang klaseng tanong yan" sabi ko sa kanya
"Si Christian mahal mo ba talaga?"
mukhang alam ko na kung saan papunta ang usapan namin. Naghihinala narin sigiro sya sa relasyon naming dalawa ni Christian.
Nginitian ko lang sya
"I have something to tell you Colbie pero ipangako mo sa akin na hindi mo sasabihin kahit kanino" seryoso kong sabi sa kanya
Hindi naman siguro masama kung sasabihin ko sa kanya ang totoo
"Ang pagiging fuck buddy natin dapat walang makaalam at ngayon naman na sasabihin mo dapat wala ding makaalam, Diane ang dami mo naman atang tinatago" seryoso ding sabi ni Colbie
Nagkasukatan kami ng tingin. Tinatansya ko kung sasabihin ko pa ba o hindi na. Tama naman kasi sya, na marami akong tinatago.
"Pero sige pangako walang makakaalam ng sasabihin mo" bago pa ako makapagsalita ay nagsalita ulet sya
Napabuntong hininga ako bago nagsalita
"Isa akong professional sexy girl Colbie"
Para namang hindi sya makapaniwala sa sinabi ko.
"I work at SEC and im one of the sexy girls there"
kahit na gulat sya ay tahimik parin sya at nakinig ng mabuti sa akin
"Nung una pinilit ako ni Christian na maging sexy girl ni Carlo pero alam ko naman na paraan nya lang iyon para magkita kami ni Carlo at gusto nya ding ipagpatuloy ang pagmamahalan namin noon, alam mo naman ang nangyari four years ago diba?"
BINABASA MO ANG
Turning On (COMPLETED)
Fiksi UmumWARNING! Edited Part but not perfectly Perfect This story contains mature content Before you read this story make sure that your an open minded enough if not then click exit button. Thank you! ALL RIGHT RESERVED