CHAPTER 24 - CAROL LIES

3.3K 48 0
                                    

CAROL POV

"Hello dad"

ka video call ko si dad

"thats a good news anak"

binalita ko kasi sa kanya na successful ang plano. Na nasabi ko na kay Carlo na buntis ako na hindi sya nagduda.

"Pwede ko na bang makapiling ang mag ama ko?" pagmamakaawa ko kay dad

Halos isang buwan ko naring hindi nakakasama ang mag ama ko.

"No Carol! Hanggat hindi ka pa naikakasal kay Carlo Carter ay hindi mo makikita ang mag ama mo"

napaiyak ako dahil sa sinabi ni dad. Si daddy ang may gusto nito, si daddy ang may plano nito.

Ng malaman nyang wala na kami ni Carlo, ng hindi ko na sya kinukulit at ng malaman nyang may ka live in na ako na si Alwin at may anak kami ay umeksena si Dad.

tanggap ko na kasi na hindi ako mamahalin ni Carlo na si Diane talaga ang mahal nya. Mahal na mahal ko si Carlo eh kaya masakit. Patay na patay ako sa kanya. Lahat ginawa ko para mapansin nya pero si Diane talaga ang mahal nya. Hanggang sa nameet ko si Alwin at naka one night stand.

Sya ang naging sandalan ko, naging kaibigan ko hanggang sa unti unti natutunan ko ng mahalin si Alwin at nagsama narin kami.

Kung kailan magpapakasal na kami ni Alwin after ko maipanganak ang first baby boy namin na si Chester saka naman umeksena si dad.

Hindi ko to gusto. Si Alwin na ang mahal ko. Hindi ko na mahal si Carlo. Kaya na gu-guilty ako dahil nangloloko ako ng tao. Niloloko ko si Carlo. Pero kailangan ko tong gawin para sa mag ama ko.

"Im Sorry Diane, Im sorry Carlo"

sana mapatawad nila ako. Sana maintindihan nila ako.

Ginagawa ko to para sa mag ama ko. Nilayo saken ni daddy ang mag ama ko at para ligtas sila at nasa maayos ay kailangan kong sundin ang gusto ni dad. To marry Carlo. Gabi gabi ako umiiyak because i know my dad, kapag hindi ko sinunod ang gusto nya papatayin nya ang mag ama ko at hindi ako makakapayag na mangyari iyon.

Ang akala ko pa mahihirapan ako sa pinapagawa sa akin ni dad dahil hindi naman ako ang mahal ni Carlo pero nagkamali pala ako. Nung una nakikita ko na ginagamit nya lang ako para mapaselos si Diane, dahil kahit ako din ay napapansin ko na parang ganun din ang ginagawa nila Christian at Diane pero habang tumatagal naguguluhan na ako

Nakabalik narin si Christian galing France at ngayon parang hindi maghihiwalay sila Diane at Christian. Sa ngayon i can sense na totoo ang relationship nila, na totoo ang pagmamahalan nila. Kitang kita ko kasi sa kung paano nila tingnan ang isat isa at sa mga ngiti nila.

"Honey kailan ang check up mo para masamahan kita?" Si Carlo naman mas naging maalaga sya sa akin. He suggest pa nga na dito na ako tumira sa kanila.

"Sa sabado honey"

napalunok ako dahil naisip ko na sana noon pa nya ito ginawa. Sana noon pa sya naging ganito sa akin, edi sana walang problema ngayon.

Pinahiga ako ni Carlo sa balikat nya at niyakap ako, ganun din naman kasi ang pwesto nila Diane at Christian

"Your pregnant Carol? Wow congrats"

si Christian ang nagsalita

"So kailan ang kasal?"

napigil ko ang hininga ko sa tanong naman ni Colbie.

FYI lang ha, si Alwin ang ama ng dinadala ko ngayon. Bago ako pumunta dito ay alam ko ng buntis ako, 4 weeks actually. Nakausap ko narin naman ang ob doctor at she knows what to do na.

"I think its better hanggat hindi pa malaki ang tyan ni Carol right honey"

ngumiti nalang din ako

"The sooner the better" sagot ko naman

Turning On (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon