CHAPTER 25 - RANDOM FEELINGS

3.4K 55 0
                                    


CHRISTIAN POV

Habang nasa France ako ay walang araw na hindi ko tinatawagan si Diane para kamustahin sya at si JR. Feeling ko nga asawa ko na si Diane at anak ko na si JR, haha... Sana. Pero pwedeng mangyari iyon diba?

Alam ko naman kasi na No feelings attach pero hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko. And i think, nakompirma kong nahulog na ako kay Diane nung last na pumunta kami ng america. Nakita ko kung paano sya kalakas, katatag, kung gaano nya kamahal si JR dahil lahat ginagawa nya para sa anak nya.

I know naman na ginagawa ko to para sa kapatid ko pero an unexpected event pops up. Si Carol at ang magiging anak nila ni Carlo. Kilala ko si Carlo and once na nakapag decide sya ay ginagawa nya talaga.

Kitang kita ko ang pag aalaga nya kay Carol at desidido talaga syang pakaalan si Carol sa kabila ng pagmamahal nya kay Diane. And yes, sinabi sa akin ni Colbie. Pinuntahan ako ni Colbie sa France at kinompranta ako na alam na nya ang totoo. Ang pagiging sexy girl ni Diane, ang pagpapanggap namin ni Diane na in a relationship at ang anak ni Diane na si JR. Sinabi din sa akin ni Colbie na ang akala ni Carlo ay anak ko si JR at sinabi din nya ang naging desisyon ni Diane na hindi sabihin kay Carlo ang totoo at ang plano nitong magpakalayo pagkatapos ng kontrata.

Napabuntong hininga ako.

"sup?"

nandito ako sa Jacuzzi namin dito sa likod ng bahay namin banda sa may garden at nag iisip. Sinamahan naman ako ni Colbie

"siguro nabulag si Carlo sa sobrang galit kaya hindi nya narealize na anak nya si JR" simula ni Colbie

siguro nga, dahil sya lang naman ang naging boyfriend ni Diane eh

"Or naisip ng kapatid ko na may relasyon din kami ni Diane noon sa likod nya" sabi ko din

Nakatingin kami ni Colbie sa kalangitan at kitang kita namin ang mga star

"anong balak mo?"

napatingin ako kay Colbie

"I will respect her desicion"

"Paano kapag nalaman ni Carlo sa huli?"

"Hindi nya malalaman kung walang magsasabi"

seryosong sabi ko at tiningnan sya ng makahulugan. Agad nya naman in zip ang bibig nya

"sarado ang bibig ko dyan promise"

Nakampante ako at pumikit, ninanamnam ang init ng tubig na bumabalot sa katawan ko

Sa limang minutong katahimikan ay nagulat ako sa sinabi sa akin ni Colbie

"Gusto ko si Diane"

Agad akong napatingin sa kanya at pasimpleng napakuyom

"I like her" ulet nya pa

"Nagsimula ito nung nakita ko sya sa bus papuntang Baguio" pagkekwento nya

napakunot ang noo ko

"nagkita kayo? Kailan?"

ngingiti ngiti naman si Colbie na para bang may nakakatawa sa iniisip nya.

"A month ago? Nung sinundan ko si Carlo sa Baguio and need my technology service"

Napaisip ako sa sinabi nya. Ah, nung time na sinabi ko kay Carlo na may sorpresa ako sa kanya at si Diane nga iyon pero hindi naman natuloy dahil hindi naman pumunta si Diane sa lugar na pinapapunta ko sya.

"What happened?" kunot noong tanong ko dahil sa pagkakaalam ko ay hindi pumunta si Diane

"Its a long story bro" sabi nya at umalis na

"Una na ako at makatulog na" bigkas nya pa bago tuluyang umalis

Kung pumunta si Diane sa Baguio bakit hindi sila nagkita ni Carlo?

riiiing... riiing....

"Ynna pumunta daw si Diane sa Baguio noon pero bakit hindi sila nagkita ni Carlo?"

agad na sabi ko ng sagutin ni Ynna ang tawag ko

"ha Christian hindi ko ba nasabi sayo na pinaalis ko si Diane dahil nakonsensya ako"

napabuntong hininga ako pero bago pa ako makapagsalita ay may nagsalita sa likod ko

"Si Ynna ba yan?" gulat na gulat ako ng makita na si Diane ang nasa likod ko

Parang hindi naman sya makapaniwala ng makita ang name sa screen ng phone ko

"Diane!"

tawag ko sa kanya at hinabol sya, inend ko na ang tawag

"Diane" agad naman akong nakatanggap ng sampal sa kanya

"Plano nyo to?! Kayo ni Ynna?!" galit nyang sabi

sinubukan kong hawakan sya pero umiiwas sya

"Napaka!"

nanggigigil sya at agad na napaupo sa sahig. Nanginginig ang katawan nya at umiiyak sya ng yakapin ko sya

"Wag kang magalit kay Ynna Diane dahil pinilit ko sya na sabihin sa akin" paliwanag ko

"At ginamit nyo ang trabaho ko at ang anak ko sa gusto nyong mangyari!" giit nya

"Oo dahil alam naman namin na hindi ka papayag na makita si Carlo"

tumingin sya sa akin

"Dahil masakit ang ginawa nya noon! Ang pang iwan nya sa akin noon!" madiin ang pagkakasabi nya

Hinawakan ko ang kamay nya

"Hindi nya ginusto yun Diane dahil mahal na mahal ka nya, alam mo yan. Pero para sa kaligtasan ni mommy nagsakripisyo sya!"

Tumayo naman sya

"Ano man ang ginawa nya, nasaktan parin ako! Masakit Christian kaya sana respetohin nyo ang desisyon kong hindi ipaalam sa kanya na may anak kami, tatapusin ko lang ang trabaho ko at magpapakalayo na kami" sabi ni Diane at aalis na sana pero

pareho kaming nagulat ng nakatayo malapit sa amin si Carol na gulat na gulat

"A-a-anak? may anak si Carlo?"

Agad kong inalalayan si Diane dahil nanghina sya. Hindi namin inaasahan na malalaman ni Carol ang totoo at sa di tamang pagkakataon.

Turning On (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon