CHAPTER 9 - DISAPPOINTMENT PART 2

4.9K 66 3
                                    


DIANE POV

6 na ng magising ako, agad ako napabangon at bumaba. Medyo natandaan ko na ang mga daanan dahil narin sa paliwanag ni Christian kanina.

"Diane gising kana pala" si Colbie ang nakita ko

At promise maiinis na ako dahil hindi mawala ang ngisi sa kanyang mukha

"Wala si Christian at wala din si Carlo, kaya ako muna ang magpapakilala sayo sa mga katulong at itour din sa bahay na ito" sabi nya

Agad naman nyang hinawakan ang braso ko at hinila

"Lola" nakarating kami sa kusina at nakita ko ang tatlong katulong

"Diane sya si Lola, sya ang tutulong sayo sa pag asikaso dito sa bahay habang hindi ka busy sa iba mong DAPAT gawin"

Sa tono palang ng pananlita ni Colbie alam kong may alam sya sa kung bakit talaga ako nandito.

Tsk!
Pinakilala nya pa sa akin ang dalawa na sina Maria at Rosa at pinakilala din ako sa kanila.

Pagkatapos ay hinila nya ulet ako

"pagkagabi wala ang mga maid dito, pagkatapos nilang magluto ng dinner ay aalis na sila kaya malaya tayong dalawa dahil for sure hindi uuwi sila Christian at Carlo" nakaakbay na sa akin si Colbie na pinippilit ko namang tanggalin

Nakarating kami sa may pool area

"Araw araw dapat malinis ang pool area lalo na kapag weekend dahil naliligo kami dito ng magkakasama atleast twice a week"

Kinabisado ko ang mga impormasyon na sinasabi sa akin ni Colbie ngayon

"Mostly kapag umaga wala kami dito, nasa kumpanya sila Carlo at Christian at ako nasa shop ko, hindi ko alam ang schedule ni Carlo at hihingin mo iyon kay Christian kung kailangan mong 24/7 na nakadikit sa kanya. Pagkagabi kadalasan ang uwi namin ay 9 or 10 kaya dapat may nakahanda ng dinner sa lamesa, allergic ako sa seafood at ayaw naman ni Christian ang maanghang at siguro naman alam mo na ang mga ayaw at gusto ni Carlo dahil naging magkasintahan kayo" paliwanag nya sa akin

Napabuntong hininga ako

Naeexcite ako na kinakabahan sa muling pagkikita namin ni Carlo.

"OKAY" biglang sigaw naman ni Colbie kaya nagulat ako

Turning On (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon