DIANE POV
Dalawang linggo at apat na araw narin ang lumipas ng huling makita ko ang mga Carter. Hindi na nagparamdam pa sakin mula non si Christian, maging si Carlo at Colbie. Wala na akong naging balita sa kanila at ngayon nga ay naisip ko na kahit ngayon lang total last na ito.
"mommy where are we going?"
kasama ko ngayon ang anak ko na si JR at si Lola papunta sa bahay ng mga Carter
"To your daddy Christian anak"
napangiti naman ng malaki ang anak ko sa narinig nya
"Naku maam matutuwa nyan si sir Christian sigurado" sabi naman ni Lola na nginitian ko nalang
Sa bahay ko muna pinatira sila mama at papa, si Ynna naman ay nakausap ko narin about sa nangyari at pinatawad ko na sya. Best friend ko sya at naintindihan ko kung bakit nya yun nagawa sadyang nagulat lang talaga ako nung una kaya sobrang laki ng galit ko.
At isa pa mabuti ng magpatawad at kalimutan ang nakaraan dapat ng mag move on.
"Daddy"
agad na tumakbo ang anak ko kay Christian at niyakap ito ng makarating kami sa bahay nila. Nagulat naman si Christian ng makita kami
"Baby"
nginitian ko si Christian ng mapatingin sya sa akin. Binuhat nya ang anak ko at lumapit sa akin saka binigyan ako ng halik sa pisngi
"Kaninong anak yan?"
napatingin kami sa nagsalita at si Carol pala ito na kasama si Carlo. Binaba naman ni Christian ang anak ko kaya agad na lumapit sa akin si JR
"anak ko Carol"
ang talim ng tingin sa akin ni Carol na para bang may ginawa akong mali na hindi ko nalang pinansin
"Baby say hi to Tita Carol and Tito Carlo"
agad naman kumaway ang anak ko sa kanila at nakangiti pa ito. Ang gwapo talaga ng anak ko idagdag mo pa ang dimples nya. Mahahalata mo agad na may lahing Carter.
"Hello po Im Johann Rain pero JR ang tawag nila sa akin, nice to meet you po"
napangiti nalang ako dahil ang hyper ng anak ko. Lumuhod naman si Carlo para makapantay nya si JR
"Im Carlo, your Tito Carlo kapatid ako ng daddy Christian mo. Nice to meet you"
Ngumiti nalang ako, atleast kahit na sandali nagkita at nagkasama ang mag ama. Nagulat ako dahil niyakap ng anak ko si Carlo
"then your my tito daddy Carlo its that okay po ba?" sabi ng anak ko
"Diane pwede ba kitang makausap?" napatingin ako kay Carol ng bigla syang magsalita. Ang tulis parin ng tingin nya sa akin at sa anak ko
Pumayag nalang ako at nag excuse kami sandali sa kanila.
"Sabi mo wala kang balak manggulo pero ano to ha?!" madiin at nandidilat na matang sabi ni Carol sa akin
hawak nya din ako sa braso at madiin ang pagkakahawak nya sa akin
ngumiti lang ako at tinanggal ang pagkakahawak nya sa akin
![](https://img.wattpad.com/cover/127813835-288-k51597.jpg)
BINABASA MO ANG
Turning On (COMPLETED)
General FictionWARNING! Edited Part but not perfectly Perfect This story contains mature content Before you read this story make sure that your an open minded enough if not then click exit button. Thank you! ALL RIGHT RESERVED