CHAPTER 29 - THE START OF THE BEGINNING

3.6K 58 1
                                    

ONE MONTH LATER

Masayang nagdiriwang ang bagong kasal na sila Carlo at Carol, pribado ang naganap na kasalan ng dalawa tanging mga business partner, mga kaibigan at kamag anak lamang ang mga dumalo

Gabi na pero patuloy parin ang kasiyahan, maraming bumati sa kanila ng "Congratulations"

Sa di kalayuan ay may nagmamasid sa kanila

"tingnan mo kung gaano kasaya ng anak ko sa piling ng asawa nya"

Beach wedding ang tema ng kasal nila Carlo at Carol kaya nasa isa sa mga resort ng mga Carter nila ito ipinagdiriwang

Pinagmasdan naman ng mabuti ng lalaki ang babaeng kanyang minamahal na kay lapad kung ngumiti. Alam nya ang tawang iyon. Napapakuyom nalang sya, wala naman kasi syang magagawa dahil bukod na sa maraming mga tauhan ang papa ni Carol at bantay sarado sya ay alam naman nya na ginagawa nya lang ito para sa kanilang mag ama.

"magiging ligtas kayong dalawa kung magpakalayo layo kayo at hindi na magpapakita pa sa anak ko"

sabi pa ng tatay ng babaeng mahal nya. Mahirap lang naman kasi sya at hindi tulad ni Carlo Carter na sobrang yaman, pero kung tutuusin iyon lang naman ang laban nya, ang yaman nya pero sya kahit mahirap lang sya-alam nya sa sarili nya na kaya nyang buhayin ang pamilya nya. May permanente na syang trabaho sa bar kapag gabi at college professor naman sya sa umaga.

"isipin mo nalang ang anak mo" sabi pa nito at sabay silang napatingin sa anak nyang natutulog at nakahiga sa kama

may inabot sa kanya na envelope

"Dyaan kayo titira at magpapalit narin kayo ng pangalan nyo"

Robert Liam ang nabasa nyang magiging pangalan nya samantalang ang anak naman nya ay si Roy Liam naman, titira sila sa isang hacienda sa probinsya

sunod naman ay isang bag na malaki ang hinagis sa harap nya

"sapat na yan para manahimik kayo"

huling sabi nito at umalis na ang tatay ni Carol. Sapilitan naman silang pinalabas ng lalaki at sa labas ay may nakaabang na sa kanilang van

"Tandaan mo ang binilin ni boss dahil kapag nakita ulet namin kayo" sabi ng isa sa mga tauhan at nag senyas na pupugutan sila ng ulo

takot naman ang batang napagakap sa ama nya

May isang sasakyan naman ang dumaan

"Grabe naman mga tao ngayon"

napailing nalang si Diane dahil nakita nya kung paano hilahin ang isang lalaki at isang bata papasok sa van

Hindi nya alam kung mafia ba ito or mga gangster o ano pero mas minabuti nalang nya na hindi makialam

Bumalik sya ng pilipinas para i congratulate ang dalawa, pinipilit naman kasi sya ni Carol na pumunta sa kasal nila though kahit na late na sya ay atleast nakadalo sya

Saglit lang naman sya dito at babalik din agad sya sa Japan kinabukasan

Agad nya hinanap ang dalawa pagkarating nya

Turning On (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon