CHAPTER 11- CHRISTIAN CARTER

5K 67 1
                                    

CHRISTIAN POV

Hindi ko alam na sila parin pala ni Carol, hindi ko alam na naka move on na pala ang kapatid ko. Ang akala ko kasi ay si Diane parin ang mahal nya magpahanggang ngayon.
OO., nung nasa America kami ay agad na sumunod si Carol at kinukulit kulit nya si Carlo. At nakikita ko naman na ayaw ng kapatid ko kay Carol, na pinagtyatyagaan nya lang si Carol dahil sya ang gusto ng mga magulang namin para sa kanya.

Kaya ko hinanap si Diane. Dahil alam ko at akala ko magiging masaya sya kay Diane.

Nagkamali ako.
Kahapon sasabihin ko na sana kay Carlo ang magandang balita pero naabutan kong may milagrong ginagawa sila ni Carol sa opisina nya pa mismo.
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Diane ang totoo, kasalanan ko dahil pinaasa ko sya. Ginulo ko ang buhay nya, ginulo ko ang isipan at puso nya.

Nakarating na kami sa beach resort namin kung saan ko dinala si Diane, tahimik parin sya,

“follow me” seryosong pagkakasabi ko sa kanya

Bumaba na ako ng sasakyan at naglakad na palayo, maya mayay naramdaman kong sumusunod na sa akin si Diane. Dumiretso kami sa resting area dito sa resort kung saan pwede ka makapagpahinga, umupo. Maganda ang view dito, tahimik, payapa  at mahangin kaya siguradong makakapag unwind ka dito. Dagsaan dito ang turista lalo na kung may mga special occasion.

“bakit mo ako dinala dito?” napatingin ako kay Diane nang magsalita sya

Tahimik akong napabuntong hininga

“Diane/Diane”

Napalingon kami ni Diane ng marinig namin ang boses ni Carlo sa di kalayuan. Sumunod pala si Carlo sa amin, hingal na hingal pa sya.

Kitang kita ko ang ngisi sa kanyang mukha nang makalapit sya sa amin

“sya na ba ngayon ang pet toy mo ha kuya?” mapang asar nyang sabi

Agad naman syang nakatanggap ng isang malutong na sampal galing kay Diane

“Ah hindi ba?” ngising ngising sabi naman ni Carlo habang hawak nya parin ang mukha nyang nasampal ni Diane

Papaliit palit ang tingin sa amin ni Diane si Carlo

“O sya ba ang sinasabi mong surprise mo para sa akin?”tanong nya pa ulet

Bago pa muling makapagsalita si Carlo ay hinila ko na sya papalayo

“CARLO ANO BA!” matigas kong sigaw sa kanya 

May ngisi parin sa kanyang mukha

“BAKIT TAMA AKO DIBA!?” matigas at sigaw nyang sabi

Napabuntong hininga ako. Kung nakakamatay lang ang tingin siguro kanina pa ako nakabulagta dito sa sahig.

“Hindi ko sya pet toy Carlo, kung sabihin kong girlfriend ko sya?” nakangisi kong sabi sa kanya 

Mas lalong nanlisik ang tingin nya sa akin. Malayo sa amin si Diane at nakatingin lang sya sa amin.

“Ano bang pakialam mo? Eh may girlfriend ka na diba?” sabi ko ulet sa kanya bago pa sya makapag salita

Turning On (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon