CHAPTER 4 - EMERGENCY

9.2K 85 0
                                    

DIANE POV

“ANO?!” sigaw ko ng marinig ko ang sinabi ni Ynna sa kabilang linya

Sa gulat ko ay nasipa ko si Colbie na syang ikinahulog nya sa kama

“THE FUCK!!!” rinig kong sigaw naman ni Colbie

Dali dali naman akong umalis ng kama at nagbihis!

Hindi dapat ako maabutan ni Carlo dito! FOR FUKING OUT LOUD! HINDI PWEDE!!!!

FLASHBACK A MINUTE AGO

‘bakla umalis ka na dyan! Im sorry girl, nawindang kasi ako sa laking halaga na binayad nila kaya nabulag ako sa ibang detalye’

‘huh anong ibig mong sabihin?’ naguguluhan kong tanong

Sa puntong ito ay nagbibihis na ako at natataranta

‘Ang ex mo na si Carlo sya ang customer mo! Mamaya na ang detalye, kaylangan mo na jan umaalis at kaylangang hindi ka nya makita!’

Mas lalo akong nataranta ng marinig ko palang ang pangalan na ‘CARLO’ kaya nang makabihis ako ay dali dali akong umalis ng kwarto

END OF FLASHBACK

“hey where are you going?”

Narinig ko pang sigaw ni Colbie, nakabihis na pala sya at hinabol ako bago ako makalabas ng tuluyan

“whats your problem?”

Nanglaki ang mga mata ko ng bumukas ang pinto at kung sinong tao ang iniluwa ng pintuan

O_O

“bro you’re here” nanglamig ako sa kinatatayuan ko, napayuko ako at sinadya kong takpan ng mga buhok ko ang mukha ko

“and your with a girl as usual to you my dear cousin”

Napalaki ang mga mata ko sa narinig ko

ANO daw?

MAGPINSAN SILA?!
Si Carlo at Colbie?

“bro shes different. Shes….” Bago pa matapos ang sasabihin ni Colbie ay dali dali akong tumakbo palabas ng kwarto

JESUS CHRIST! Malapit na! TSSSK! 
Ayokong Makita ako ni Carlo!
Bakit pa kasi pinagtagpo ulet kami, sa laki ba naman ng Pilipinas!

Okay na ako nung umalis sya!
Okay na ako nung iniwan nalang nya ako ng basta basta!
Naka move on na ako!
Okay na ako!

Pero
Akala ko lang pala ang lahat
Dahil bumabalik nanaman ang sakit

----
Kinaumagahan ay umuwi na ako sa amin, nandito na ako sa capiz at kausap ko na ngayon si Ynna

“ANO BES MUNTIKAN KA NG MAKITA NI CARLO?!” pasigaw na tanong sa akin ni Ynna ng makwento ko sa kanya ang nangyari kahapon

Sa hotel na ako natulog dahil wala ng bus pabalik sa capiz at syempre naghanap ako ng ibang hotel.

Napatango tango nalang ako. Halo halo na kasi ang nararamdaman ko kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko!
Si Colbie at Carlo ay magpinsan!
Muntikan na akong Makita ni Carlo!
At bakit pa kasi bumalik ng pinas ang walangyang ex ko na yun!

OO! Walangya sya! Dahil nang iiwan nalang sya ng basta basta

“Sorry talaga bes, inisip ko kasi agad ang laking halaga na ibabayad nila para narin pangdagdag sa ipon mo pang gamut kay Jr” malungkot na sabi ni Ynna, halata sa mga mata nya na nagsisisi sya sa ginawa nya at hindi nya sinasadya

Naiintindihan ko naman si Ynna eh.
Bestfriend ko sya. Pinagkakatiwalaan ko sya. At alam naman nya ang sitwasyon ko kaya kung alam lang nya na si Carlo ang magiging customer ko ay paniguradong hindi iyon papayag at maghahanap nalang sya ng ibang customer na kayang magbayad ng Malaki.

Alam ko naman na nagmamalasakit lang naman sya sa akin at sa anak ko.

OO may anak ako!
Si Jr iyon na nasa hospital ngayon dahil sa mahina ang resistensya nya sa katawan at may sakit din sya sa puso.
Kulang pa ang naiipon ko at wala pa ding nahahanap na donor kaya hindi pa maoperahan ang anak ko

At kung tinatanong nyo kung sino ang ama, ang walanghiyang  Carlo lang naman na iniwan ako ng walang paalam.

Turning On (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon