CHAPTER 10 - MULING PAGKIKITA

4.9K 67 1
                                    

DIANE POV

Kinabukasan ay maaga akong nagising, saglit ko ding tinawagan si Ynna

“Bes kamusta si Jr” agad kong tanong sa kanya ng mag video call kami

“Bes wag mo ng alalahanin si Jr dahil inaasikaso sya ng mabuti ng mga doctor dito, ikaw ang inaalala ko dyan, ano? Anong balita?” tanong naman nya sa akin

Kinwento ko sa kanya ang nangyari kagabi

“Hindi parin kami nagkikita ni Carlo, si Christian at Colbie mukang makakasundo ko naman” panimulang sabi ko at kinwento na sa kanya lahat

Lalo na ang kutob ko kay Christian kagabi.
May mali eh.

“Bakit mo naman nasabi yan Bes? Ikaw puro ka dyan hinala eh” sabi naman nya sa akin 

“Alam mo ding tama lahat ng mga hinala ko” sabi ko din sa kanya

Napairap lang din naman sa akin si Ynna dahil alam nyang tama ako sa bawat hinala ko sa isang tao

“Wag ka na ngang nega dyan, mabuti pa puntahan mo si Carlo sa kumpanya total naman trabaho mong 24/7 na nasa tabi nya” buntong hiningang sabi ni Ynna sa akin

Nag usap pa kami saglit hanggang sa magpa alam na kami sa isat isa, nakaligo na ako at nakabihis ng bumaba ako.
Naabutan ko ang mga maid na naglilinis ng bahay

“Lola tara magluto na tayo” sabi ko kay Lola ng Makita ko sya

Pansin ko ang pagkamot nya sa batok

“Maam kasi, hindi naman po kumakain sila sir dito pagka umaga” sabi nya agad sa akin

“Diane nalang po ang itawag nyo sa akin, Lola ba talaga ang pangalan mo?” tanong ko sa kanya

Ngumiti sya sa akin bago sumagot

“Lola Licup nga Diane ang pangalan ko” sabi nya

“Gaano na ho kayo katagal nagtatrabaho sa mga Carter?” tanong ko ulet sa kanya

Limang buwan na po” sagot naman nya

Ang ibig sabihin limang buwan ng nandito sila Carlo, Colbie at Christian.
Hindi ko man lang alam.

Tinulungan ko silang gumawa ng mga gawain hanggang sa mag lunch ay sabay na dumating sila Colbie at Christian

“Christian anong oras ko pupuntahan si Carlo?” tanong ko agad ng makita sya

“Dito ka na muna Diane, masyado pa kasing busy si Carlo ngayon”

Si Colbie ang sumagot ng tanong ko, nakatingin lang naman sa akin ng diretso si Christian, hindi ko matukoy kung ano ang iniisip nya

“Lets eat”

Habang kumakain kami ay iniiwasan nilang banggitin si Carlo, hindi ko alam kung bakit pero alam kong may mali,
Mas pinag uusapan namin ang ibang bagay

“Diane kung gusto mo sumama ka sa akin sa shop ko mamaya para malibang ka naman” maya mayay alok sa akin ni Colbie

“may pag uusapan kami Colbie kaya sa akin sya sasama mamaya” seryosong sabi naman agad ni Christian

Napatingin ako sa kanya agad ng magsalita sya, napakaseryoso naman kasi ng taong to. Napakibit balikat naman agad si Colbie at pinagpatuloy nya ang pagkain nya.

Pagkatapos namin kumain ay pasakay na kami ng sasakyan ni Christian ng may dumating din na sasakyan at sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng makita ko kung sino ang bumaba sa driver seat

Nagtama ang mga mata namin
Pero saglit lang dahil napatingin ako agad sa babaeng bumaba sa passenger seat

“Lets go hon” agad itong lumapit kay Carlo at ikinawit ang kamay sa braso ni Carlo

Napatingin din naman ito sa amin

Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Papalit palit ang tingin ko kay Carlo at kay Carol at sa mga kamay nila.

Hindi ako maaaring magkamali na si Carol nga itong babaeng nakakawit ang kamay sa braso ni Carlo.
Napaiwas ako ng tingin at napatingin ako kay Christian

“Diane lets go” seryosong sabi ni Christian sa akin

Gulat na gulat ang naka rehistro sa mga mukha nila Carlo at Carol

Hindi ako makakilos

“D-Diane?” tanong din naman ni Carol sa amin at lumapit

Hindi ko gusto ang tingin nya sa akin

“Ikaw nga, akala ko patay ka na” ngiting ngiting sabi nya

At nakipag beso pa sya sa akin. Alam ko namang plastic ang pakikipag beso nya sa akin, at hindi kami close para gumanyan sya

“anong ginagawa ng isang katulad mo dito?” bulong nya pa sa akin na tiyak ay ako lang ang nakarinig

Hindi din naman makagalaw si Carlo sa kinatatayuan nya. Hindi ko ba alam kung natutuwa ba syang makita ako o ano. Pero may parte sa akin na nasasaktan dahil sa may kasama syang babae

Akala ko ba ako lang ?
Akala ko ba hindi na naghanap ng iba si Carlo pero ano to?
Niloloko lang ba ako ni Christian?!
Pakana lang ba ito ng mommy nila para ipamuka sa akin na nakalimutan na ako ng anak nya, at hindi na ako mahal ni Carlo?
Na tama sya at hindi kami bagay ng anak nya?!
Pinagmumuka lang ba nila akong tanga?
Bakit ba ako nasasaktan?

Hindi na ako tumutol ng si Christian na mismo ang nagpasakay sa akin sa passenger seat at nagmaneho din naman agad sya paalis

Hindi ako umimik. Tahimik lang ako, nag iisip sa mga nangyayari at pwedeng mangyari.

Turning On (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon